03

76 71 35
                                    

Kanina pa ako gising pero mag iisang oras na ay nakatulala pa rin ako sa kisame iniisip ang nangyare kahapon dahil hindi ito normal na pangyayare para sa 'kin.

Kapag ba naging doctor na din ako ay posible rin ba akong makakatagpo ng ganung kaso o nasa akin padin ang desisyon. Madaming tanong ang nabuo sa isip ko dahil sa nangyare kahapon.

Pero isa lang ang desisyon na nasa isip ko ngayon. Ito ay ang posibilidad na kung magkataon man o makatagpo man ako ng ganung krimen ay hindi ako matatakot at mas lalo pa akong magiging matapang tulad ni Doc Zytho.

Kakaiba ngang tunay ang doktor na 'yon. At nakikita kong magiging malaki ang parte niya sa propesyong tatahakin ko.

*Bzzzt* *Bzzzt* *Bzzzt*

Natigil ang pag iisip ko ng tumunog ang alarm clock ko. Ibig sabihin ay may isang oras at kalahati nalang ako para mag prepare papunta sa duty ko. Magkikita nanaman kami ni doctor!

Mabilisan akong naligo at tinuyo ang buhok ko. Just like usual, I put some light make upI smudged my favorite nude lipstick across the buttom lip using the tip of my ring finger. And to complete my look, I tied my hair into a french twist -my favorite!

As an intern, we are all required to wear our ojt uniform. Boys and girls were in the same set of white uniforms. Just like this, I'm wearing a white blouse and white slacks paired with my black leather shoes. The only difference in my usual uniform is the white blouse is uniquely designed with the name of our university on the back.

"Solea!" It's mama of course.

"Ma!"

"Tinawag kita tinawag mo rin ako eh, no?" bungad niya pagbaba ko sa sala. "Iyong point shoes mo nakita ko sira na. Bumili ka na ng bago. Dumaan ka sa Mall bago ka umuwi mamaya," she said, handling some paper bills.

"Hindi na, Ma. Kaya ko pa 'yon."

"Kaya mo pa nga pero ikaw baka hindi ka kayanin non!"

Hindi na ako sumagot. I realized that sometimes, the best answer is silence. Lalo na kapag alam ko na wala namang sense kung sasagot pa ako. Mama being mama. No buts, you need to follow her. She's kind and supportive but sometimes authoritative.

Saglitan akong kumain para hindi sumama ang loob ni Mama. Extra effort kasi siya sa mga niluluto niya nitong nakaraan. Eh, kami lang namang dalawa ang nasa bahay na 'to.

"Alis na ako, Ma!" sigaw ko bago lumabas ng gate namin.

✿ ✿ ✿

Nang makarating ang tricycle na sinakyan ko sa tapat ng gate ay takang tinignan pa ako ng driver. Nagpabalik balik ang tingin niya sa akin at sa gate na hinintuan namin. Ang creepy ng titig niya kaya bumaba agad ako at inabot ang bayad.

"Bayad po!" sabi ko. At nag madaling humakbang papasok sa gate ng bahay ng doctor.

"Sukli mo neng!"

"Iyo na ho!" sigaw ko pabalik.

Itatanong ko na nga sa doctor kung pupwedeng mag kotse nalang ako papunta rito. Pa weird na kasi ng paweird 'yung mga na encounter nitong nakaraan.

While walking, I saw a long brow enveloped inside the doctor's lot. So, I assumed it was sent to him. Kaya pinulot ko iyon at isinabay sa pagpapasok sa clinic ng doctor.

"Good morning, Doc."

"Morning," he replied in a seemingly uninterested tone. "Sorry, I'm in the middle of figuring out something. So, I gladly appreciate it, if you won't disturb me for another thirty minutes?"

Checkmate, Mr. Great!Where stories live. Discover now