RL:15

209 4 0
                                    

15: Hostage

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko dahil mayat maya ang tingin at ngisi sa akin ni JD. Napairap nalang ako ng muli ko siyang nahuli. Tumikhim si Dad kaya nakuha niya ang atensyon ko.

"JD ihatid mo na ang kapatid mo sa bahay, kami na ang bahala dito" Sabi ni Dad na ikinanguso ko, tinignan ko si Rov na seryusong nakatingin lang din kay Daddy. "Rov maaari ka nang bumalik sa trabaho mo, ipapatawag nalang kita sa bahay para kausapin"
Sabi nito at lumapit na sa Principal para makausap ito.

Walang imik akong lumabas at ramdam ko ang pag sunod ng dalawa sa akin. Umirap nalang ako sa kawalan ng marinig ko ang pang-aasar ni JD kay Rov, kinokonsensya pa yata dahil sa nangyari. I don't mind that he kissed me, pero yung masaksihan iyon ng parents parang gusto ko nalang mag palamon sa lupa.

"Ano bang pumasok sa kukuto niyo at naghalikan kayo sa loob ng office" mapanuyang sabi ni JD halatang nang-aasar "At talagang ginawa niyo pang audience yung Principal" Napangisi ito ng samahan ko siya ng tingin.

Minsan gusto kong sakalin to dahil sa sobrang inis. Kung hindi ko lang kapatid to ay ipapatapon ko. Napanguso ako dahil sa naisip, pano ko pala magagawa iyon, eh captain siya, tsk kainis!

"Daldal mo" dinig kong asik ni Rov dito. Imbes na mainis ay mas lalo pang napangisi si JD.

Habang maglalakad kami sa hallway palabas ng school ay madaming estudyante ang nasa labas, breaktime na kasi kaya nag kalat sila. Ang iba naman ay nakatingin sa'kin or should I say sa mga kasama ko. Umirap ako ng marinig ko ang bulungan.

"Porket anak na ng may-ari ng paaralan na ito, akala Muna kung sino." Dinig kong bulong ng isang babae mula sa limang grupo. Tatlong babae at dalawang lalaki.

"Kaya lang naman yan nasa dean list ay dahil sa connection niya sa parents Niya, but the truth is bubu siya" Nagpantig ang tenga ko dahil sa narinig mula sa isa pang babae doon sa kaparehong grupo.

Hindi ko napigilang at maglalakad na sana ako palapit ng may brasong pumulupot sa bewang ko para pigilan ako "Hayaan muna. Ganyan ang inggit, maraming nasasabi" Malamig at seryusong sabi nito pero hindi sa akin naka tingin kundi sa limang grupo.

Hindi nakapag salita ang dalawang babae kanina, halos mabali nadin ang ulo nila kakayuko. Inirapan ko sila bago naglakad paalis. Mga walang kwenta!

Pag dating namin sa parking lot ay pinatunog na ni JD Ang sasakyan nito. "Pano bayan Ferrer, akin na muna ang kapatid ko" lalong pang-aasar niya at kinuha ako mula sa pagkakahawak ni Rov na sinimangutan lang ni Rov. That's cute!

Dahil sa inis ay nag papadyak akong sumakay sa sasakyan ni JD, itim na Jeep Wrangler. Kinausap pa Niya saglit si Rov, malayo sakin kaya hindi ko marinig ang usapan nila. Na curious tuloy ako.

Habang nakatingin sa kanila ay napapatingin sa gawi ko si Rov, napapanguso nalang ako at umiiwas ng tingin. Bigla tuloy akong nahiya nang maalala ang nangyari kanina.

"Hey" tawag sakin ni Rov na kinagulat ko.

Napangisi ito ng makita ang reaction ko kaya umirap ako para itago ang kaba. Hindi ko alam kong bakit ako kinakabahan, samantalang siya naman ang dapat sisihin dahil siya ang nang halik sa'kin. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan para makausap ako ng maayos.

"Don't worry I'll talk to Tito, I will tell him that I'm courting you." Sabi nito sabay abot ng noo ko para halikan. Napapikit ako dahil doon.

Nakarinig kami ng pag tikhim kaya napangisi siya, hinarap niya si JD at inirapan. Umirap din si JD, ayaw mag patalo sa bestfriend.

Pagdating sa bahay ay pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Nakadalawang baso pa ako, para akong natuyuan ng lalamunan sa nangyari.

"Rain!" Napa ohh naman ako ng tawagin ako ni JD mula sa sala. I suddenly felt uneasy kaya agad akong pumunta Doon. "Let's go." Natatarantang sabi nito.

My Possessive Bodyguard:RAIN_LOPEZ (Complete)Where stories live. Discover now