Chapter Thirteen

1.7K 50 0
                                    

In some instances, Ruby felt uncomfortable whenever Kenneth was around but she felt more awkward every time she saw him with Rhian. Kaya laking pasasalamat na lang niya nang araw na iyon dahil hindi nito kasama ang dalaga. Busy raw kasi ito para sa pagawa ng isang requirement para sa mid-term sa isa nitong Computer Laboratory class.

"In fairness, ha? Ang bilis ng season," kumento ni Michelle habang ngumangata ng French fries. As usual, magkakasama na naman sila sa kiosk para kumain ng meryenda. "Parang kailan lang, first day of school, tapos ngayon isang linggo na lang, Christmas break na."

"Oo nga, Cornflakes, nakakaloka. Ang bilis nating tumanda," kumento naman ni Josel na isa pa ring kumakain ng fries. In fairness naman daw, medyo bumalik na ang sigla nito. Syempre, flattered naman si Ruby dahil siya ang nag-comfort sa kaibigan.

"Sus, bakit ba pinoproblema n'yo iyan?" saad naman ni RJ. "Huwag n'yong isipin ang pagtanda. Minsan lang tayo mabubuhay sa mundo, bakit kailangang maging pessimistic?"

"Wow, who goat lang, RJ?" natatawang ani Ruby. "Parang first time yata kitang narinig na nangaral?"

"Ganoon talaga kapag pinagpala," ningisi-ngisi namang turan ni RJ. "Isa pa, nakaramdam ako ng divine intervention kaninang Theo."

"At ano'ng divine intervention naman iyan, aber?" tanong ulit ni Ruby.

Ngumisi lang si RJ.

Doon na humirit ang kakambal nito. "Sus. Pustahan tayo, nasilip na naman niya 'yung cleavage ng Ma'am Geraldine tapos pinag-jak*lan na naman sa CR ng boys," prangkang sabi nito. As usual, hindi na naman nito naisip na may kasama itong mga babae.

"Yuck!" sabay na bulalas nina Ruby at Michelle. "Ano ba iyan!"

Samantalang, pinakyuhan naman ito ni RJ ang kakambal nito. "T*** i** mo. Hindi ako katulad mong mabogli," dugtong pa nito.

Binalot sila ng katahimikan.

Palihim na tinitigan ni Ruby si Kenneth na abalang-abala sa pakalikot ng iPad nito. Hindi niya alam kung ano ang nilalaro nito, pero wala rin naman siyang paki. Ang iniisip niya kasi nang sandaling iyon ay kung paano ito kakausapin tungkol sa—ewan lang niya—problema nito.

Kenneth, bakit nga ba ni minsan hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa pagiging ampon mo? Hindi ko naman sinasabing dapat malaman ko, ha? It's just... you know, I find it rather unsettling lalo pa't nagkita na pala tayo noon pa.

She wasn't sure kung si Kenneth nga ba iyon pero may naalala siya kailan lang na may nakalaro nga pala siyang bata sa ampunang pinuntahan niya noong bata pa siya. Kung hindi pa na siya nagkakamali, may pagka-loner ang batang iyon.

Grabe talaga. Bakit kaya—

Muling napaharap si Ruby kay Mj nang bigla itong magsalita. "Hus, kunyari ka pa. Ano yung pinanonood mo sa laptop mo kagabi, aber? Pinagpuyatan mo pa nga!" muling banat nito kay RJ. "Kundi ko pa alam, p*rn. O, di ba?"

"Para ka talagang sira. Documentary po yung pinanonood ko kagabi. Tungkol sa mga taong inampon noong bata pa sila! Ang lungkot nga, e. Nakakaiyak," hirit ni RJ.

"Ay, heavy-gat naman iyang docu na iyan. Pahingi ako ng copy, ha? Parang trip kong panoorin," biglang napasabad si Josel. "Ano kaya ang feeling na maging ampon, 'no?"

Napansin ni Ruby sa mga sulok ng kaniyang mga mata na napatigil si Kenneth sa ginagawa nito at napataas ng tingin. Halatang nagulat ito sa tanong ni Josel.

Tumangu-tango si Michelle. "Siguro kung ako, malalaman kong ampon ako, sa simula, malulungkot ako. I mean, syempre, I felt betrayed, e. Ang tagal tinago sa akin ang totoo tapos late ko lang nalaman? But looking at the bright side, magiging thankful din ako. At least, naranasan ko ang buhay ko ngayon na hindi ko siguro mararanasan kung hindi ako pinaampon, 'di ba?"

On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon