TDIAWC II: Chapter 3

9K 402 211
                                    

Short update.

Chapter 3

Third Person's POV


Two hours earlier...

"Impressive! You managed to throw a lavish party despite the—you know—crisis in the underground," bungad kay Wolfe ng isang matandang mafioso. Bumati ito at nakipag-kamay sa kanya.

"Hindi naman lahat apektado. My business is doing well!" sagot ni Wolfe na sinundan nito ng mahinang tawa.

"Mabuti kung ganoon! I'm looking forward to more business partnership between us in the future."

Natuon ang tingin ng lalaki kay Mavericke na nasa tabi pa rin ni Wolfe at nakaangkla sa braso nito.

"And what a beautiful young lady you have here," anito.

Tipid lamang na ngumiti si Mavericke. Hinayaan na lang niya na kunin ng lalaki ang kamay niya at marahang dampian ng halik ang likod ng palad niya.

She cringed. Ngunit ipinagwalang-bahala na lang niya dahil ayaw niyang mapahiya si Wolfe lalo't birthday nito.

Ipinakilala siya ni Wolfe dito bilang date na rin. Tila lalo pang nagka-interes ang lalaki sa kanya nang sabihin ni Wolfe na siya ang nag-iisang anak na babae ng dating heneral at ngayo'y senador na si Santi Vergel De Dios.

"And she's also the girlfriend of Ives Castellvi," dagdag ni Wolfe.

Ramdam niya ang pigil na tawa ni Wolfe lalo na nang mapansin nilang natigilan ito at napaatras ng isang hakbang.

"Yup! She's off-limits," mahina at pa-sing-song na sabi ni Wolfe.

"Oh. I didn't expect that," wika na lang ng lalaki.

"If you'll excuse us, Sir. Enjoy the night!" paalam ni Wolfe.

"You don't have to disclose info about me, Wolfe," wika ni Mavericke nang makalayo sila.

Papunta sila ngayon sa VIP area sa rooftop. At bawat makasalubong nila ay bumabati at saglit na nakikipag-usap kay Wolfe.

"Bakit hindi? Dapat lang na makilala ka nila para hindi ka nila guluhin."

"You don't need to keep me safe, Wolfe. I can handle myself."

"Sa ayaw at sa gusto mo, I will protect you lalo na dito sa balwarte ko. Baka malintikan ako kay Ives kapag pinabayaan kita. Gusto nun na ligtas at buo ka kapag bumalik na siya."

Tumigil sa paghakbang si Mavericke at nanunuring tinitigan si Wolfe. "Magtapat ka nga. May komunikasyon na ba kayo ni Haoran? Nakakausap mo ba siya?"

"I'm telling you the truth, Doc. Hindi pa ako kinokontak ni Ives. Alam kong siya ang sumusuporta sa akin ngayon. Alam kong siya ang rason kung bakit hindi apektado ang Lotus Tower at ang mga negosyo ko sa nangyayaring krisis ngayon sa underground. Pero kahit ganoon, wala pa rin siyang paramdam. Ni missed call from her, wala."

"I don't buy it."

"It's up to you. Pero realtalk lang, Doc. Walang personalan. Kung nagkakausap nga kami ni Ives at nauutusan niya 'ko, sa tingin mo, uutusan niya 'kong protektahan ka? Sa tingin ko hindi. Alam mong sagad hanggang impyerno ang galit nun sa 'yo. Baka nga utusan pa nga niya akong ibitin ka patiwarik, eh—"

Madiin niyang tinapakan ang paa nito.

"Aww!"

"Pasalamat ka at birthday mo ngayon! Kundi, binalibag na kita!"

The Devil in a White Coat (GL)Where stories live. Discover now