Chapter Five

3.2K 73 0
                                    

Matuling lumipas ang araw. Sabado na pala. Ayos sana ang araw na iyon dahil walang kahit anong take home school works si Ruby. That means pwede siyang mag-internet lang maghapon.

Ang kaso'y natiyempong walang internet connection. Actually, hindi lang iyon. Wala ring kuryente!

Kaya naman ang ating bida ay aburidong-aburido. Siguro ang maipagpapasalamat lang niya ay na-full charge niya ang cell phone bago nawalan ang kuryente at mayroon din siyang perang panggala dahil hindi naman niya halos nagastos ang allowance nang linggong iyon.

"Jusko, day, November na pero parang Summer pa rin!" reklamo niya habang pinapaypayan ang sarili. "Saan kaya ako pwedeng tumambay ngayon?"

Actually, kanina pa niya kinonsiderang magtungo sa mall sa Balanga pero tinatamad naman siyang maggala mag-isa.

"Text ko kaya si Josel? Tambay muna ako sa kanila?"

She did what she said. Binuksan niya ang message application ng cell phone niya saka pinindot ang "Compose new message" icon sa upper-right corner nito.

Nang i-type niya ang receipt, nagkamali siya ng pindot ng letra. Sa halip na "J", "K" ang napindot niya. Tuloy, lumitaw ang pangalan ni Kenneth.

Natigilan na lamang siya at napawi ang ngiti. Pagkatapos, bumuntong hininga siya.

Ever since that "dramatic" confession and rejection happened, nagkailangan na sila ni Kenneth na tipong kapag nagkakasabay sila, hindi sila nag-iiwasan sila ng tingin. Hindi na rin sila nagkibuan.

She sighed again. She really didn't mean what she said to Kenneth that night. Sadyang na-offend lang siya sa sinabi nito. Isa na rin siguro sa naging dahilan ay 'yung pagiging madali niyang mairita dahil sa period niya kaya niya nasabi iyon.

She pressed the backspace to erase her typographical error. Agad namang nawala ang numero ng binata.

Even though she didn't mean what she said, ayaw rin muna niya itong makausap. Reason? Nakakailang kasi.

May gusto ako sa iyo, Kenneth, pero hindi naman ibig sabihin no'n ay pwedeng maging tayo agad. Babae pa rin ako; gusto ko rin dumaan muna sa ligawan, ganoon. Saka mukha timang naman 'yung naisip mo. 'May gusto ako sa iyo, mahal mo ako, compatible tayo'. Ay, grabe, himutok niya habang sinusulat ang gustong sabihin kay Josel. Sana nga lang ay huwag siyang magkamali ng ite-text. Last thing, base rin sa sinabi mo, halatang sinasamantala mo lang ako! Ano 'yun, atat magka-girlfriend? Well, manigas ka d'yan. Nakaka-disappoint ka!

Pinindot niya ang send button. Sa kabutihang palad naman ay hindi naman siya nagkamali ng isinulat.

Hindi nagtagal, nag-reply si Josel. Agad niya iyong binasa at laking pagkadismaya niya nang malamang nasa MOA pala ito nang araw na iyon!

"May gad!" Humiga siya sa kama niya. "Ayokong matambay dito maghapon at maloloka ako!"

Nag-isip siya kung saan siya pwedeng pumunta at sumagi sa isip niya ang bahay ni Michelle.

"Oo nga, kila Mich na lang!" Bumangon siya. "Matagal na rin akong hindi nakakapunta ng Mariveles. Makabisita nga muna sa kanila. Sure naman akong walang brown out doon, eh. Malayo na 'yun dito."

Muli niyang pinindot ang "compose message" button. Kaso, muli na naman siyang nagkamali ng pindot ng letra. "K" na naman ang napindot niya, sa halip na "M", at kaya lumitaw na naman ang pangalan ni Kenneth.

"Anu ba?!" irit niya saka pinindot nang pagkadiin-diin ang backspace button. "Bwinibwisit mo akong cell phone ka, ha? Sabi nang ayaw ko munang maalala ang lalaking iyon!" sabi pa niya na sinabayan ng panlalaki ng mga mata.

On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]Where stories live. Discover now