Chapter K

5.3K 167 43
                                    

"Bakit ang daming aquarium sa bahay niyo? Tas may malaking pond din kayo sa labas? Ang hilig niyo naman sa mga isda." Tanong naman ni Kayleigh habang nililibot ko siya sa loob ng bahay.

Napatingin naman ako sa aquariums namin. Growing up, padami na lang nang padami ang mga aquariums sa bahay. Iba't ibang isda o kung anumang laman-dagat ang nakalagay sa mga aquariums namin. Kaya nga hindi na kami pumupunta sa ocean park dahil ang bahay namin ay isa nang ocean park.

"Marine Biologist kasi si opapa." Sagot ko naman kay Kayleigh habang nililibot ko siya sa paligid ng bahay. "That's why nakatira rin kami malapit sa dagat dahil sa OCEANA nagta-trabaho si opapa. Kulang na nga lang maski ang pool namin ay gawin ng aquarium ni opapa simula nang bumukod na kaming magkakapatid. Naalala ko nga dati noong maliliit pa kami nila ate at Miro, kinuha namin 'yong isang isda at linagay sa pool para laruin. Ayun, namatay kaya pagdating ni opapa, ilang oras niya kaming pinaluhod. Simula n'on hindi na namin ginalaw ang mga isda niya."

Natawa naman si Kayleigh sa kwento ko. "Kawawa naman 'yong isda, napag-tripan ng mga bata. Nagwo-work pa rin ba siya hanggang ngayon?"

Umiling naman ako. "Kaka-retire lang niya. Kaka-senior lang kasi niya this year. Si Mama naman, in three years time pa magre-retire. Kaya itong mga sea creatures ang pinagkaka-busyhan ni opapa ngayong wala na siyang work."

Tumango-tango naman si Kayleigh. "Hindi siya mukhang senior. Parang papasa pa siya sa early 50s. Sila ng mama mo."

Ang dami ngang nagsasabi niyan about kay opapa na mukha daw siyang bata sa edad niya. Hanggang ngayon nga, feel ko ay may nagkaka-crush pa rin sa kanya pero patay-malisya lang siya. Never din siya nahuli ni mama na may babae. Minsan, mas may time pa nga si opapa sa mga isda niya. Okay lang naman kay mama kaysa raw babae ang pinagkaka-busyhan.

"Well, sa work ba naman niya na laging sumisisid sa dagat para pag-aralan pa ang marine biodiversity kaya maganda pa ang katawan ni opapa." Sagot ko naman.

Bata pa lang din kami ay marunong na kaming lumangoy na mga boys maliban kay ate dahil may sakit siya sa puso noon. Lagi naming bonding tuwing weekend ang lumangoy sa dagat. Wala nga lang sumunod sa yapak ni opapa na maging marine biologist, though ako lang sa aming magkakapatid ang in line sa science pero sa forensic pathology naman ako nag-focus.

"Pogi pa rin 'yon si opapa, silang dalawa talaga ni Fort ang magkamukhang-magkamukha." Habol ko pa kay Kayleigh.

Natawa naman si Kayleigh sabay pisil sa pisngi ko. "Pogi ka rin naman. Hawig ka rin naman sa papa mo."

Napahawak naman ako sa dibdib ko sabay akbay nang isang braso ko kay Kayleigh. "Ayiee. In-love na in-love ka na ba sa akin, Kayleigh?"

Siniko naman niya ako habang nagpipigil ng tawa. "Baliw. Naawa lang talaga ako sa'yo kasi puro pancit canton lang ang alam mong lutuin. Kaya jinowa kita para may mag-alaga naman sa'yo. Kaya alalang-alala sa'yo ang mama mo kasi bumukod ka na hindi marunong alagaan ang sarili mo."

"Aray ko naman." Reklamo ko kay Kayleigh at nagkunwari pang may sumaksak sa dibdib ko. "Pero tamang desisyon 'yang jinowa mo ako dahil kung hindi ka dumating sa buhay ko ay baka nagda-dialysis na ako kaka-noodles araw-araw. Mas masarap pala kasing kumain lalo na kung may kasama kang kumain. Grabe 'no? Bagay na bagay ka talaga sa akin. Ayiee."

Inirapan naman niya ako. "Puro ka 'ayiee'. Iyong totoo, ikaw ata itong kinikilig sa ating dalawa."

Natawa naman ako sa kanya sabay hapit ng bewang niya para dumikit siya sa katawan ko at mabilis siyang dinampian ng halik sa labi. "Ganito pala kapag in-love, nakakalambot ng puso. Dati sa KathNiel lang ako kinikilig. Ngayon sa sarili ko ng relasyon."

Never Dies Just ChangesOnde histórias criam vida. Descubra agora