"M-meissy,"
"Hindi eh, bitiwan niyo ako." Galit na sabi nito, ngunit hinigpitan ko ang pag hawak sakanya. "Anong sabi mo malandi?" Gigil na tanong nito.
"Oo malandi naman talaga 'yan, nag mana sa pota na ina!" Sigaw ng step mom ni Yvena.
Natigilan ako at huminga ng malalim, galit na galit ako at gusto kong sambunutan ang bruha sa harap namin, ngunit pinilit kong kumalma kasi alam ko sa sarili ko, pag parehong mainit ang ulo namin ni Meissy, hindi ko alam kung anong mangyayari.
Lumakas ang hikbi ni Yvena sa narinig, sumakit ang puso ko at hindi ko mapigilang umiyak sa galit, niyakap ko ng mahigpit si Yvena at pinaramdam sakanya na andito lang kami.
"Mas pota ka alam mo?" Ngumisi si Meissy, "or nag maang-maangan ka lang?"
"Wala kayong respeto!" Galit na sabi ng daddy ni Yvena, "ganyan ba ang mga kaibigan mo? Walang respeto!" Turo nito saamin.
"Hoy for you information tanda! Bago mo kami hanapan ng respeto, matuto karing rumespeto. Sariling mong anak hindi mo magawang respetuhin? Tapos gusto mong respetuhin ka namin? Ano ka sinuswerte?" Hindi ko mapigilan ang sariling sumabog.
Anong karapatan niyang humingi ng respeto? The audacity!
Tinulungan naming tumayo si Yvena.
"Kung hindi mo ipalaglag ang batang nasa tiyan mo, wala kanang pamilyang kilalanin." Mariin na sabi ng daddy niya.
Ngumisi ang step mom ni Yvena, sa sinabi ng kanyang daddy. Ang bruha mukhang masaya pa.
"Hindi kayo kawalan." Madiin na sabi ni Meissy.
"Yvena, ayos ka lang ba? Ang pakiramdam mo?" Nag alalang tanong ni Meissy.
"Wag kang mag alala nandito kami palagi sayo, kung ano man ang desisyon mo susuportahan ka namin." Bulong ko.
Tumango si Yvena at hinawi ang mga luha niya. Tumingin ito ng deretso sa mata ng daddy niya.
"Pamilya? May pamilya ba ako? Kasi pakiramdam ko wala eh! Hindi niyo pinaramdam saakin na may pamilya ako," umiyak ito at umiling, "tapos gagamitin niyo saakin ang salitang pamilya?"
Tahimik kami ni Meissy, sobrang sakit ng puso ko habang sinasabi ni Yvena ang salitang 'yon.
Inalalayan namin ito at hinayaang mag salita.
"Itong batang gusto niyong ipalaglag," turo nito sa sariling tiyan, "ang bukod tanging masasabi kong pamilya."
Huminga ito ng malalim, "hinding-hindi ko ipagpalit sainyo ang sarili kong anak!" Sigaw nito, tumingin ito saamin ni Meissy, kahit nasasaktan nagawa pa itong ngumiti saamin. Ngiting nakahinga ng malalim dahil nasabi niya ang gusto niyang sabihin, ganon ang ngiting binigay ni Yvena saamin.
"U-umalis na tayo."
Ngumiti kami at tumango.
Tumalikod kami sakanila ngunit,
"Pag sisihan mong pinili mo ang anak mo, hindi mo kayang buhayin ang batang 'yan mamatay 'yan sa gutom." Galit na sabi ng daddy ni Yvena.
"Itong desisyon ko ang pinaka masayang desisyon na ginawa ko, buong buhay ko. At hinding-hindi ko hahayaan na mamatay sa gutom ang anak ko gaya ng sabi mo."
Inalalayan ko si Yvena habang palabas kami sa bahay nila.
"Meissy!" Sigaw ko.
"Teka lang! Sampalin ko lang ang bruhang 'yon."
Hindi ko na pinigilan si Meissy sa gusto niyang gawin, dahil gusto ko ring gawin 'yon, ngunit hindi ko kayang iwanan si Yvena dito.
Saktong may dumaang tricycle, agad kong pinara ito. Hinintay namin saglit si Meissy, galit na galit ito, hindi maitago sa mukha niya.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Yvena. Pinaramdam sakanya na andito lang kami ni Meissy, at sobrang proud kami sakanya.
Nag bayad ako kay manong at inalalayan namin si Yvena, pumasok kami sa bahay at naabutan namin si mama kumain ng buko pandan. Bumilog ang mga mata nito at nag alalang lumapit saamin.
"Anong nangyari sainyo? Sinong umaway sainyo?" Nag alalang tanong ni mama.
Umiyak ng malakas si Yvena sa tanong ni mama, nag alalang lumapit si mama at niyakap si Yvena.
"Shhh, nandito lang si tita."
Hinayaan ko muna sila roon, at pumunta sa kusina upang kumuha ng tubig. Muntikan pang umawas ang tubig, natauhan agad ako.
Hindi mawala sa isip ko, na mag kaka anak na ang kaibigan ko. Masaya na may halong lungkot akong naramdaman. Ngunit kahit ano man ang mangyayari nandito lang ako sa tabi niya. Nandito lang kami ni Meissy handang supportahan siya sa lahat ng desisyon niya.
Puno ng pangunawa ang tingin ni mama kay Yvena, habang kwenento nito at sinabing buntis siya.
"Ginawa nila 'yon?" Gigil na tanong ni mama.
Tumango kaming tatlo at binigyan ko ng tubig si Yvena.
"Salamat,"
Ngumiti ako sakanya.
"Tara nga at balikan natin, anong karapatan nilang pag sabihan ka ng ganon at saktan? Masasakal ko ang dalawang 'yon!" Galit na galit na sabi ni mama.
"Nako tita kalma ka lang, nasampal ko na ang bruhang step mom ni Yvena, gigil na gigil din ako." Pag kwe-kwento ni Meissy.
"Magaling ang ginawa mo! Pero hindi parin sapat saakin 'yon!"
"Nako mama! Hayaan muna."
"Nagawa pang humingi ng respeto saamin! Ni hindi niya nga magawa sa anak niya at saamin! Sinabihan pa kaming, 'ganyan ba ang mga kaibigan mo?', gigil na gigil talaga ako no'n! Buti at naunahan ako ni Kat!" Pag susumbong ni Meissy kay mama.
Mas lalong tuloy nagalit si mama, at pilit kong pinigilan dahil, balak talagang umalis. Nasa gate kami ngayon at pinipilit na kumawala sa hawak ko.
Tawang-tawa si Meissy at supportado talaga kay mama. Napahawak ako sa noo, ngumiti si Yvena at alam ko sa sarili ko kahit papano, nawala ang bigat sa puso niya. Nag tama ang tingin namin, ngumiti ako sakanya.
Lumapit si Yvena at yumakap kay mama, natigilan naman si mama at niyakap pabalik si Yvena.
"Nandito lang kami para sayo."
Sa wakas at napigilan naman namin si mama kahit papano. Pinakain ko ng buko pandan si Yvena, sarap na sarap ito habang kumakain.
Nag buntong hininga si Meissy sa tabi ko. Tumingin ako sakanya, "Bakit?" Tanong ko.
"Nag alala ako, paano kung hindi tayo pumunta? Pano kung nahuli tayo?" Pumiyok ito at agad na tumulo ang luha niya.
Napatulala naman ako sa sinabi niya.
Paano nga?
Pinigilan ko ang sariling umiyak, sobrang sakit ng puso ko habang nakikita ang kaibigan kong umiiyak.
"Hindi ko alam." 'yan lang ang bukod tanging nasagot ko.
Dahil kahit ako sa sarili ko, napatanong din ako, paano nga kung nahuli kami ng dating? Pano kung hindi namin naisipang pumunta sa bahay nila?
Takot ang lumamon sa sarili ko, takot para sa kaibigan ko, takot na takot ako.
Nag iyakan kaming dalawa, buti nalang at kausap ni mama si Yvena at malayo kami sa banda nila, kaya hindi nila nakikitang umiyak kami ngayon.
"T-takot na takot ako." Umiyak na sabi ni Meissy. "Takot na takot ako Kat."
Niyakap ko ito, "takot na takot din ako Meissy, ngunit tapos na. At least kasama na natin si Yvena. Walang mangyayaring masama sakanya pag kasama natin siya."
Tumango ito sa sinabi ko, "hindi ko hahayaang saktan nila si Yvena. Hinding-hindi."
Tumango ako at hinigpitan ang pagyakap sakanya.

CZYTASZ
#1 HOPELESS: Out of my league
Romans(COMPLETED) Katleyah Acedera is a nursing student and the kindest person you'll ever meet. But, unfortunately, she fell in love with a man who is unaware of her existence. Her young heart admired Axel Zero Fuentebella, a genius med student, the per...