"Ginagago mo ba ako?" Iritadong tanong ni Meissy saakin.
I blinked twice.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kinagat ko ang labi, at pinigilan ang sariling mapaiyak.
"Palagi kayong magkasama tapos hindi mo alam?" Iritadong sabi nito saakin. "Hindi mo alam, o sadyang takot ka lang alamin?" Mag kasalubong ang kilay nito.
"M-meissy.."
"Hindi eh! Sobrang tanga mo. Alam mo nakakainis katangahan mo! Katlayeh naman eh! Alam ko," turo nito sa sarili, iritado at naiiyak ito habang nakatingin saakin.
Nag buntong hininga ako. Palagi kaming mag kasama ni Axel, kaya alam kong hindi pa siya naka move-on, ayuko lang talaga tanggapin kaya nag bulag-bulagan ako.
"Alam kong gustong-gusto mo siya. Hindi ulitin ko, alam kong mahal na mahal mo siya. Pero wag ka naman maging bulag! Sarili mo lang sinasaktan mo." Mariin na sabi nito.
Ramdam ko ang paglapit nito saakin, "wag mo namang hayaan na maubos ka, bago ka titigil. Mag tira ka sa sarili mo." Yumuko ito at niyakap ako.
Tulala at hindi ko mapigilan ang sariling umiyak. Oo kasi alam kong tama ang sinabi ni Meissy, nasasaktan ako kasi totoong nag bulag-bulagan ako.
Ang picture nila ni Aiza, hanggang ngayon nasa bed side table parin ni Axel. Nag bulag-bulagan ako na kunware hindi ko nakita. Minsan iniiwasan ko ang sarili kong pumasok sa kwarto ni Axel, kasi alam ko sa sarili kong masasaktan lang ako.
Lahat ng mga ginawa ni Axel saakin inisip kong gusto niya ako kasi mahal ko siya, pero ang totoo alam ko sa sarili ko na hinding-hindi niya ako magugustuhan .
He always out of my league, siya ang pangarap kong ang hirap-hirap abutin.
"Unrequited love ang sisira saatin, aabot tayo sa puntong mauubos tayo at walang matira saatin. Wag mo sanang hayaan na mangyari sayo ang nangyari saakin. Kasi kat, hindi ko kakayanin. Kasi saating tatlo? Ikaw ang pinaka mabuting puso saatin, ang lambot-lambot mo." Lumapit ito saakin at niyakap ako, ang mainit na luha nito ang naramdaman ko ngayon sa leeg ko.
Kinagat ko ang ibabang labi ko, upang pigilan ang sariling umiyak ng malakas, ngunit tuloy-tuloy parin ang pag agos ng luha ko.
Ang mga damit ni Aiza, nandoon parin sa closet ni Axel. Lahat ng mga gamit ni Aiza nandoon parin sa kwarto ni Axel.
Alam ko sa sarili kong hinintay niya lang si Aiza, pag balik ni Aiza, makakalimutan niya na ako.
Gustong-gusto ko ng tumigil, pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang tumigil kasi siguro umasa ako na baka mahalin niya ako pabalik? Siguro magustuhan niya ako?
"Last chance." Pabulong na sabi ko.
"Alam mo Kat? Pakyu!" Naiinis na sabi ni Meissy.
Hindi ko tuloy mapigilang tumawa, iritado itong tumingin saakin.
"Promise seryoso ako, last chance. Mag tiwala naman kayo saakin." Nag puppy eyes ako habang nakatingin sa dalawa.
Parehong nag buntong hininga at umirap saakin.
Gusto ko parin subukan, nag babasakaling mahalin niya ako pabalik, nag babaka-sakaling makalimutan niya si Aiza.
"Iwan ko sayo, basta nag advice na ako. Pag ikaw masaktan i-shot nalang natin. Total pagod na akong mag advice hindi niyo naman sinusunod." Gigil na gigil na sabi ni Meissy.
"Kapal mo ah! Ikaw nga pinaka tanga saatin." Umirap ako kay Meissy.
"Hoy hindi ako tanga!" Defensive na sabi nito.
"Kwento mo 'yan, kaya hindi ka talaga tanga."
"Gaga! Pakyu ka talaga!"
"Tanggapin mo nalang kasi na tanga karin." Natatawang sabi ni Yvena.
"Gaya niyo pa ako sainyo." Napipikon na sabi nito.
"Weh?" Sabay na sabi namin ni Yvena.
—————
10 pm tumawag si Axel saakin, nasa labas na ito kaya nag mamadali akong lumabas. Buti nalang at parehong may katawagan sila Meissy at Yvena, kaya hindi nila ako napansin lumabas.
Pag labas ko, sinalubong ako ng mga batang kapitbahay ko ng paputok. Umirap at pinag bantaan ko sila, kaya umatras at mabilis na tumakbo.
Nasa harap na ako ng kotse niya, binuksan nito ang passenger seat.
Bago akong pumasok, sinuri ko muna ang bagong kotse ni Axel. Hays. Parang pinagmukha talaga saakin na sobrang out of my league si Axel.
"Happy new year Axel!!"
I smiled at him, ngumiti naman ito pabalik, "Happy new year too."
Hindi ko tuloy mapigilan ang sariling titigan ito ng matagal.
Dark, serious, and intimidating.
I looked at him, and he looked at me with serious dark eyes.
My kinuha siya sa bulsa niya, bumilog ang mga mata ko. Sumenyas ito saakin na tumalikod, kaya agad ko namang sinunod. Ang malamig na bagay, humaplos ito sa leeg ko, medyo nakiliti ako, kaya pinigilan ko ang sariling mag reklamo.
A gold necklace with a paper plane shape and tiny diamonds on it. Nanginginig kong hinawakan ito, ang ganda. Sobrang ganda.
Ngumiti ito saakin, "you like it?"
Tumango-tango ako at hindi mapigilan ang sariling yakapin ito.
Hmmm, amoy out of my league.
"A-axel diamond 'to diba? Ang ganda sobra, p-pero ang hirap tanggapin. Sobrang mahal nito." Nahihiyang sabi ko.
Kahit gustong-gusto ko ang necklace, pero alam kong sobrang mahal ito.
"It'll suit you," he said hoarsely.
Napakamot tuloy ako sa sintido.
"Seryoso ako Axel, ang mahal nito ang hirap tanggapin."
"Where's my buko pandan?" He pouted at nag lahad pa talaga ito ng kamay.
Nag buntong hininga ako, mukhang ayaw niyang pag usapan dahil nag bingi-bingian ang ferson.
My heart is beating so quickly and my cheeks are burning that I can't help but smile.
Hindi ko mapigilan ang sariling tumingin sa leeg ko. Ang ganda sobra.
"Why can't you love me?" I bravely asked.
I gather my courage to ask him that question, but I almost tremble.
"Charot! Alam ko namang kaibigan lang talaga kaya mong ibigay saakin diba?" Natatawang sabi ko, pero deep inside masakit.
Pinili mo 'to katleyah, kaya tiisin mo.
I can almost taste the bitterness of me.
"Yeah friend."
Because of what he said, parang naguho ako. I forced myself to smile as if nothing had happened.
He gave me a serious look, and I tried to look away as if nothing had happened. Umiwas ako ng tingin to distract myself from the awkwardness of our current situation.

YOU ARE READING
#1 HOPELESS: Out of my league
Romance(COMPLETED) Katleyah Acedera is a nursing student and the kindest person you'll ever meet. But, unfortunately, she fell in love with a man who is unaware of her existence. Her young heart admired Axel Zero Fuentebella, a genius med student, the per...