CHAPTER 4

4 0 0
                                    

Chapter 4

Weeks passed and I can't deny that we've grown closer together. Lumala ang kondisyon ko pero tinulungan niya akong ikalma ang sarili ko. He's been helping me to control my nicotine dependence and I can't help but thank him.

Unti-unti ko nang tinanggap na mahirap tigilan ang nakaugalian pero kung uunti-untiin, kakayanin naman. He's kinder to me...a bit. He's still arrogant and mean but he knows when to stop.

"Tara na, baka malate ako!" I pulled his backpack.

Tanghali na ako nagising dahil tinapos ko pa ang reflection paper na kailangan sa Introduction to Philosophy. Nakatuwaan ko ang pagsusulat kaya inabot ako ng madaling-araw.

"Fuck! My class starts at 10pm!" He pulled his bag from me. "Anong gagawin ko roon?" angil niya.

"Edi makipagsocialize ka!" Biglang sumagi sa isip ko ang mga babaeng nakasama niya noong nakaraan. Hindi ko na muling nakita ang kasama niya sa mga kubo. Iba-iba pa rin ang nakikita kong kasama niya tuwing uwian o di kaya'y naghihintay sa kaniya tuwing umaga. Hindi nalang ako kumikibo kahit pa hanggang kayla Clark ay umaabot ang mga tsisimis tungkol sa kaniya.

"Have you heard about the engineering guy?" si Chase noong nasa coffee shop kami matapos ang racing nila.

"Yakov?" si Clark.

"Yes. Balita ko ay napaiyak no'n ang kapatid ni Velasquez. Usapan nga sa block namin na inabangan na ni Velasquez 'yun sa gate," ani ni Chase.

Kumunot ako dahil wala naman akong napansin kay Brenne. Kilala ang mga Velasquez bilang pinakamakapangyarihang pamilya rito sa Nostas Algos. Their mom is the mayor here. "Ano raw ang ginawa?" pagsingit ko.

"Nabugbog si Velasquez."

"Si Velasquez!?" napataas ang boses ko. Napalingon sa'kin si Clark at kumunot ang noo.

"Do you know Cean?" Clark asked.

Sunod-sunod akong napailing. "Hindi, nagulat lang ako na...siya pa ang nabugbog. Hindi ba't may frat yun?"

"Brenne!" and that's a new girl.

"'Ge, mauna na ako." Patakbo akong dumiretso sa gate namin. I left him with the girl in nursing uniform. If I'm not mistaken, that's Theia's friend. Nakita ko na siyang nanood sa karera nila Chase.

Chemistry na naman. As usual, I tried my best to listen to our professor.

"Combination or Synthesis is a type of chemical reaction wherein two elements or two compounds react with one another in order to produce a more complex compound. The formula for combination reaction is A+B=AB."

And bla bla bla...

The ball rang and all I can give was an exasperated sigh.

"That's the end of our discussion for today. We have a quiz this coming Friday about Balancing Chemical Equations. Scientific calculators are not allowed, you may only use 1 sheet of a letter size paper; erasures, hyper-imposition, and alterations are prohibited."

I dropped my head on my arm chair. "Ugh, si sir talaga daming alam!" si Clane.

"Una na ako, Fei! Gagalit yung driver ko pag nagtatagal ako," paalam niya.

Sa totoo lang ay may napapansin na ako sa kanila ng driver nila pero kung iisipin ko naman ay...imposible at hindi papayagan si Clane. At alam niya 'yon. Kung nag-iisip siya nang tama ay hindi niya papasukin ang ganoon at may tiwala ako sa kaibigan ko.

Pagkalabas ko ng gate ay nagliwanag ang mukha ko nang makita ko si Clark na naghihintay at may hawak na helmet.

"Clark!" I called.

Fantasize (Nostos Algos#1)Where stories live. Discover now