Chapter 15

5.4K 172 29
                                    

"Nakita ko na ang nanay ni Buknoy." Bulalas ni Papa Doc.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ano?! Nakita mo na ang nanay niya?! Paano?! Saan mo nakita?! Bakit ngayon mo lang sinabi?! At sino siya?!"

OMG! So gumagawa talaga ng effort si Dos na makita niya ang ina ni Buknoy. Matapos ang halos dalawang dekada ay magkikita na ulit ang mag-ina. Matapos ang halos dalawang dekadang paghihintay ni Buknoy ay muli niyang makakasama ang ina niya. Naiiyak ako na masaya para kay Buknoy.

Tinignan naman ako ni Dos saglit bago muling ituon ang tingin niya sa daan. "Ang dami mo namang tanong. Lahat na ata ng uri ng pananong ay nagamit mo."

"S'yempre na excite ako kasi ang akala ko ay hindi na darating ang araw na ito." Sagot ko naman kay Dos na naluluha. OA na kung OA. "Isa si Buknoy sa inaalala ko kapag nawala na ako. Sino nang mag-aalaga sa kanya? Hindi naman forever din na and'yan ka kaya masaya akong makakasama na niya ang mama niya."

Tinignan niya ulit ako na tila nag-alala dahil sa pag-iyak ko. