Chapter 36: Distraction

9.5K 452 35
                                    

Pagmulat ko ng mata'y kakaiba na ang nakikita ko sa may bandang itaas. Bumangon ako sa aking pagkakahimlay, kinuskos ang mga mata nang pabilog gamit ang dalawang kamay. Puro kulay ginto ang nakikita ko sa bandang kanan ko, sa kaliwa nama'y iba't ibang kulay gaya ng pula dilaw asul berde at puti na nagkikislapan. Hindi ko maintindihan ang aking nasasaksihan, kung nananaginip ba ako o totoo ang mga ito.

Kinurot ko ang aking sarili ngunit nakaramdam ako ng hapdi. Totoo nga, totoong hindi ako nananaginip. Tumayo ako sa maliit na kamang kinahihigaan ko at tinungo ang parteng may kulay na ginto. Namangha ako sa aking nakikita, hindi lang gintong kulay ang nakikita ko...... GINTO talagang tunay. Magkakapatong ang hilera ng GOLD BARS na may taas na labing apat na talampakan. Sobra akong nasorpresa dahil ngayon lang ako nakakita ng ganitong hilerang ginto sa tanang buhay ko. Lumipat ako sa bandang kaliwa at nawindang ako sa iba't ibang kulay na bato na magkakahalong nagpapaligsahan ng kinang. May diamante, ruby, perlas at iba pang mamahaling bato.

"Nasaan ako? Panaginip nanaman ba 'to?" bulong ko sa sarili.

Biglang may sumagot sa akin. "It's not a dream my beloved Brother"

Nilingon ko ang nagsalita at yun ay walang iba kundi si TenTen. Nakangiti pa siya na naka cross arm sa may bandang pintuan.

Bigla kong naalala yung nangyari bago ako mapadpad sa lugar na ito na hindi ako pamilyar. Nahuli ko siyang kausap sina Joaquin at Mick, nang magkabukuha'y biglang lumapit sa akin si Mick at may kung anong bagay na itinutok sa aking ilong. Pagkatapos no'y wala na akong maalala.

"Ten?" medyo nangangatal kong sabi. "Ano 'tong mga to? Nasaan tayo?

"The MYTH is true my brother. We are down under, in a place that you're looking for. "

Napasalubong ang kilay kong bigla. "What? Pwede bang diretsahin mo na ako Ten? Where are we?"

"Saan pa nga ba? E di sa KAYAMANAN NG MGA SAAVEDRAS..."

"What???????"

Hindi ako makapaniwala sa rebelasyong iyon, I'm in a state of shock. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa galak, maglulupasay sa saya, maghuhuramentado sa galit dahil maging ako'y hindi alam kung totoong nangyayari ang mga ito.

Lumapit sa 'kin si Ten at hinawakan ang kamay ko upang akayin palabas.

"I expected that you will react that way Jace. Halika, dun tayo sa labas. I have a lot to explain...."

Sige pa rin ang titig ko sa mga ginto at mamahaling batong nagkalat sa kwartong iyon. Nang kami'y makalabas ay puno pa rin ng ginto at mamahaling bato ang nadadaanan ko. Simentado ang lugar ngunit hindi ko madistinguish kung bahay ba ito o nasa loob kami ng isang malaking kwebang mahirap matunton.

"Umupo ka muna, pinaghanda kita ng makakain..."

I'm still stunned on what I'm seeing. May nakikita akong gold crucifix and virgin mary. Meron ding gintong korteng tigre at mga bagay na gawa sa diamante. Nakakalat pa nga sa lapag ang iba at natatapakan ko pa yung iba.

"Here's your coffee and your egg sandwich..."

Kumakalam na ang sikmura ko kaya't nilantak ko narin ang isinerve niya sa aking food. Nakaupo kami sa may bilog at maliit na lamesa while facing each other.

"Organize your thoughts Jace. I'll let you ask ten questions as an ice breaker. Please don't ask why and how for the meantime. I'll answer it as accurate as possible..."

Ang totoo niya'y napakarami kong tanong sa kanya na nangangalingan ng lohikal na kasagutan. Wala ako sa kundisyong iproseso o ianalyze ang lahat ng mga bagay ng nangyari simula umpisa kaya't kinagat ko na ang Ten questions thingy niya.

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon