Prologue

971 5 0
                                    

Prologue:Rain

Arghh! Bwisit Naman! Kung kailan walang sundo saka pa uulan ng malakas! This is your fault JD!

Basang basa na ako pero imbes na sumilong ay pinagmumura ko nalang ang kapatid ko sa isipan. Ang torpe naman kase, alam na nga niyang hindi niya ako masusundo hindi pa niya ako ipinasundo kay Kuya Dark. Nakakainis!

Buti nalang at iniwan ko sa locker ko kanina yung mga assignment ko at iba pang importanteng notes, kung hindi basang-basa na ang mga yon. October nga naman ohh! Kung hindi lang ako ipinanganak sa buwan na ito ay paniguradong itong buwan ang pinakasusuklaman ko. Kakasimula pa ngalang ng buwan na ito pero ang lakas na nang ulan!

Napahinto ako ng may marinig na boses at mukhang humihingi ito ng tulong "P-parang awa n-niyo na! T-tigilan niyo na a-ako, p-please." Boses ng lalaki na satingin ko ay nasa murang edad pa.

Shit lang dahil kahit napaka maldita ko ay hindi ko kayang hindi tumulong sa mga walang kalaban laban na nilalang. Hayst! Lagot na naman ako kay Dad neto, sigurado akong tatalak na naman yon kasama si Mom. Mamaya ko nanga lang sila isipin.

Sinundan ko ang ingay na naririnig ko sa sulok ng maliit na iskinita, mabaho at malansa ang parteng pinasukan ko. Habang papalapit ay papalakas ang ingay na naririnig ko. Lumiko ako at nakita ko ang anim na lalaki ba may hawak ng baseball bat, habang sa harap nila ang kawawang nilalang, bugbog sarado na ito at nahihirapan ng gumalaw.

"Kayo na naman!" Sinadya kong lakasan ang pagkakabigkas ko sa mga salitang ito upang makuha ko ang attention nila. Hindi naman ako nabigo.

Ngumisi ang lalaking naka upo sa upuan habang hawak nito ang baseball bat niya, sa daming beses ko na itong nakasagupa sa parehong mga eksena. Hindi parin siya nagbabago, Ang badoy parin ng porma nito.

"Nagkita muli tayo Ulan!" Bakas ang irita sa mukha ko dahil hindi ko nagustuhan ang pagbanggit niya sa pangalan ko. Talagang Trinanslate niya pa ito ah!

"It's RAIN, mister." Tinapunan ko to ng pinakamalamig at seryusong tingin. Pasalamat siya hindi ko alam Ang pangalan niya. Tsk!

"Walang pinagkaiba, sumusulpot ka padin kahit saan, kahit may ulan pa o wala." Ngumisi ito at sinenyasan ang mga tauhan na huliin ako.

Hindi ako nagpatinag sa kinatatayuhan ko at nanlaban ako. Bago pa ako paluhin ng Isa ay tinadyakan ko na ito sabay kuha ng baseball bat na hawak niya. Ang unfair naman kong wala akong hawak na sandata noh. At lahat sila ay pinatumba ko ng wala manlang kahirap hirap.

Lumapit ako sa lalaking Wala ng ngisi sa labi at napalitan na ng panginginig sa katawan, Hindi ko alam kong dahil Ito sa takot o dahil giniginaw siya. Ihahampas ko na sana ang bat na hawak ko ng kumaripas Ito Ng takbo. What a loser!

Shit! sana lang ay humihinga pa itong lalaking Ito, Kung hindi sayang lang ang ginawa ko, nagpagod pa ako.

To make sure that he's still breathing, I started walking closer to him. I checked his pulse if still beats and luckily, it is!

I opened my phone to call for some help. Buti nalang at lagi kong dala ang waterproof phone case ko para protektahan itong mabasa ng ulan. Instead of calling a police, I called someone to get him to the hospital.

"Ma'am mauna na kami" Paalam ng Isa naming tauhan para dalhin sa ospital yong lalaking nag-aagaw buhay. Tumango lang ako bilang sagot samantalang nagpasalamat naman si Blythe sa kanya.

My Possessive Bodyguard:RAIN_LOPEZ (Complete)Where stories live. Discover now