KABANATA 3

359 15 0
                                    

Hinawakan ako ni Yvena at halos hirap na itong mag lakad kakatawa. Umiling ako at pinigilan ang sariling tumawa.

"Tangina mo Yvena kanina ka pa." Iritadong sabi ni Meissy kay Yvena.

"Sorry na, Godbless."

Tumikhim ako upang pigilan ang sariling tumawa. Papunta kami ng barbershop dahil mag papagupit si Meissy.

"Tangina kalbo 'yon first sem pa lang, gusto na atang gawin kaming lalaki." Iritado parin ito ngayon. "Kanina ka pa Leyah, itawa muna 'yan pulang-pula kana tangina mo."

Tuluyan na akong sumabog at pareho na kaming dalawa ni Yvena halos hirap mag lakad kakatawa. Nakatingin narin ang mga dumadaan saamin ngunit baliwala ito saamin.

"Crim pa!"

"May choice ba ako?" Iritado itong umirap saamin.

"Nag educ ka sana!" Si Yvena.

"Para suntukin ko estudyante ko?"

Umiling-iling kami ni Yvena. Pikon pa naman 'to kaya hindi talaga pweding mag educ.

"Okay na para pag na baril ako nandito naman si Katleyah." Si Meissy at kumapit pa ito sa braso ko.

"Sus ang sabihin mo pag na baril ka si Enver ang gagamot sayo."

"Tarantado kang bwesit ka!"

Tumili si Yvena at tumakbo papalayo kay Meissy. Umiling-iling naman ako sa dalawa. Iwan ko rin kay Yvena inaasar niya si Meissy kay Enver.

Pulang-pula ang mukha namin ni Yvena, pigil na pigil kaming tumawa, dahil pinagalitan na kami kanina pa. Dahil hindi matapos-tapos ang gupit ni Meissy dahil saamin.

"Tangina ang gwapo!" Si Yvena.

Nag agree naman ako.

"Baka mag hanap ng mukhang babae si Enver niyan."  Ako kay Meissy.

"Tangina niyo." Tinaas ni Meissy ang middle finger paharap saamin.

Tawang-tawa si Yvena sa sinabi ko. Nag  bayad agad si Meissy at sabay kaming lumabas. Sumakay kami ng jeep at pumasok sa mall. Mag window shopping kami, papalamig narin dahil sobrang init sa labas kanina.

Pagkatapos naming mag ikot pumasok na agad kami sa jollibee upang kumain. Pagod akong umupo at hinintay namin si Yvena, ito kasi ang nag order.

"Crush mo si Enver?" Tanong ko kay Meissy.

She glared at me. Tinaas ko agad ang dalawang kamay upang ipaalam sakanya na sumuko ako.

"He's handsome, but not my type. Ayukong mag kakagusto sa taong mahirap abutin."

Tinitigan ko ng maigi si Meissy, kita sa mata nito ang konting sakit ngunit agad din itong nawala.

"Pano mo nagustuhan si Zero? Paano mo na kayang mahalin ang taong alam mong mahirap abutin? Kasi ako? Hindi ko kaya ang ginawa mo." Seryoso sabi nito at deretso ang tingin saakin.

Umayos ako ng upo at ngumiti sakanya.

"Alam mo kung pwedi lang pilitin ang puso ko na iba nalang, why not diba? Ikaw narin ang nag sabi mahirap abutin ang kagaya nila. Kaya bakit ko pa pipilitin ang sarili ko? Una palang alam ko sa sarili ko na masasaktan ako. Pero hindi pwedi eh, hindi ko pweding pilitin ang sarili kong mag kagusto sa iba. Dahil parang niloloko ko narin ang sarili ko."

Ngumiti ako ng mapait sa sinabi ko. Ngumiwi ito at malungkot na tumingin saakin.

Pinilit ko narin ang sarili kong wag gustuhin si Axel, ang hirap niya kasing mahalin. Pero the more kong pinipilit ang sarili kong wag nalang siya, the more ko rin siyang nagustuhan at umabot sa puntong mahal ko na.

Hindi ko rin alam, nag tataka rin ako sa sarili ko. Pano ko nagawang mahalin ang taong hindi naman ako kilala? Pano ko nagawang mahalin ang taong hindi alam na nag exists ako sa mundo? Umiling ako at tumawa sa mga tanong ko.

