RL:9

237 3 0
                                    

🔞

9:Wet

Nagising ako nang makaramdam ng gutom, inabot ko ang selpon ko sa side table para tignan ang oras. Agad akong napabangon ng alas tres na ng hapon, pero agad ding napahiga ng maalalang suspended pala ako ng one month. Shocks akala ko late nako sa school! I mean absent na pala kase almost uwian na kung sakali. Tumunog ang tiyan ko senyales na gutom ako.

Bumangon ako para maligo muna bago bumaba, habang naliligo ay kumakanta pa ako ng 'How Far I'll Go' ng moana. Ilang minuto akong natapos maligo dahil damang-dama ko ang kanta at hindi napansin ang na sobrang tagal ko na pala da loob ng banyo.

Nagsuot lang ako ng maong short na taas hanggang tuhod, V-neck oversize shirt na black ang napili kong damit. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako. Wala na akong ingay na naririnig kaya satingin ko ay umuwi na sila tita Nica.

"Yaya Celine!" Tawag ko sa punong kasambahay namin na si Yaya Celine.

Si Yaya Celine ay matagal ng naninilbihan sa Amin, siya ang kauna-unahang kasambahay na naaalala kong tinanggap nila Mommy, pitong taong gulang siguro ako noon. Masasabi kong sanay na siya sa ugali naming magkakapatid, lalo na sa akin. Well she's important to me too, cause she always cook my favorite food.

"Ano iyon iha?"  Tanong niya, galing sa kusina.

"May ulam ba?" Bagot kong tanong at umupo sa mahabang lamesa.

Nag-aalalang umiling Ito sa akin "Pasensya kana iha pero ubos na ang ulam. Pero kung gusto mo ay ipagluluto kita ng mauulam mo" Sabi nito.

"Uhh. Wag nalang Yah, bigyan niyo nalang ako ng koko krunch. " Sabi ko dito, tutal hindi pa naman ako umiinom ng gatas ay pagsasamahin ko nalang iyon bilang almusal ko, kahit hapon na.

"Nako iha, ubos na pala ang koko krunch." Sabi nito ng makitang wala ng koko krunch sa kabinet.

I groaned. "I have no choice but to buy." Tumayo ako at handa ng umalis.

"Walang sasakyan, gamit lahat." Saad nito na ikinatigil ko. Shit Naman ang malas! Malayo pa naman ang convinience dito.

"Arghh!" Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis, ang malas naman. "Fine, cook something to ease my hunger." Sabi ko at padabog na umupo sa kitchen bar.

Dalawang minuto lamang akong naghibtay at nailapag na niya ang hotdog at ham. Dahil sa gutom ay sinumulan ko na ang kumain kahit ayaw kong kumakain ng gantong mga ulam dahil baka masira ang diet ko. Buti nalang at hindi sinamahan ng rice ito ni Yaya Celine.

Nabilaukan ako ng makita ang pamilyar na mukha ng lalaking papasok sa kusina, dere-deretso Ito sa ref at kumuha ng bottle of water at nagsalin sa baso bago ito nilagok. Napaubo-ubo ako ng maalala ang nangyari kagabi dito sa kusina, agad kong pinagpag ang dibdib ko at mahinang umubo.

"Here." Kasing lamig ng yelo na sabi niya.

Agad kong kinuha ang tubig na inilapag niya at ininom ito. Mag t-thank you na sana ako pero papalabas na ito ng kusina kaya wala na akong nagawa kundi kumain nalang ulit. Akala ko talaga ay umalis na sila dahil wala akong naririnig na ingay. Nasaan kaya sila?

Pagkatapos kumain ay inilagay ko na sa lababo ang pinagkainan. Umakyat muna ako sa kwarto ko para nag toothbrush, balak ko kaseng maglakad-lakad para bumaba ang kinain ko.

"Where are you going, Rain?" Tumingin ako sa gawi ni Mommy ng magsalita Ito, nandito pala siya sa garden kasama si tita Nica.

Sa backdoor kase ako dadaan at madadaanan ko itong garden, susubokan ko kaseng lakarin ang convinience dahil may gusto din akong bilhin doon maliban sa koko krunch. "Maglalakad lakad lang Mom." Paalam ko.

My Possessive Bodyguard:RAIN_LOPEZ (Complete)Where stories live. Discover now