04

77 71 39
                                    


"Good morning, Doc." bati ko nang matanaw ang doktor na nakaupo sa sofa malapit sa information table.

"You're twenty minutes late, Miss Inez." seryosong sabi ng doctor habang nagbabasa ng dyaryo at nagkakape.

"Sorry. Nasiraan po kasi iyong taxi na sinasakyan ko."pangangatwiran ko. "Peste kasing Mercury Retrograde na' yan dumagdag pa sa kamalasan ko." pabulong na sabi ko habang sinasabi ang totebag ko sa coat rack stand.

"How funny! Imagine you're a psychology major but you believed in zodiac signs as if your luck depends on it?"may bahid ka na ka-sarkastikohan ang pagkakasabi ng doktor.

Ay zodiac sign hater ba siya? Cancelled 'to sis. First love ko pa naman ang Astrology. 

"Hindi naman po," sabi ko bago umupo sa usual kong upuan.

Nakita ko ang pagtayo ng doktor, dala dala ang kaniyang paboritong tasa papasok ng opisina niya. Kape nanaman? Dapat ko na bang iintroduce sakaniya 'yung Matcha? Much healthier and less caffeine 'yon.

✿ ✿ ✿

Nasa kalagitnaan ako ng pag aayos ng mga nakatambak na papeles ng doktor nang umiyak ang telepono. Kaya agad kong itinigil ang aking ginagawa at sinagot ang tawag.

"Good morning, this is De Travera's psychiatric clinic. How—"

"I need to talk to Dr. Zytho Fredrick De Travera."

"I need to confirm your purpose first Ma'am bef"

"It's fucking urgent!"

"O-Okay, Hold on." Palasigaw naman 'to. Hindi man lang muna nag pakilala, ah!

Hindi ako sanay na sigawan kaya nag panic ako. Agad akong kumatok sa office ng doctor pero walang sumasagot kaya pinihit ko na ang door knob nito. Wala ang doctor doon.

"Nasaan kaya ang isang 'to. Saan ko siya hahanapin ang laki laki ng bahay nila. Actually hindi lang ito bahay kung hindi mansyon at papasa pang palasyo sa laki." i murmured to myself.

Batid kong pribado ang pagpasok sa mismong bagay ng doctor pero kasi hindi ko alam kung anong posibleng mangyare kung hindi ko agad ipinaalam sakanya. Ah bahala na!

Pumasok ako sa pintuang na sinabi ng doktor na konektado sa kanilang mismong bahay. Napakalawak non habang pasilyo at madaming kuwarto. Nakakaligaw

Kapansin pansin ang hagdan na napakahaba at pakurba papunta sa ikalawang palapag. Mas ikinamangha ko ang ding ding na puno ng sertipiko, medalya, at litrato ng pamilya ng doctor.

Mas umagaw ng pansin ko ang mga artikulo sa dyaryo tungkol sa larong chess. Kamukha ng doktor ang batang naroon. At nakumpira ko naman din ng basahin ko ang mismong nakalagay doon.

"A 12- year old boy won a gold trophy award in World Chess Championship in London."

Zytho Fredrick De Travera ranked 1st in the prestigious competition in Chess.

"Naglalaro pala siya ng chess?" bulong ko sa sarili ko. Ang dami niyang labang naipanalo mula sa larong iyon.

Nagpatuloy pa akong hanapin ang doctor. At ang sumunod ko nang nakita ay ang kamangha manghang indoor swimming pool na tanaw ang buong harap ny mansyon kasama na ang fountain sa gitna sa ikalawang pasilyo.

Checkmate, Mr. Great!Where stories live. Discover now