CHAPTER 1

6 0 0
                                    

Chapter 1

"Liko mo rito," I instructed him to turn right.

Nang makatawid ang mga batang naglalaro ay liliko na sana siya nang may batang bumalik. "Fuck!" 

Mabuti nalang ay napansin niya ito agad at nakapreno. Naging biglaan ang preno kaya't napasubsob ako ng bahagya. Mabuti nalang ay nakaseatbelt ako! Ang batang tumawid ay hindi naman tinamaan kaya't nakahinga ako ng maluwag. Muling tumawid ang bata, hawak-hawak ang bola niyang gumulong. Ang akala ko ay didiretso na si Brenne ngunit bumaba pa siya.

"Hey!" he shouted. "Hey, you! Little boy!" Napailing na lamang ako at bumaba rin. 

"Hindi ka maiintindihan niyan," bulong ko. "Bata!" Tawag ko sa maliit na batang tumatakbo. Lumingon agad siya nang nakangiti, kala mo'y hindi muntik masagasaan. "Tara lang dito," aya ko. Takang lumapit ang bata sa amin.

"Hi, Ate Ganda! Hello, Kuya Pogi! Ano 'yon? Bakit?" masayang bati sa amin ng bata.

"Sinungaling 'tong batang 'to," mahinang bulong ko na narinig ng katabi ko.

"Hey, listen to me, kid." Brenne sat down to the kids level. "Make sure na kapag tatawid ka, titingin ka sa left and right. Paano kung nasagasaan kita? Your mom will cry on me, hit me, and send me to jail," mahabang paliwanag niya na sigurado akong hindi naintindihan ng bata.

Takang inilipat ng bata ang tingin sa akin at nagkamot ng ulo. "Ano daw, 'te?"

Nakagat ko ang labi ko para hindi matawa. Umupo rin ako at hinawakan ang bata sa balikat. "Ang sabi ng kuya mo, mag-iingat ka kapag nasa kalsada ka. Isipin mo ang Nanay mo. Sigurado akong iiyak 'yun 'pag may nangyari sa'yo."

Yumuko ang bata at nawala ang ngiti sa mga labi nito. "W-wala naman po akong mama, eh. Okay lang na masagasaa-"

"Oh, shut the fuc-"

"Shh!" pigil ko sa pagmumura ng katabi ko. Hinarap kong muli ang bata at nginitian. "Hindi ganoon 'yun. Ganito nalang. Isipin mo 'yung mga batang kalaro mo," tinuro ko ang mga kaibigan niyang hinihintay siya sa kabilang gilid ng daan. "Iiyak sila kapag nasaktan ka."

Mukhang dito ay naliwanagan na ang bata at sunod-sunod na tumango. "Sige po! Mag-iingat na ako. Pwamis!" bulol na sabi niya.

"Promise 'yan?" tanong ko, nakangiti na.

"Oo nga!" humarap naman siya kay Brenne at yumuko. "Sowwy na, Kuya Pogi. Nadumihan ko ba ang kotse mo? 'Wag ka magalit sa'kin," malungkot na wika niya.

"It doesn't matter." He stood up and looked at me. "He's fine. Let's go." At dumiretso na siya sa kotse.

Itinawid ko lang ang bata at sumakay nang muli sa kotse. "Wear your seatbelt," he reminded. Napairap lang ako at sinuot ang seatbelt ko.

Napapansin kong naiirita na siya sa traffic at lubak na daan dito. "Inis ka ngayon, 'no? Sino bang nagpumilit?"

"And who the hell lives in this kind of place?" 

Natahimik ako roon. The truth is...I want to leave this place. Hindi alam ng mga magulang ko na nag-apply ako sa mga universities sa Maynila. Ang akala nila ay dito ako sa Nostos Algos magkokolehiyo. 

"Dito nalang sa puting building."

Nang huminto siya ay tinanggal ko ang seatbelt ko at bumaba na. Nagtaka ako nang patayin niya ang makina ng kotse at nagtanggal din ng seatbelt. 

"Umuwi ka na. Ako nalang ang uuwi mag-isa. Baka uuwi na rin kayo sa Maynila."

Umirap lang siya. Maldito!

"How I wish," bulong niya.

"How I wish," mas mahinang bulong ko. 

Nang nasa pinto na kami ay pinigil ko siya. "'Wag mo nalang papansinin kahit anong sabihin nila, okay? Ganiyan lang talaga sila sa akin."

Fantasize (Nostos Algos#1)Where stories live. Discover now