02

86 73 56
                                    

"Is it okay if we make a quick stop?" tanong sa'kin ng doctor habang nagmamaneho.

As usual sa kotse padin ako ng doctor nakasakay dahil babalik kami sa retirement home ngayong araw. "I'll just get something," he added.

May choice ba 'ko doc? What if ayoko? will you change your mind? Char!

Nang huminto ang doctor ay hindi agad ako bumaba dahil akala ko ay may sasagutin lang siyang tawag kaya siya huminto. "Dito ka lang?" tanong nito. Kaya napalingon ako sa doctor.

Agad akong lumabas ng kotse at tumingin tingin sa paligid. May karatolang nakalagay na Sinclair flower garden. Pero wala naman akong makitang garden vebs.

"Hey," tawag sa'kin ng doctor na kanina pa ata nakatayo sa gilid. Kaya lumapit agad ako.

"May gate pala rito," bulong ko.

"Ay wala. Fake lang 'yan," sabi ng doctor sa'kin.

Sungit naman doc!

Hindi ko naman kasi nakita na may gate pala doon. Natakpan kaya ng mga wall plants 'yung mismong gate.

Pagpasok namin sumalubong agad ang mabangong halimuyak galing sa bulaklak. Isang malaking bahay iyon na tila isang hidden garden. At may flowershop na kulay dilaw sa gilid.

Sobrang nakakahalina ang mga bulaklak na nakatanim dito. Para akong naging bata ng ilang segundo dahil sa pagkagusto na pumitas ng ilan sa mga ito. May isang duyan din sa gilid at maliit na fountain.

"Good morning Mrs. Sinclair," bati ng doctor sa ginang na abala sa pag aayos ng mga bulaklak.

"Magandang umaga din hijo," bati ng ginang pabalik at sinulyapan ako. "At sa magandang dalagang kasama mo."

"She's Inez, my apprentice." pagpapakilala ng doctor.

"Ah kaya pala bago ka sa paningin ko. Kung ganon, galingan mo hija madami kang matututunan d'yan kay Doc." sabi ng ginang at nagawa pa ako nitong kindatan.

Bago? May dati ba siyang sinasama dito?

"Noted po Mrs. Sinclair," I cheerfully said, showing her the thumbs-up sign.

Pumasok saglit ang ginang sa loob ng kanyang tindahan samantalang nanatili kami ng doctors sa labas. Umupo ako sa duyan at nalibang sa maliit na fountain sa harap nito.

Nang mapansin ko ang doctor na titig na titig sa isang gawi ng hardin.

Ano kayang pinapaka titigan niya eh pare parehas naman bulaklak iyon. Hay sana bulaklak nalang ako.

"Hijo, ito na 'yung mga-" napalingon ako sa ginang na kakalabas lang ng pinto at may dala dalang bulaklak. Kaya agad ko siyang nilapitan.

"Tulungan ko na po kayo," sabi ko.

"Salamat. Nasaan nga pala ang Doktor?" tanong pa nito.

"Nagtitingin po siya ng bulaklak sa parteng 'yon kanina," turo ko sa direksyon kung saan nakatayo ang doctor kanina.

"Doc Zytho," tawag ko.

Agad namang lumingon ang doctor saamin. At ngayon ko lang din napansin na meron pa palang ibang bulaklak sa gawing 'yon.

"Those are Dahlias," sabi ng doctor, dahil nakita atang nakatitig ako sa isang bulaklak na bago sa aking paningin.

Checkmate, Mr. Great!Where stories live. Discover now