Posible pa lang mag mahal sa taong hindi ka kilala. Para akong fangirl na humahanga sa mga K-pop, at nangangarap na maging asawa ng K-pop idol kahit hindi naman ako kilala nito.

Kasi ang isang kagaya ko, hinding-hindi mapapansin ng isang kagaya niya.

"Pero choice mo naman diba?"

Tumango ako, "Oo choice kong gustuhin siya kahit alam kong masasaktan ako."

"Kasi wala ka namang choice, dahil siya ang sinisigaw ng puso mo."

"Seryoso niyo ah?" Si Yvena at umupo sa tabi ko.

"Nag ka gusto kana ba sa taong alam mong hirap abutin?" Si Meissy kay Yvena.

Natahimik naman si Yvena at ngumiti ng mapait.

"Oo. Pero never mind."

Natigilan naman ako at agad napatingin kay Yvena.

"What do you mean by that?" Kumunot ang noo ko.

"Fuck it? Ang circle of friend ba natin sadgirl?" Umasim ang mukha ni Meissy sa sinabi niya.

Tumawa naman ako at umiling-iling. Tumigil narin kami at agad kumain, pagkain lang pala ang mag papatahimik saamin. Tumambay muna kami saglit pagkatapos sabay na kaming tumayo at umalis.

"Si Enver ba 'yon?"

"Hah? Saan?"

Tinuro ni Meissy ang nakatalikod na Enver, nasa loob ito ng national book store.

"Kahit pa sa sobrang daming tao, basta love of my life makikita talaga. Diba Meissy?" Nang aasar na sabi ni Yvena.

Umiling ako at mahinang tumawa. Kahit alam kong nang aasar lang si Yvena, pero may punto naman ang sinabi niya. Kahit sobrang dami pang tao, isa lang talaga ang makikita mo.

"Tara puntahan natin." Pag aaya ko.

"Hah? Bakit? Ayuko nga!" Mabilis na umiling si Meissy sa sinabi ko.

"Baka kasama niya si Axel. Sige na!" Hinila namin ni Yvena si Meissy. Bumubulong-bulong pa si Yvena at inaasar si Meissy.

"Enver right?" Si Yvena kay Enver. Umakto pang nahihiya si Yvena at kunware hindi sigurado sa sinabi.

Tumingin sakanya si Enver at saakin, kumunot ang noo nito habang tumingin kay Meissy.

"Yes?" Si Enver.

"Pati boses pogi." Bulong ni Yvena.

Nakita kong pasimpleng kinurot ni Meissy si Yvena.

"Aray naman, selos ka agad."

"Nahihiya kasi ang kaibigan namin. Si Meissy pala naalala mo? Siya 'yong tinulungan mo nong nadapa. Nakalimutan niya kasing mag pasalamat sayo."

"Hmm." Si Enver.

"Gago tapos na akong mag pasalamat." Bulong ni Meissy.

Natigilan naman si Yvena sa sinabi ni Meissy. Kahit ako natigilan din. Seryoso? Si Meissy nag thank you? Kumirap ako ng ilang beses at tumingin kay Meissy.

"Kurutin mo nga ako." Si Yvena saakin.

Kinurot ko naman agad ito, dumaing ito. Tumingin saamin si Meissy at umirap.

"What I mean mag pasalamat ulit. hehe"

Kumunot ang noo ni Enver, na para ba isa kaming malaking question mark sakanya.

Ramdam ko ang hiya sa boses ni Yvena,  kahit ako? Nahihiya rin ako sa gagang 'to.

'Yan pala desisyon kasi.

"It's okay. I glad that I helped her."

Ngumiti kami at agad nag paalam kay Enver.

"Pala desisyon ka kasi. Ang sabi ko puntahan natin at tignan kung kasama niya ba si Axel, wala akong sinabing lapitan." Sabi ko kay Yvena, paulit-ulit niya kasing sinabi ang salitang nakakahiya. Sino ba kasi nag sabi sakanya na lapitan niya si Enver?

"Nakakahiya! Nakakahiya!"

"Deserve mong mapahiya tangina ka. Dinamay mo pa kami." Iritadong sabi ni Meissy.

"Wow kasalanan ko pa? Malay ko bang nag thank you ka? Hindi ka nga marunong mag thank you." Singhal ni Yvena kay Meissy.

#1 HOPELESS: Out of my league Where stories live. Discover now