"Reiji pwedi ko bang galawin ang kusina ng kuya mo?" Tanong ko.
"Yes you can." Umupo ito sa sofa, sumunod naman ako sakanya at umupo sa harap niya.
Tumingin ako sa saradong kwarto, nandoon sa loob si Axel, tapos narin namin itong punasan at palitan ng pajama, upang mas comfortable ito matulog.
"Hindi ko naman pweding sabihin sakanila na nakita ko na si kuya, baka kasi pag sinabi ko agad silang pumunta at delikado ang lagay ni kuya pag nag kataon."
Tumango naman ako at naintindihan ang rason niya.
Tumayo ito at agad din akong tumayo.
"Aali kana ba?" I asked.
Napakamot ito sa ulo, "Oo, pero sigurado kaba talaga? pwedi namang mag dahilan nalang ako, talagang bang ayos lang sayo?" Tumingin ito sa relo niya, "anong oras na at paniguradong pagod kana."
Ngumiti naman ako kay Reiji, "wag kang mag alala, ayos lang ako."
Nag buntong hininga ito, at tumango.
"Ang bait mo talaga."
Sumabay ako sakanya pag labas, "lock mo ito, at wag na wag kang mag papasok ng ibang tao dito. Si kuya Enver lang at pamilya ko ang nakakaalam sa condo ni kuya. Pwedi mong galawin lahat ng gusto mo diyan sa condo ni kuya, feel at home. Aalis na ako, mag iingat ka."
Natatawa naman akong tumango.
"Yes po." Nag salute pa ako, tumango ito, kumaway ako sakanya.
Nag buntong hininga ako at umupo sa sofa, malaki at malambot ito, humiga ako at napatitig sa kisame, ang sabi ni Reiji sa guess room ako matutulog, may nakita akong gamit pag pasok ko doon, laptop ni Enver, kaya nag dadalawang isip tuloy akong doon matulog, pwedi naman dito sa sofa, malambot at malaki naman, comfortable rin akong matulog dito.
Hindi ko namalayan sa sobrang pagod at antok, tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
————
Nagising ako at agad napa upo sa gulat, pumikit ako ng mariin at ramdam ko ang pagkahilo sa biglaang pag upo.
Nandito lang pala ako sa condo ni Axel, akala ko kung saan na. Tumingin ako sa relo ko. Tatlong oras lang pala ang tulog ko, sinubukan kong matulog ulit, ngunit kahit anong pikit, at pag galaw ko hindi ako makatulog.
Malakas akong nag buntong hininga at ginulo ang sariling buhok, 4am pa at sobrang sakit ng ulo ko. Ngunit wala akong magawa dahil hindi naman ako makatulog.
Wala akong extrang damit ngunit nakatanggap ako ng text galing kay Reiji, may jersey siya sa guess room pwedi ko raw hiramin 'yon. Kaya wala akong sinayang na oras agad kong hinubad ang suot ko at sinuot ang jersey ni Reiji, nag dadalawang isip pa ako kung sakanya ba talaga ito, baka kasi pinag tripan ako no'n, may nakita rin kasi akong jersey ni Enver, kagaya ng jersey na suot ko ngayon.
Hinubad ko ang mini skirt at cycling short ang naiwan, mahaba at malaki ang jersey nag mumukhang dress ito saakin, ngunit comfortable naman akong gumalaw.
Lumabas ako at dederetso na sana sa kusina, ngunit napadaan ako sa kwarto ni Axel, hindi ito naka lock kaya malaya kong makikita si Axel, sumilip ako at hindi ko mapigilang kiligin, naka dapa ito at kitang-kita ang magaganda likod, ang yummy naman ng asawa ko.
Dahan-dahan kong sinarado ang kwarto ni Axel, at tumalon-talon sa kilig, kinalma ko ang sarili at pumunta sa kusina. Nag timpla ako ng Cadbury chocolate drink at nilagyan ko ng gatas.
