Chapter 26

13.2K 593 382
                                    

Chapter 26



"Haoran Iverson Lauchengco! Can we talk?" malditang sabi ni Danika habang nakaharang sa daraanan ko sa hallway. Kasama nito ang dalawa nitong alalay.

"Depende kung importante o hindi ang sasabihin mo, Danika Gozon Arellano," walang gana kong sabi.

"Well, surprise! Mag-uusap tayo sa ayaw mo at sa gusto!" anito at sumenyas sa dalawa.

Hinawakan ng mga alipores niya ang magkabila kong braso at iginiya papasok sa bakanteng classroom. Agad din akong binitiwan ng mga 'to.

Good thing at wala ako sa mood pumatol kaya sinakyan ko na lang ang trip ng mga 'to.

"Ano na namang pakulo 'to, Danika?" nakapamewang kong tanong.

"Tell me the truth, Haoran, is there something going on between you and Ms. Rikki?!"

Pagak akong natawa.

"Hay nako, Danika! Nilayasan ka na naman ba ng utak mo, ha? Mukha bang may namamagitan sa 'min ni Doc? Muntanga—"

Bigla niya akong tinulak at tumama ang likod ko sa pader.

Tsk.

"Stop denying! Akala mo hindi ko nahahalata 'yung closeness n'yo?!"

"Malamang naging close kami in a way! 'Coz aside sa professor ko siya, doktor ko rin siya. Nakakasama ko rin siya sa family dinners at gatherings dahil pamangkin siya ng asawa ng Tita ko! What's wrong with that?!"

"You like her! At alam kong nilalandi mo siya!" nanggagalaiti niyang sigaw.

Pinigil ko ang inis ko. Naririndi ako sa boses niya at baka mabigwasan ko siya nang 'di oras.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Danika? 'Di ka lang mukhang tanga, baliw ka na!"

Tinabig ko ang mga ito at naglakad palabas ng room pero biglang hinablot ni Danika ang buhok ko.

This time, hindi na ako nakapagpigil.

Diniin ko siya sa pader habang mahigpit na hawak ang leeg niya.

"You don't do that to me, Danika," malamig at may pagbabanta kong sabi.

Fear crossed her eyes, and that made me smirked.

Sinubukan siyang tulungan ng dalawang alipores niya pero tingin ko pa lang ay nagsi-atrasan na ang mga ito.

"B-Bitiwan mo 'ko, H-Hao—"

Pabalya ko siyang binitiwan. Muntik pa siyang sumubsob pero nakahawak siya sa desk.

"Ayokong umabot pa 'to sa guidance. Or else, babalikan ko kayo."

"D-Damn you, Haoran!" ani Danika na tinutulungang tumayo ng dalawang kasama.

"Don't mess with me, Danika. This is my final warning."

"Then layuan mo si Ms. Rikki! She's only for Ate Charlie! Walang ibang magmamay-ari sa kaniya!"

"What's your effin right to say that? Kung magmahal uli ng iba si Doc o hindi, wala ka na roon! Isa pa, your sister is already dead, Danika."

"She's not yet dead!!!" sigaw nito at pumalahaw ng iyak.

And out of nowhere, parang bigla na lang ako nakaramdam na parang gusto kong yakapin at i-comfort ang baliw na babaeng 'to. Weird.

Then to my surprise, bigla na lang ako nitong tinabig at nagtatakbo palabas.

"Habulin n'yo, tingnan-tingnan n'yo, baka mamaya magbigti 'yon o tumalon sa rooftop," sabi ko sa dalawa na agad namang humabol kay Danika.

The Devil in a White Coat (GL)Where stories live. Discover now