CHAPTER 2

5 0 0
                                    

Chapter 2

"ANAK, gisingin mo na si Brenne sa taas," utos ni Tatay nang makababa siya. Napatigil ako sa paghahain nang dahil doon. Kahit ayaw kong sundin ay wala akong choice kaya ibinaba ko na ang platong hawak ko at umakyat sa tree house.

Kumatok ako sa pinto at tumawag, "Kakain na raw!"

Naalala ko ang naging sagutan namin kagabi. Talagang ayaw ko nang ganoong mga tanungan ng lalaki kaya't hindi ko napigilan ang sarili kong sumabat. Nahihiya man akong harapin siya ngayon ay wala namang mali sa mga sinabi ko.

"Kakain na-" biglang bumukas ang pinto at naiwan ang kamay ko sa ere. Bumungad sa akin ang bagong ligo na si Brenne, walang pantaas at tumatagaktak ang tubig mula sa basa niyang buhok. Napalunok ako at umiwas ng tingin. "Kakain na raw," ulit ko.

"Good morning, Feier," ang sinabi niya.

Napilitan akong tingnan siya sa at dahil nakahubad siya ay sa mata niya ako tumingin. "Good morning. Bumaba ka na," simple kong sagot at tumalikod na.

Nang makababa ako ng hagdan ay tsaka ko lang nabitawan ang hiningang hindi ko napansing pinigilan ko pala.

Naiiling akong bumalik sa kusina at umupo sa hapag.

Natapos ang agahan namin ng payapa. Nagkwento si Papa tungkol sa Nostos Algos upang hindi raw manibago si Brenne. Mukha namang hindi interisado ang isa sa mga sinasabi ni Papa dahil tuloy lang ito sa pagkain.

"Sabay ba kayong papasok sa eskwela?" tanong ni Mama.

Taka akong tumingin sa kaniya, "Doon ba mag-aaral 'to?" turo ko sa katabi kong pilit pa ring kinukutsara ang tuyo.

"Mag-eenroll siya ngayon. Hindi ba, Brenne?" she asked the guy beside me.

Umangat ang tingin niya at taka kaming tiningnan. "Ah, yes. Or maybe I'll look for other universities," he answered.

College na ba 'to? 

"Ang pinapasukan ni Feier na ang pinakamagandang unibersidad dito sa Nostos Algos. Ang iba ay malalayo na at kaunti lang ang courses. Ano ba ang kurso mo?" si Papa.

"Chemical Engineering," sagot niya.

Agad naman akong namangha dahil doon. Ang hirap ng kursong 'yon! Ngayon ay sa Chemistry rin ako nahihirapan kaya wala na agad ang chemical engineering sa mga choices ko sa kurso.

"Maglalakad tayo hanggang kanto," paliwanag ko kay Brenne na nasa tabi ko, hawak ang isang envelope. Nakasuot siya ng puting sneakers, itim na pants, puting shirt, at pulang flannel. May suot din siyang sunglasses na kala mo ba'y turista siya rito.

Samantalang ako ay suot ang uniform namin na polo, kulay dark blue na slacks, at black heels. Dala ko sa isang kamay ko ang dalawa kong libro at ang iba ay nasa back pack kong kulay puti. 

"Manong, dalawang Pamantasan lang," ani ko sa driver bago sumakay. Iniabot sa akin ni Brenne ang bag ko bago hirap na pumasok sa tricycle.

"First time mo?"

He sighed when he finally settled down. Tumango lamang siya sa tanong ko.

Lubak-lubak ang daan at dahil matangkad siya ay ilang beses ko siyang nakitang nauuntog sa bubong ng tricycle. 

"Dito nalang po," para ko sa tricycle. Iniabot ko ang bayad para sa aming dalawa. 

"Dito ang campus ng Secondary," itinuro ko ang gate namin. "'Yang tatlong gate na kasunod ay sa College." 

"Magtanong ka nalang sa guard kung nasaan ang office. Kita nalang tayo mamaya dito, Malelate na ako, eh." Nagpaalam na ako matapos kong kunin sa kamay niya ang bag ko. 

Fantasize (Nostos Algos#1)Where stories live. Discover now