Chapter 11: Case

17.2K 515 31
                                    

A/N

Vote ng vote and most specially comment lang din pag may time :)

**************************************

Ewwnesss galore! Literal akong napasuka sa kapangahasan niyang akalaing siya ang Joaquin na tinutukoy ko. No way highway! Hindi pumasok sa malinis kong isipan na patulan siya ever! He’s not part of my dreams; he’s a part of my nightmares. Isa siyang bangungot na hindi ko sisikmuraing makasama, ni makadikit man lang. Pangit na pangit pa ugali! Pambwisit sa magandang life ko.

Binuksan ko ang gripo ng lababo para buhusan ang suka ko pababa sa butas nito. Nagmumog ulit ako ng mouthwash to regain my minty fresh breath.

“‘Wag kang mangarap! Asa ka pang butete ka!” pasigaw kong sabi sa kanya habang nagmumumog.

“Hoy wala ng bawian. Narinig ko ‘yun! Hindi ko alam Alex patay na patay ka pala sa kagandahang lalaki ko,” pakindat niyang sabi. Nararamdaman kong may tila lumalabas na bagay sa aking tiyan papunta sa aking bunganga kaya napaduwal muli ako ngunit hindi naman nasuka. Napakakapal talaga ng mukha ng gremlins na ugok na ‘to. Grrrrr.... Sarap hatawin ng baseball bat sa totoo lang sa sobrang pagka-assuming niya.

“Hoy anong nangyayari dito? Ba’t nandito ka Joaquin?” sabat ni Kuya na nuo’y halatang bagong gising dahil sa hindi mo maipinta ang hitsura ng buhok pati ng mukha niya.

“Pre type pala ako ng pamangkin mo. Narinig ko kanina nagsasalita ng mag-isa, sinisigaw ang pangalan ko tapos sabi.... I love you Joaquin! Pwede ba kita maging asawa ko?”

Napabuka ang bunganga ko sa pagka-assuming ng bakulaw na hamapaslupang kamukha ni Darla at Chocolate. Bago pa man ako magsalita e kunot nuong tinanong na ako ni Kuya. “Alex totoo ba ‘yun?”

“No!” masidhi kong sagot. “Nakita niya ako kaninang nagpa-practice lang ng script na gagawin namin sa teatro. Ang pangalan ng character na ka-loveteam ko sa story e Joaquin, ‘yung nobyo ko dun. Sa kasamaang palad, kapangalan pa niya. Ang kapal talaga ng mukha ng pangit na ‘yan para iassume na gusto ko siya. Ayun Kuya o nagsuka tuloy ako.” Medyo gumawa ako ng palusot spontaneously dahil ang totoo’y ibang Joaquin naman talaga ang tinutukoy ko. ‘Yung Knight in Shining Shimmering Splendid Armour ko na humalik sa ‘kin kagabi. Hayzzz.

“Hindi naman pala ikaw ang tinutukoy e? Atsaka wala ng magkakagusto sayo Brad. Ganyan na talaga ang kapalaran mo kaya tanggapin mo na lang,” sabi ni Kuya sa buteteng dugyot.

“Korek!” masidhi kong sagot.

“Grabe ka naman Mick. Tandaan mo pag nagka-girlfriend ako, babalikan kita at sisingilin kita dahil sa sinasabi mong ‘yan,” painis na sabi ng butete.

“Yan tayo e, pati sa mga bagay na ganyan na may pustahan e sumesegue ka? Matalino ‘to uy!” sabi ni Kuya na tinuturo ang utak. “Siya nga pala, ano ang ginagawa mo rito? Pumunta ka ba rito para makipag jack en poy sa ‘kin para kung sino matalo may utang ng isang milyon?” papresko niyang sabi.

“Nandito ako para mangutang Pre. Pautang naman o... kahit mga limang libo lang. Kailangan e?” pagpapaawa niya kay Kuya.

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon