Chapter Four

3.5K 77 1
                                    

Pagkatapos ng dalawang oras, natapos nang basahin ni Ruby ang libro. Ngingiti-ngiti pa nga siya habang in-i-imagine ang ending.

"Gosh, kinikilig ako," bulong niya sa sarili. "Ang ganda ng kwento. May ilan nga lang na binago pero saktong-sakto talaga sa nangyari."

Pero sa kabila ng kilig, napawi ang ngiti niya. Tama talaga ang hinala niya. Para nga talagang si Dylan si Kenneth, mula sa kilos nito't paraan nang pang-aasar sa kanya ay ganoon na ganoon.

Pero bakit naman kaya siya biglang nagbago? She tried to think of different simulations at isa lang ang naisip niyang may sense. Hindi kaya nagpapapansin siya sa akin?!

Tinapik niya ang magkabilang pisngi. "No way. No way. No way." Bigla siyang tumayo. Lumikha tuloy ng ingay ang upuan niya. "Grabe, naloloka na ako!"

"Halata nga, Ruby," kumento naman ni Josel na nabulabog ang pagbabasa dahil sa bigla niyang pag-iingay. "Bigla ka na lang kasing nagsalita d'yan na para namang may kumakausap sa iyo. Bruhang ito."

Samantalang, deadma lang si Michelle sa kanila dahil busy ito sa pag-aaral ng leksyon sa Accounting. Kahit kailan talaga'y napakasipag nitong mag-aral. Mataas kasi talaga ang pangarap nito, palibhasa'y mag-isang pinalaki ng mama nito dahil nga namatay ang papa nito noong bata pa lamang.

Si Josel naman ay lumaking hindi kasama ang mama. Nagtratrabaho kasi bilang nurse ang ina nito sa Canada simula pa noong bata ito. Bale, papa nito ang kasama nitong lumaki.

Pagdating siguro sa pamilya, siya talaga ang pinakaswerte sa kanilang tatlo. Lumaki kasi siyang buo ang pamilya.

They were consisting of six. Parehong doktor ang mga parents niya. Ang kuya naman niya ay engineer na't may sariling na ring pamilya. Ganoon din ang ate niya. Samantalang, kaka-graduate pa lang ng diko niya sa kursong Marine Engineering. Nag-aral ito sa MAAP. Bale, siya na lang ang pinag-aaral sa kanilang magkakapatid.

"Ewan ko sa 'yo!" tugon niya rito. "Hindi naman kasi kinakausap, sasabat."

Hindi na umimik si Josel at pinagpatuloy na lamang nito ang pagbabasa.

Dahil wala namang ginagawa, nagdesisyon siyang iwan muna ang ang dalawa at tumambay na lamang sa may labas ng dorm at magpahangin.

A chilling night breeze greeted her when she stepped her feet outside. She looked at the moon. It looked so pale and misty. Parang ang sarap tuloy mag-senti.

Kailan kaya darating ang lovelife ko? Hindi niya alam kung saan niya nakuha iyon. After all, she doesn't often think about having boyfriend even before. Mas pinagtutuunan kasi niya ng pansin ang magiging career niya sa hinaharap kaya hanggang pagkakaroon lang talaga siya ng crush.

Sabi nila, magiging matandang dalaga raw ako dahil sa attitude ko. Totoo kaya iyon? Somehow, natakot din siya. Although hindi naman iyon ang priority na nakatanim sa utak niya, pangarap din niyang bumuo ng sariling pamilya. Gusto niyang magkaroon ng cute at talented na anak, at sobrang mapagmahal na asawa.

Nyeh. Asawa at anak talaga? Agad-agad?

Suddenly, the wind blew harder and colder, chilling her. Niyapos niya ang sarili para labanan ang iganaw.

"Ang lamig, ano?"

Ibinaling niya ang tingin sa gawing kaliwa at nakita niya si Kenneth. Nakatingin din ito sa buwan, paris ng ginagawa niya kanina.

Bigla niyang naalala ang naisip kanina. Posible kayang may gusto siya sa akin kaya siya nagpapapansin? She mentally shook her head. Tse. Hindi iyon ganoon.

"Oo nga, eh. Pa-hug naman." Hindi na niya ito hinantay na payagan siya. Basta na lang niya ito niyakap.

Inakbayan naman siya ni Kenneth.

On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora