Chapter 25

12.9K 618 592
                                    

Chapter 25





Megan is suspended for 2 weeks. 'Yan ang sabi sa 'kin ni Bea after ng confrontation na naganap sa office ni Sir Glyndon. Galit na galit daw si Sir nang malamang nasampal ako ni Megan. Dapat nga raw patatalsikin na ito sa Malcolm kaso ay umapila si Doc Mav. Hmp!

As for me, may punishment din ako syempre dahil sa commotion na nangyari. Sikat na rin ako sa buong MIC, 'kaw ba naman ang magdala ng karo ng patay sa university pangsundo sa professor mo.

Anyway, ang punishment ko ay i-assist si VP—which is Westley sa mga programs or activities na pina-facilitate nito. May punishment pa ako sa Music Soc tas dumagdag pa 'to. Tsk.

"Lauchengco!" tawag sa 'kin ni Westley habang kinakawayan ako sa 'di kalayuan.

"Tremont!"

"Bilis! May klase pa 'ko in an hour!"

"Pumapasok ka pa pala sa klase mo?" sabi ko nang makalapit. Parang puro extracurricular na lang kasi ang inaatupag ng babaeng 'to, eh.

"Oo naman! Napagsasabay ko naman ang acads at extracurricular. Babae lang ang 'di ko kayang pagsabayin!" anito sabay hagalpak ng tawa at akbay sa 'kin.

"Minimize your voice, Ms. Tremont! You're in the school's corridors!" wika ng matangkad at magandang professor na dumaan sa harapan namin.

Agad akong napalunok at inalis ang braso ni West na nakaakbay sa akin nang mapansin ko ang matalim na tingin ng professor.

"Ms. Addie—"

Tinalikuran na kami nito at tuluyang iniwan.

She reminds me of someone...

"Just don't mind her, Hao. Ganoon talaga 'yon, laging masungit lalo na ngayong break na sila ng jowa niya," anito na masaya pa sa break up ng professor at ng bf nito.

"Trust me, sanay na akong sungitan," wika ko.

"Ewan ko ba kasi do'n! Araw-araw na lang ng pagkikita namin, laging nagsusungit!" maktol nito. "'Di ko tuloy alam kung araw-araw ay red days niya...o kulang lang sa dilig," anito at bumungisngis.

"Bibig mo, ang kalat!" sabi ko.

Tumawa ito. "Joke lang! Tara na nga nang matapos agad tayo sa documentation. May klase pa ako with my Ariadne later!"

***





"How's your day?" tanong sa 'kin ni Bea pagkatapos naming mag-dinner kami sa hotel na pag-aari namin.

"It turned out fine. Masayang kasama si Tremont, medyo kalog," sagot ko at masayang nagkuwento.

"Eh, 'yung class mo with her? I hope na hindi apektado ang studies mo."

Nawala ang ngiti ko at saglit na natahimik. Bumalik ang sakit nang maalala ko ang naging huling pag-uusap namin.

"I don't want to date or be with someone as immature as you!"

Kaya naman...dumistansiya na muna ako...

"Sakto lang. Hindi naman affected ang studies ko. Back to student-professor ang approach namin—as we should in the first place—"

Naramdaman ko na lang ang pagtabi sa 'kin ni Bea. Umupo ito sa arm rest ng couch at idinantay ang mga kamay sa balikat ko. Humilig naman ako sa kaniya.

"I know it's hard...pero tama ang ginawa mo, Hao. It's better na dumistansiya ka muna sa kaniya. Know your worth."

"Nasasaktan ako, Bea. How did I and Mavericke end up like this? Okay na kami, eh. I can feel na nagkakaroon na rin ako ng spot sa kaniya...kahit katiting... The chance for us to be together someday is no longer nil... But now... we're always getting back to square one."

The Devil in a White Coat (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon