05

73 71 26
                                    

While I'm busy arranging the doctor's appointment schedule, I still can't get rid of what happened last time. It's not just the death of the famous and beloved writer but also the attitude of her family.

They look really invested in the details that the doctor can provide as if their lives depend on it. As if getting a word from the doctor was a great success for them. Weird shit.

Natigil ako sa pag iisip nang may marinig akong kumatok sa glass door ng clinic. Laking gulat ko ng makita ko uli ang pulis kasama ang mga magulang ni Miss Meredith pati narin ang kapatid na lalaki nito na si Mako.

"Magandang umaga, Miss Inez." bati ng pulis.

"Good morning din po. Ano po ang atin, Chief?" tanong ko.

"Nandyan ba ang doktor? Gusto sana siya uling kausapin ng pamilya ni Miss Avera." sabi pa nito kaya nilingon ko sila. Mas kalmado sila kaysa sa pagkikita namin nakaraan.

Ano nanaman kayang kailangan nila? 

Tumango ako at ipinarating sa doktor ang mga hindi inaasahang bisita. Maske ang doktor taka rin akong tinignan. Pero sa huli ay inutusan ako ng doktor na igayak sila sa isang parte ng mansyon sa north wing kung saan sila kakasya at makakapag usap ng maayos parang lounge area iyon. 

Inutusan din  ako ng doktor na maghain ng makakain ng mga ito. Pero juice lang ang mayroon don at ilang dosenang triangular na club house sandwich. Kaya ayun nalang ang hinanda ko.

Pag pasok ko sa silid na iyon ay nandoon na nakaupo ang doktor sa kabisera.  Napatingin ang mga pulis saakin pati narin ang batang si Mako kaya siya ang una kong inabutan ng baso ng juice.

Isa isa ko na ring nilagay sa tapat ng iba ang baso ng juice at tinapay nila. Nakapalibot sila sa iisang parihabang lamesa. Kasama ang dalawang tauhan ng pulis.

"Thank you," sambit ni Mako.

Nginitian ko lang ito. Alam kong hanggang ngayon ay nagluluksa padin ang batang ito.

"What do you want?" panimula ng doctor. Hindi ko alam pero tumindig ang balahibo ko sa paraan ng pagkakasabi niya non. 

"Gusto naming mag testify ka. Sabihin mo na may psychological problem si Edith. As easy as that," sagot ng ginang.

"Why should I?" tanong ng doctor habang naka taas ang kaliwang kilay nito.

"Because she—"

"She went here?" pag putol ng doktor sa sasabihin dapat ng babae.

"Yes," sagot agad ng ginang.

Luh? pumunta lang dito may psychological condition agad? Judgmental si Madam.
Hindi ba nila alam 'yung mental health checkup? Lol.

"Meredith's death isn't suicide," pambabasag ng doktor sa katahimikan na siyang kinasamid ni Chief Officer Ramos.

Aabutan ko na sana siya ng juice pero naunahan na ako ni Mako na gawin 'yon.

"Anong ibig mong sabihin, Doc?" tanong ng pulis. "Wala namang senyales na pinasok sila kaya hindi pwedeng murder kung ayun ang iniisip mo."

"Yes, there's no sign of forced entry inside their house. So it's easy to say that it's suicide. Walang kahit anong senyales ng sapilitang pagpasok pero we can't deny the possibility that the killer is already inside the house." sabi ng doctor. "Meaning everyone inside  that house could possibly be the suspect,"

Nagkatinginan kami bago ilipat ang tingin sa pamilya ni Miss Meredith. Napainom ako ng juice dahil sa init ng eksenang nangyayare sa harap ko.

"That's impossible!" sabi ng tatay. "She's all alone in her room,"

Checkmate, Mr. Great!Where stories live. Discover now