Sobrang lamig ng pakiramdam ko. Parang anytime matatae ako sa sobrang kaba na naramdaman ko ngayon.
"Are you comfortable?" Tanong ulit ni Axel saakin.
Tumango naman ako. "Oo pero kinabahan lang talaga ako."
Ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko. Alam kong naramdaman niya ang lamig sa kamay ko. Tumingin ako kay Akiel. Sobrang sama ng timpla nito. Wala sa mood dahil inantok. Naka simangot ito at kunot noong nakatingin sa malaking bahay — I mean mansion.
Salubong ang kilay nito at gustong mag pakarga saakin.
"Ako na." Bulong ni Axel.
Dahan-dahan akong tumango dahil hindi pa ako sure kung mag papakarga ba si baby Akiel sakanya.
"No! I want mommy!" Salubong ang kilay nito at anytime maiiyak na ito sa
sobrang inis."Ako na Axel." Ngumiti ako sakanya.
"Baby you're already big na. Baka mabigatan si mommy sayo." Mahinahong sabi ni Axel.
Akiel pouted.
"I'm big?" Tanong nito.
"You are a big baby!" Si Axel sa anak namin.
"Mommy I'm not your baby anymore?" Naiiyak na sabi nito.
Tumawa naman ako.
"No of course, you always be my baby." Hinalikan ko ito sa tungki ng ilong niya.
"Baby ka namin ng daddy mo. Ayaw mo ba maging big? Diba gusto mo 'yon?"
Ngumuso ito at tumango.
Ganito talaga si Akiel mag palambing pag ako ang gusto niya. 'yon na 'yon hindi na mag hahanap ng iba dahil maba-bad trip lang siya.
"Okay po." Tumango ito at tinaas ang dalawang kamay nito sa harap ni Axel, hudyat na mag paparkaga na ito.
Ngumiti si Axel at agad kinarga ang anak at hinalikan ito sa noo. Ngumuso ang anak namin at suplado parin ang mukha.
Hinaplos ni Axel ang kamay ko at mabilis na hinawakan ang beywang ko, upang mas ilapit ako sakanya.
"Axel kinabahan talaga ako." Wala sa sariling sabi ko.
"Do you want to cancel it?" Mahinahong tanong nito.
Bumilog ang mata ko at mabilis na umiling.
"Hindi! Kinabahan lang talaga ako."
Ngumiti ito saakin. "I'm always here."
Tumango ako at tuluyan na nga kaming naka pasok. Ang kanina lang maingay, ngayon biglang may dumaan na anghel sa harapan namin. Titig na titig ang mga mata nila sa anak namin.
Samantalang suplado parin ang anak ko. Lalo na wala talaga ito sa mood dahil inantok.
"Oh my gosh! It's that my nephew? Omg! He looked like kuya!" Patiling ni Vellity. Ang bunsong kapatid nila Axel at Reiji.
Mabilis na lumapit ang parents ni Axel saamin. Ngumiti ito saakin at agad na nag beso. Kahit gulat man nagawa ko ring makipag beso pabalik sa mommy ni Axel.
Ang kaninang kaba na naramdaman ko bigla itong nag laho. Tumango at ngumiti ang daddy ni Axel saakin. Kumurap-kurap pa ako dahil akala ko hindi ito marunong ngumiti. Sobrang intimidating kasi talaga ang awra ng daddy nila.
Lumapit si Reiji saamin.
"Yow sis!"
Bumilog ang mata ko.
"Reiji!" Hindi ko napigilan ang sariling lumapit sakanya at yakapin ito.
Tumawa si Reiji at tinapik-tapik ang likod ko.

YOU ARE READING
#1 HOPELESS: Out of my league
Romance(COMPLETED) Katleyah Acedera is a nursing student and the kindest person you'll ever meet. But, unfortunately, she fell in love with a man who is unaware of her existence. Her young heart admired Axel Zero Fuentebella, a genius med student, the per...