RL:28

195 4 0
                                    

28: Officially mine

Uminat ako ng maramdaman ang pangangalay Ng likod ko. Napahawak ako sa tiyan ko ng kumalam ang sikmura. Tinignan ko anh oras sa wall clock, alas dose na pala at ang alaga ko ay hindi pa kumakain.

Tumayo ako at lumabas. Nagulat pa ako ng biglang pumasok si Grace, ang sekretarya ni Rov. Sapo nito ang dibdib at halatang nagulat din sa bigla kong pagbukas ng pinto.

"Ma'am itatanong ko sana kong ano ang kakainin niyo ni Boss?" Sinabi ko naman dito ang oorderin niya. Agad naman itong umalis para umorder ng kakainin namin.

Bumalik ako sa loob para I-check kung bumaba naba ang lagnat ng binata. Napangiti ako ng hindi na ito gaanong mainit tulad kanina, pero ginaganaw padin ito. Pinunasan ko nalang ulit ang katawan niya ng maligamgam na tubig.

Mabuti nalang at si Grace ang sekretarya nito, kahit halatang may pagnanasa ito sa boss niya ay hanggan doon nalang yon. Alam ni Grace ang boundaries nila ng boss niya, at iyon ang gusto ko sa babae. Pag alam nilang pagmamay-ari na nang isang tao, ay hindi na nila gagalawin pa.

Bumalik ako sa lamesa para ayusin ang mga papeles. Yong ibang tapos na ay nilagay ko na sa gilid, yong iba naman ay inayos ko lang. Si Rov na ang bahala sa mga pepermaan pag gumaling na ito.

"Ma'am ito na po" Itinaas ni Grace ang mga pinamili niya.

"Ilapag mo nalang sa center table" utos ko na ikinatango naman niya. "Salamat" ngumiti ito at tumango, bago lumabas ng office, at sa perspective table niya kumain.

Mahinang tinapik ko ang lalaki para magising ito. He groaned as a response. Tinapik-tapik ko lang siya hanggang dumilat ito ng tingin. Agad itong napangiti ng makita ako na ikinangiti ko din.

"Eat your lunch and drink your medicine, hmm." Palambing kong saad dito. Tumango naman ito at dahan-dahang bumangon.

Inayos ko na ang pagkain niya, at ibinigay sakanya ang kutsara. Bumuntong hininga ako at kinuha ulit ang kutsara sa kaniya, dahil nanginginig ang kamay nito. Ako na ang nagsubo sa lalaki ng pagkain niya.

"Thank you" He kissed my cheeks. Umiwas naman ako ng tingin ng mamula ang pisngi ko.

"Magpahinga kana ulit" Saad ko at inayos ang pinagkainan namin. Nakainom nadin ito ng gamot.

"Yes ma'am" He said teasingly. Gumaling lang ng kunti nang-aasar na. Umirap nalang ako sa kawalan.

Bumalik ako sa ginagawa habang nagpapahinga ang lalaki. Malaking tulong ang natutunan ko kay Rainver na siyang ina-apply ko sa ginagawa ko ngayon. Tambak nga ang lalaki sa trabaho niya, maliban sa nasa lamesa ay marami pa sa drawer niya.

Mayat-maya ang sulyap ko sa lalaki, mayat-maya rin ang pagsalat ko sa leeg at noo nito. Hindi naman na siya ganon kainit kaysa kaninang Umaga, pero kailangan niya pading magpahinga para hindi mabinat.

Napasulyap ako kay Grace nang biglang pumasok ito, at mukhang tensed " Ma'am, may gustong kumausap kay boss, nagpupumiilit pumasok po" kamot ulo niyang wika.

"Who?" I asked seriously.

"Marco Ramirez daw po, May deal daw yata sila ni boss, at kailangan ng pirma ni boss para masara ang deal" tumango ako at inayos ang papeles sa lamesa bago sumunod sa sekretarya ni Rov.

Paglabas ay nakita ko ang isang babae at lalaki, may hawak na folder ang lalaki. "How may I help you?" I asked coldly.

Naka suit ang lalaki at ang babae naman ay suot ang maikling skirt at manipis na blouse. Kung hindi ako nagkakamali, ang lalaking ito ay ang anak ng Ramirez Clan.

Kumunot ang noo ng lalaki nang makita ako "Putangina, nasaan ang boss mo?" Tanong nito sa sekretarya ni Rov, hindi pinansin ang sinabi ko.

"Nagpapahinga ang boss namin, ako ang kakausap sayo. Now tell me what you need, I will relay it to my boss later." Ako na ang sumagot sa lalaki.  Tinignan niya lang ako mula ulo hanggang paa.

My Possessive Bodyguard:RAIN_LOPEZ (Complete)Where stories live. Discover now