Kinuha ko ang bacon galing sa ref at hinayaan na tuluyang matunaw upang maluto ko na ito, pagkatapos kong uminom agad kong hinugasan ang mug na gamit ko, saktong hindi na matigas ang bacon, nag luto narin ako ng rice at kumuha ng itlog, nag prito lang ako ng bacon at egg.
Kumembot-kembot ako habang nag aayos sa kusina. Ngunit napatalon ako sa sobrang gulat ng bumungad ang mukha ni Axel saakin.
"A-axel..."
Umiling ito at parang kinausap ang sarili, nahihiya akong yumuko at nag bigay daan sakanya.
"What's your name?" He asked me.
Tumingin ako sakanya at ngumiti, "I'm katleyah Acedera!" Masayang sabi ko sakanya.
"I was drunk, I didn't mean to say those word."
Natigilan ako sakanyang sinabi, "W-what do you mean?"
"You know what I mean." He locked his gaze on mine. I looked away, I can't bare looking at him.
"A-axel binabawi mo ba ang sinabi mo?" Mahinang sabi ko, hindi ko alam kong narinig niya ba ang tanong ko.
Parang sinaksak ng libong karayom ang puso ko, huminga ako ng malalim bago tumingin sakanya. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig habang nakatingin sakanya ng deretso, malamig ang tingin nito saakin, hindi ko alam kung nangdidiri ba ito saakin, ngunit wala akong balak alamin 'yon, dahil alam ko sa sarili ko, na masasaktan lang ako.
"Yes,"
"P-pero subukan nalang natin." Nag iwas ako ng tingin sakanya.
Sige ipilit ko pa.
"I can't."
"B-bakit?" Nanginginig ang boses ko ngunit pinilit kong magpakatatag sa harap niya.
"I can't unlove her."
Parang tumigil ang tibok ng puso ko sa sinabi niya, nanginginig ang katawan ko sa sobrang hirap huminga, huminga ako ng malalim at pinigilan ang sariling wag maiyak sa harap niya, tumango-tango ako at agad na tumalikod, pa simple akong tumingin sa taas upang pigilan ang sariling umiyak, ngumiti ako ng mapait.
"K-kumain kana habang mainit pa ang niluto ko, aayusin ko lang ang sala."
Hindi ko na siya hinintay na mag salita pa at agad na tumakbo, dali-dali akong pumasok ng cr at napaluhod, hinawakan ang bibig, at pumikit ng mariin. Sinuntok-suntok ko ang sariling dibdib nag baka sakaling mawalan man lang ang bigat na naramdaman ko. sobrang sakit ng puso ko, ang hapdi-hadpi sa pakiramdam, pinigilan kong wag humikbi ng malakas, takot na marinig ni Axel ang iyak ko.
Huminga ako ng malalim at naghilamos, nakahinga ako ng maluwag, buti nalang at nasa kusina pa si Axel.
Nag walis at binuksan ko ang malaking kurtina upang makapasok ang sikat ng araw, tumikhim si Axel, tumingin ako sakanya at ngumiti, bahagya itong natigilan, tumitig ito saglit saakin at umiwas ng tingin. Sinundan ko nalang ito ng tingin habang pumasok sa kwarto niya, ngumiti ako ng mapait at napa upo sofa.
"At least hindi niya ako pina alis." Bulong ko sa sarili.
Tumayo ako at pumasok sa kusina, ngumiti ako dahil kinain niya ang niluto ko. Ang ending naka ngiti ako habang nag sandok ng kanin, at hanggang sa natapos akong kumain.

YOU ARE READING
#1 HOPELESS: Out of my league
Romance(COMPLETED) Katleyah Acedera is a nursing student and the kindest person you'll ever meet. But, unfortunately, she fell in love with a man who is unaware of her existence. Her young heart admired Axel Zero Fuentebella, a genius med student, the per...