RL:8

225 3 0
                                    

8:Kissed.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kaming tatlo nila Nicole sa kwarto ni Blythe para manood ng movies at mag girls bonding narin daw, hindi ko alam kong anong oras kami natapos kumain kanina dahil medyo natagalan kami sa pagkain. Sinasabay kase namin ang pag-uusap usap. Ala una na ng madaling araw at hindi pa inaantok tong mga kasama ko, tutok na tutok sa pinapanood na K-drama. Dito din natulog ang parents niya at si Rov, reunion daw kase.

Humikab ako ng makaramdam ng antok, napatingin naman sila sa akin "Inaantok kana ate?" Tanong ni Blythe.

Umirap ako "Hindi ba obvious?" Tanong ko dito.

"Tsk. Ang pangit mo talaga kausap" Dabog nito at tumayo at may hinalungkat sa drawer sa baba ng TV.

Ibinato niya sa akin ang isang supot. 'Popcorn' basa ko sa tatak "Ano to?" Takang tanong ko.

"Popcorn. Dika ba marunong magbasa?" Bara nito sa akin.

"Buba alam ko!" Asik ko dito. "Eh anong gagawin ko dito bat sa akin mo binibigay?" Tanong ko ulit.

"God live bang baraan Ito?" Sabi ni Nicole at nakatingin pa sa ceiling na animo'y langit at nandon si God.

"Wala kang makukuhang sagot sa dingding Nicole." Bara ni Blythe sa kaniya. Pinakyo Naman siya ni Nicole. Ayan dsurv!

Bagot itong tumingin sa akin, habang si Nicole ay natutuwa sa reaksyon ni Blythe "Lulutuin kase malamang!" Sagot nito sa tanong ko kanina. Agad kong ibinato sa kaniya ang supot ng popcorn.

Kahit kailan nakakainis siya!"Edi lutuin mo." Walang emosyon kong saad.

"Hindi ako marunong, ikaw na." Sabi nito at ibinato ulit sa akin ang supot ng popcorn.

"Kawawang popcorn pinag papasa-pasahan." Sabi ni Nicole pero hindi namin siya pinansin.

"Bat mo binili kong dimo alam lutuin, napaka tanga mo naman!" Sabi ko at inirapan siya. Napaka bubo! Bibili nalang, di naman pala alam lutuin.

"Eh sa gantong purpose yan, tignan mo makakain natin habang nanonood yan." Saad nito at inirapan din ako.

"Hindi ko alam pano lutuin yan." Sabi ko at ini-abot ang supot ng popcorn.

Si Nicole ang umabot non kaya nabaling ang tingin ko sa kaniya "Ako na." Sabi nito at akmang tatayo na ng kuhanin ni Blythe sa kaniya ang supot ng popcorn.

Akala ko siya na ang magluluto pero kinuha niya ang kamay ko at inilagay dun ang supot ng popcorn "Kaya mo yan, mag-aasawa kana soon kaya aralin mo na ang magluto" Sabi nito na ikinakunot ng nuo ko. Hindi na ako nakapag react ng itulak niya ako palabas ng kwarto niya.

Nasa labas na ako ng kwarto niya at sinamaan ko siya ng tingin "Hindi ko nga ala-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng malakas niyang inisara ang pinto.

Shit buti nalang at malayo ako sa pinto kundi nasira na ang maganda kong mukha, lagot talaga sa akin yung babaeng yon! Pasalamat siya at namdun si Nicole kundi ingungudngod ko talaga ang mukha niya sa bowl. Siguradong sira ang maganda nitong mukha.

Mabibigat ang paghinga kong bumaba dahil sa inis. Hindi ko nga kase alam ang magluto ng kahit anong putahe tapos uutusan pa ako, siraulong yon. Pag ang bahay nasunog, mapapatay ko talaga siya!

Kinuha ko ang kawali sa baba ng sink kong saan may kabinet, ipinatong ko ito sa lutuan at nag-iisip pa kung papaano ko ito bubuksan, automatic Ito at may ipipindot lang pero ang tanong ay kung ano sa mga button na nandito. Tinitigan ko itong mabuti, shuta bat walang pangalan, tapos puro picture lang na maliliit ang nandito.

My Possessive Bodyguard:RAIN_LOPEZ (Complete)Where stories live. Discover now