Chapter 5: The Date Part 1

20.3K 700 69
                                    

Tawa lang kami nang tawa sa pinaggagagawa namin na parang mga batang paslit. Mahilig talaga itong lokong ‘to sa mga surprises gaya ng ginawa niyang paghalik. Natatandaan ko pa nung nandun kami sa bahay ng tunay kong amang si Lucio, bigla-bigla ba naman niya akong hinalikan sa labi na sobrang diin. Dun ako nagtapat sa kanya ng nararamdaman ko pero little did I know na hahalikan niya ako ng todo. Napaka enigmatic nitong si Mick pero gustong gusto ko ang ganung klaseng arrive niya. Nagustuhan ko lang siya through time dahil nung una ko siyang makilala e gusto ko siyang balian ng buto sa sobrang arogante niya at pagiging babaero. Pero ngayon, iba na. Ibang-iba. Tingnan mo nga naman ang kapalaran ano? Akalain ko bang panain ni Kupido ang puso ko para sa babaerong pet-peeve ko nung una?

“Magbihis ka na Pare, may pupuntahan tayo,” pakindat na sabi ko sa kanya. Lumiwanag ang mga mata niya nang masabi ko iyon.

“Wow. Nakakaamoy akong magugustuhan ko ‘yan ah? Meron ka bang sinet-up na Date para sa ‘ting dalawa? ‘Yung totoo?” Ipinatong niya ang kanyang siko sa ulo ng Sofa sabay kindat sa ‘kin. Magaling talagang makaamoy ang lalaking ‘to na parang aso kung makasinghot. Masyado lang atang give-away ‘yung pagkakasabi ko sa kanyang sorpresa.

“Surprise nga kulit mo rin ano?” pangiti kong sabi sa kanya.

“Tssss... magsusurprise ka pa sa ‘kin masyado pang obvious. Ano Jace, bring back the times ba?”

Hindi ko mapigilang mangiti sa sinabi niya. Capture na capture talaga niya kung anong nasa isip ko. Parang B1 at B2 lang. Medyo nawiwirduhan lang din ako sa sobrang bilis ng pangyayari. Kakauwi ko palang kahapon pero ngayon, tila bumalik ‘yung spark sa aming dalawa agad-agad. All we need to do is to be true to ourselves and feelings kaya smooth flowing lang ang nagiging conversation namin sa mga nakalipas na oras.

“Mahal mo pa ba ‘ko? Ayan ang tanong?” Ibinalik kong muli ang tingin sa kanya. This time, medyo seryoso na naghahanap ng sinserong kasagutan mula sa mga mata at bibig niya.

“Tinatanong pa ba ‘yan Jace? Hindi ko naman hihiwalayan si Terrylyn sa harapan mo kung hindi kita mahal.”

“Sigurado ka ba? Parang ang lagay e Rebound lang ako,” sambit ko na tila nagseselos.

“Ikaw naman ang nauna e. Atsaka ‘yung feelings ko sa babaeng ‘yun e matagal ng naglaho. Natsempuhan ko lang talagang makipaghiwalay sa kanya sa ganung klaseng paraan, para naman maramdaman niya kung anong ipinaramdam niya sa ‘kin. Call it quits na kami nun,” payabang pa niyang pagkakasabi.

“Ikaw lang ata pero hindi siya.”

“E ano naman ngayon? Basta ako wala na kami,” aktong pag-ekis niya sa kanyang kamay. “Maghabol man siya, wala na siyang hahabulin kaya ‘wag ka ng magseselos diyan uy.”

“Hoy, hindi ako nagseselos. Assuming ka ha?” dipensa ko.

“Kunwari ka pa. Alam kong jelling-jelly ka. Selos pa more!” tukso niya sa  ‘kin sabay lapit ng hintuturo niya sa funny bones ko para kilitiin ako. Napagalaw ako palayo dahil meron akong kiliti sa gilid ng aking katawan.

“Ha-ha tarantado ka Mick. Ba’t naman ako magseselos kung alam ko namang ako pa rin ang mahal mo?”

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon