PROLOGUE

3 0 0
                                    


"FEIER, uuwi ka na ba? Gala muna tayo!" sigaw ng kaibigan kong si Clane mula sa loob ng room. Katatapos lang ng huling klase namin at balak ko na ring umuwi. Ngayon ako kukuha ng birth certificate sa PSA kaya't kailangan kong makauwi bago mag-alas-singko.

Hinintay ko si Clane sa labas ng room habang inaayos ko ang mga librong dala ko. Hindi ko inaasahan na napakabigat ng libro ng STEM. Dalawang libro pa lang sa Biology at Chemistry ay nangangalay na ako, hindi pa kasama ang ibang core subjects.

"Uwi ka na ba? Friday naman, kain muna tayo fishball d'yan sa gilid. Saglit lang, promise!" Itinaas pa niya ang kamay niya na parang nangangako. 

I sighed, defeated. "Uuwi ako bago mag-5. Hindi pwedeng hindi dahil marami pa akong gagawin bukas."

Naglakad na kami patungo sa fishball-an ni Mang Romy sa tabi ng school namin. Inilapag ko muna ang dalawa kong libro sa isang bench malapit sa stall upang kuhanin ang wallet ko sa bag. "Fei, ano sa'yo? Usual ba?" Tinanguan ko lang siya dahil kabisado naman na niya ang order ko.

"Saan ka ba pupunta? Pwede ba akong sumama? Wala na akong gagawin," tanong ni Clane habang kumakain kami sa bench.

Inilapag ko ang baso ng fishball sa tabi ko at uminom sa tumbler ko. "Kukuha ako ng PSA sa munisipyo. Nakakuha ka na ba ng sa'yo? Kailangan na raw magpasa para sa mga universities, 'diba?"

"Ah, oo." Umiwas siya ng tingin. "Si mommy na raw ang mag-aasikaso ng akin, eh."

Clane is a rich girl. Hindi ko nga alam kung bakit kami magkaibigan. Her mom is a professor and her dad is an owner of a famous food processing company. Hindi tulad ng mga kapatid niya, dito na siya lumaki sa probinsiya kaya't simula pagkabata ay magkakilala na kami. Tinulungan daw kasi ni Mama ang nanay ni Clane na alagaan si Clane noong kapapanganak pa lang. 

"Uuwi ang mga kapatid mo, 'diba? Kailan ba 'yun?" tanong ko nang maalala.

"Mamaya," she sighed. "Kabadtrip nga, eh! Neglected na naman ang bunso," pabiro niyang sabi.

"Tss, favorite child ka kaya!" Pang-aasar ko.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na ako sa kaniya dahil mag-aalas-singko na rin. Tumawid ako at sumakay ng tricycle pauwi sa amin. Bago lumiko ang tricycle ay kinawayan ko muna si Clane na hinihintay ang service niya sa waiting shed ng school namin.

Huminto ang tricycle sa bahay namin at ang una kong napansin ay ang van na nakaparada sa harap ng gate namin. "Sukli mo, Fei," wika ni Tatang Selo. 

"Huwag na po, Tay. Itabi niyo na ho." Ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat naman siya. Kaunting barya lang naman. Matanda na si Tatang Selo ngunit dahil walang asawa at anak ay nagtatrabaho pa rin. 

Pagkapasok ko ng gate ay nakarinig agad ako ng mga tawanan sa loob. Nangingibabaw ang tawa ni Papa na para bang tuwang-tuwa siya.

"Pards, nandito na ata ang inaanak mo," rinig kong sabi niya habang nagtatanggal ako ng sapatos. "Dalaga na 'yun, baka hindi mo na makilala!" Napairap na lang ako sa pagmamalaki niya. Natural ay hindi niya na ako makilala dahil wala rin naman akong naalalang ninong ko bukod sa tatay ni Clane.

"Feier! Halika, magmano ka sa Ninong Tony mo!" 

Dumiretso ako sa sala upang makita ang bisita ni Papa. Mayroong babae at lalaki, mukhang mag-asawa, na nakaupo sa sofa namin. Lumapit ako sa lalaki at nagmano at dahil katabi niya ang babae ay nagmano na rin ako, nakakahiya naman kung 'di ko siya papansinin.

"Good afternoon po. Feier Marie po," pakilala ko.

"Good afternoon. I bet you don't know us yet. Huling kita ko sa'yo ay binyag mo pa," wika ng lalaking nangngalan daw na Tony.

Fantasize (Nostos Algos#1)Where stories live. Discover now