Chapter 22: The Invisible map

14.5K 843 86
                                    

Alas sais na ng umaga nang magising ako. Kaming tatlo'y nasa isang kwarto habang sina Mick at Joaquin ay nasa kabila na nakatali ang mga kamay pati ang mga paa. Mahimbing silang natutulog nang maingat ko silang tiningnan sa kabilang kwarto.

Kaunti lang ang tulog ko kaya medyo nakakaramdam ako ng pananakit ng ulo, dagdagan pa ng suliranin ko ngayon na hindi alam kung saan muling magsisimula dahil misteryong biglang nawala ang nakaguhit sa mismong Mapa. Paano nangyari 'yun? Nasaan na 'yung nakasulat dun? 'Yan ang trending questions naming tatlo kagabi na hindi alam kung saan hahanapin ang sagot. Medyo kumplikado ang Mapang iyon kesa sa una kaya hindi ko masyadong matandaan ang bawat detalye ng mga ito.

Ginising ko sina Alex at Joaquin para muling pag-usapan ang tungkol sa Mapa. Hindi namin mahanap ang kasagutan kagabi kaya ito ang perpektong oras para pagdiskusyunan naming muli ito. Nandun na ako sa point na sobrang naiinis na sa mga pangyayari kaya ang asal ko nuo'y medyo diktador. Wala na akong pakialam kung mapagtaasan ko na ng boses ang dalawa.

"Sa totoo lang, nabubwisit na 'ko. Naguguluhan na 'ko kung bakit nangyayari ang mga ito. Ang dami-daming nangyayari, at ang daming istorya. Si Alex daw ang susi, tapos biglang may lumabas na Mapa, tapos eto namang si Joaquin e ampon din daw ni Mama. Ang gulo-gulo. Hindi ko alam kung sino ang nagsasabi ng totoo sa inyo. Ngayon naman, wala na akong makita sa Mapa? Anu bang nangyayari?" pagalit na sumbat ko sa dalawa habang kami'y nasa loob ng kotse na hinahanap kung saan nakalagay ang orihinal na Mapa.

Walang awtomatikong sumagot sa dalawa. Si Alex ay naghahanap sa may backseat, ako nama'y pilit na kinakalkal ang bag para i-check ang bawat sulok nito para mahanap na ang orihinal na Mapa, kung meron man.

"Na-double check mo ba Jace 'yang Mapa bago tayo umalis? Baka mali ka ng bitbit?" tanong sa 'kin ni Joaquin.

"Hindi ko na kailangang idouble check 'yan dahil 'yun lang naman ang bukod tanging Mapang gawa sa ganung papel ang meron ako. Ano 'yun magic? Nawala na lang lahat ang mga nakasulat dun?" painis kong sabi nang hindi pa rin matunton ang Mapa.

Tiningnan kong muli ang Mapa at ito'y ibinuklat habang lumalabas ng sasakyan. Medyo may araw na nung time na 'yun kaya't binuksan ko ang Mapa katapat ng araw. Wala pa rin akong makitang ni-isang guhit na nakasulat duon. I'm under the impression na baka may nagpalit ng Mapang 'yun para ako'y linlangin. 'Di ko lang alam kung sino ang may tangkang pahirapan ako.

"Naku paano na 'yan? Hindi mo ba natatandaan 'yung mga nakasulat dun?" tanong sa 'kin ni Alex.

"Hindi! 'Yung New York lang ang natatandaan ko, pero wala akong kumpyansa," pairita kong sabi. Humarap ako kay Alex at agad siyang inusisa. "Ikaw Alex? Sinasabi mong ikaw ang susi? At ikaw rin ang huling clue na ibinigay sa 'min ni Mama. Alam kong bukod dito'y may alam ka pa. 'Bat di mo na sabihin sa 'kin ang lahat para mahanap na 'yung kayamanan?"

Napakagat ng labi si Alex sa sunod sunod na tanong ko sa kanya. Alam kong alam niya ang gusto kong iparating since siya naman talaga ang isa sa mga taong may alam tungkol sa kalokohang ito.

"Ano pa ba Papa Jace? E di syempre 'yung Mapa...... Atsaka...." pagputol niya. "Atsaka... A-ano. Ano kase. Kase ganito 'yun..." pagpulupot ng mga sinasabi niya.

"Kase ano Alex? Nararamdaman kong may bagay ka pa sa 'king hindi sinasbi bukod sa Mapa."

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon