CHAPTER 5

5 0 0
                                    

Chapter 5

"Thank you for today."

Hiya kong nginitian si Clark nang maihatid niya na ako. Our clothes are wet but he let me wear his spare hoodie para hindi ako lamigin. Gabi na rin nang makauwi kami. I think it's already 7 pm and because we live in a secluded place, 7pm is like our 10pm. Tahimik na ang kalsada at wala na masyadong nasa labas.

I gave him the helmet. "Thank you."

Nang makaalis si Clark ay pumasok na muna ako sa kwarto at naligo. Nanlalamig na ako dahil mahangin at nakamotor lang kami. Nang makaligo ako ay bumaba ako para kumuha ng makakain habang nag-aaral.

"Nakauwi ka na pala," si Mama habang nanonood sa living room.

"Kani-kanina pa po."

She did not take her eyes off the television. "Hinahanap ka ni Brenne kanina, hindi ka ba nagsabi?"

Kumunot naman ang noo ko. Bakit ko kailangang magsabi?

"Po?" I asked, confused.

Tiningnan niya lang ako at bumuntong hininga. "Anak, nakakahiya kay Brenne na iniiwan mo bigla. Bisita natin siya at ibinilin siya ng mga Ninong mo sa atin, sana ay pakisamahan mo."

"Ma, hindi ko naman po kailangan magpaalam sa kaniya. Sa tingin ko po ay kaya naman na niyang umuwi."

Hindi na sumagot si Mama at dumiretso na rin ako sa kusina. Nagpalaman ako ng peanut butter sa natirang pandesal at magtimple ng kape.

"May aaralin pa po ako, mauna na ako sa taas," paalam ko kay Mama.

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay inis kong inilapag ang tray sa study table. I took my phone and messaged Brenne:

Feier:
hinahanap mo raw ako sabi ni mama

Minutes later and he responded.

Brenne:
are you in your room?

Napairap na lamang ako.

Feier:
yeah
kanina pa ako rito

Hindi lumipas ang oras nang may kumatok na sa kwarto ko.

Brenne is wearing a white shirt and black cotton shorts when I opened the door.

"Anong kailangan mo?"

Hindi siya sumagot at dumiretso lang sa kwarto ko. He sat down on my bed and his eyes were glued on something. I followed his gaze and I saw that he was looking at a maroon hoodie.

It was Clark's hoodie.

"Wala kang assignment?" he asked out of nowhere.

Isinarado ko ang pinto. "Meron, marami."

I heard him tsk-ed. "Pero gumala ka pa."

Mahina ang pagkakasabi niya pero narinig ko pa rin ito. Inirapan ko lamang siya. I sat down on my study table and took out my notes.

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong nahiga si Brenne sa kama ko at inilabas ang telepono. I can hear a sports video playing on his phone.

"Pwede pakihinaan?" inis kong tanong makalipas ang ilang minutong panonood niya.

It was distracting me!

Hindi siya sumagot pero humina naman ang volume ng pinapanood niya.

Lumipas ang oras nang hindi ko namamalayan. I looked at Brenne who is comfortably sleeping on my bed with his phone in his hand. Nakatulog siya habang nanonood. I went near him to turn off his phone that keeps on playing.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fantasize (Nostos Algos#1)Where stories live. Discover now