Chapter Ten

2.1K 54 2
                                    

Noong sinabi ni Kenneth na may plano itong ligawan, hindi ka agad naniwala si Ruby. Katwiran niya, napakabilis naman yatang makapag-move on ng binata sa kanya. Ginamit pa nga niya ang mga napag-aralang theories about human behavior para patunayan iyon.

Pero totoo talaga ang sinabi ng binatang may liligawan ito.

Nakatambay sila sa Kiosk noon nang dumating si Kenneth kasama ang isang babaeng naka-suot din ng uniporme ng Information Technology.

"Guys, Rhian Bautista nga pala," pagpapakilala nito sa kasama. Tapos inakbayan nito ang babae. "Nililigawan ko."

Napatigil siya sa paglalaro ng Dumb Ways to Die II sa iPad ni MJ. Tuloy, hindi niya napindot ang screen para iwasan ang paparating na sibat. Iyon, deadbol na, na-game over pa.

"Ano kamo?" tanong niya, not minding ang pagka-game over kahit ba matatalo na sana niya ang top score ni MJ.

"Nililigawan daw niya!" pag-ulit ni Josel, na abala naman sa pagngata ng French fries. "Bingi lang, Ruby?"

Ilang ulit siyang napakurap na para bang pilit niyang inuunawa kung ano ang sinabi ni Kenneth. Bigla yata kasing nag-malfunction ang kanyang utak at kailangang i-re-boot para bumilis ulit.

Nang matauhan, napasigaw na lamang siya. "WHAT?!" saad niya with matching tayo. Pinagtinginan tuloy siya ng mga tao.

Tiningnan niya ang babae. She immediately recognized her dahil ito ang ginawaran ng Miss Letran noong nakaraang taonpero tila ba hindi pa siya nakuntento dahil tiningnan niya ito mula ulo hanggang pa. Makintab at unat ang buhok nitong hanggang balikat, singkit ang mga mata, medyo pango pero magandang ilong at saktong pula ng labi. Maganda rin ang hubog ng katawan. Katunayan, kapansin-pansin nga ang malulusog nitong dibdib na mala-Maria Ozawa ang dating. Mukha ngang may naglalaway na sa tropa niyang ang pangalan ay Michael John de Jesus.

Kung hindi siya nagkakamali, second year pa lang ito at mas bata ng isang taon sa kanila.

"'Tang ina, p're! Miss LP pala ang natira mo!" hirit ni MJ. His term actually made Ruby cringed dahil parang double meaning. Alam pa naman ng dalaga kung gaano kabastos ang bunganga nito. "Ibang level ka na."

Kenneth just smiled before he offered Rhian to sit beside Ruby. Iyon lang kasi ang nag-iisang bakanteng upuan. Rhian followed without a word.

"Hi, Rhian," bati ni Josel dito. "I'm Josel nga pala. Ganda natin, 'no?"

"Oo nga po, eh." Mahinang tumawa si Rhian. It was a friendly laugh kaya alam niyang hindi sila nito pinaplastik.

"Ito si Michelle, ang higanteng pancit canton ng Letran— ay, wait. Maliit din pala siya," asar naman ni MJ kay Michelle na sinabayan pa ng panggugulo ng buhok. Pinandilatan tuloy ito ng huli bago humarap kay Rhian, ngumiti at kumaway.

Again, Rhian flashed a very welcoming smile. Pagkatapos, humarap ito sa kanya. "You're Ate Ruby po, 'di ba?"

Medyo umawang ang labi niya. "Ha? Paano mo nalaman?"

"Sinabi po niya kanina." Tinuro nito si Josel saka tumawa. Wow, even her laugh was beautiful. Napakahinhin pakinggang na kahit siguro babae ay maaakit.

Tumawa rin ang buong tropa samantalang medyo na-delay naman siya ng isang segundo dahil medyo matagal bago niya naintindihan kung ano ang tinutukoy nito.

"Ang swerte mo naman, Kenneth. Miss Letran ang nakuha mo," sabi naman ni RJ saka pinatong ang mga braso sa ulo na para bang pinapakita ang makinis nitong kili-kili. Hinubad pa naman nito ang polo dahil pawis na pawis kaya naman natira na lang ay ang basam-basa nitong fitted na sando.

On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]Where stories live. Discover now