Chapter 8

6.2K 153 9
                                    

"Kinukuha ka niya as partners in crime?" Tanong sa akin ni Jesse matapos kong ikwento sa kanila ni Arria ang plano ni Dos.

"Bakla, partners in investigation. Hindi kami gagawa ng krimen. Magre-resolba kami ng mga krimen. Magkaibang bagay 'yon. Bobang 'to." Pagbasag ko sa kanya dahil parang gusto niya pa akong maging isang ligaw na kaluluwa rito kapag gumawa pa ako ng masasamang bagay.

"E, bakit ka naman niya kukunin? Ano namang ambag mo? Hello, kaluluwa ka na lang. Wala ka ng kakayahan gaya ng mga ginagawa ng mga taong buhay." Singit naman ni Arria na may pagtataka sa mukha.

Napabuntong-hininga naman ako sabay tingin sa bintana. Nandito lang kami sa kwarto namin at kakagising lang nila. Nadatnan kasi nila akong nakatambay lang dito sa bintana na malalim ang iniisip kaya nakwento ko na sa kanila ang kaganapan noong isang gabi sa unit ni Papa Doc.

Hindi ko rin lubos maisip na hahantong kami sa ganito. Na-realtak ko lang siya tas biglang nagbago na ang isip niya bigla matapos niyang maligo?!

"Kailangan niya raw ang possession skills ko." Sagot ko naman sa kanila na tila nagulat dahil alam nilang bawal 'yon sa aming mga puting kaluluwa. "Kung may kailangan man kami sa lugar na iimbestigahan namin, kailangan niya ng tao sa loob. Ibig sabihin, sasanib ako sa isa sa mga taong nandoon para makapasok siya o makahanap ako ng ebidensiya sa loob."

"Woah..." Bulalas ni Jessie na namamangha sa mga naririnig sa akin. "Ang bigat naman ng gagawin mo. Saka, alam mong bawal 'yan 'di ba? Kaya ka nga 'di ka pa rin ma-devirginize dahil hindi ka nakakatagal sa katawan ng buhay na tao. Ang tanong, gusto mo ba?"

"Wala akong choice dahil ako ang nanghikayat sa kanya na gamitin niya ang kakayahan niya na tumulong sa mga hindi matahimik na kaluluwa." Napatingin naman ako sa kanilang dalawa sabay hawak sa tig-isa nilang kamay. "Ang tanong, gusto niyo rin ba?"

Nagsalubong naman ang kilay nilang dalawa. "Bakit kami?" Takang tanong ni Arria.

Nagpakawala ulit ako nang isang malalim na paghinga. "Dahil kailangan din daw niya kayo para maisakatuparan ang misyon na ito."

"What?!"

"Ano?!"

Sabay nilang bulalas. Gulat na gulat?!

"Oy, Nikki, kung gusto mong landiin ang duktor na 'yon, h'wag mo na kaming idamay. Ang saya na ng ginagawa namin ni Arria. Sinusulit na lang namin ang mga natitirang oras namin dito sa kalupaan. Kung gusto mong mapunta sa ring of fire, h'wag mo na kaming idamay ni Arria." Sagot naman ni Jessie na halos nag-rap dahil sa sobrang galit.

"Oo nga, bakla. Saka, delikado 'yang pina-plano niyo. Baka makadagdag pa 'yan sa mga sala namin sa itaas at tuluyan kaming hindi makapasok sa gate ng langit. Bakla, ang goal lang natin is makapasok sa langit, hindi maging santo." Dagdag pa ni Arria.

Napakamot-ulo naman ako. Expected ko nang ganito ang reaksyon nila. Kumbaga sa group thesis, introduction lang ang kaya nilang i-ambag. Wala silang ambag sa methods, results at conclusion. Sila iyong saya lang ang gusto, ayaw mag-take ng risk.

"Alam ko naman kung gaano kadelikado ito. Pero, what if, ito pala ang way natin para mabilis tayo na makaakyat sa langit." Sagot ko naman sa mga doubts nila.

"Ah, basta bakla, alam ko namang nilalaban mo lang ito para madagit talaga ang Papa Doc mong 'yan. Hindi naman kami makaka-gain ng kahit ano d'yan." Patuloy na pagtutol ni Jessie.

Gets ko ang mga pinaglalaban nila. Pero gets ko rin si Dos na hindi namin kakayaning dalawa ito dahil hindi naman namin pwedeng isama si Buknoy dahil ang bata pa niya. Kailangan ko silang mapilit na dalawa.

"Actually, mga bakla..." Hinawakan ko ulit ang mga kamay nila sabay ngiti sa kanila. "Nasa opisina pa rin siya ngayon dahil gusto niya kayong makausap."

Never Dies Just ChangesWhere stories live. Discover now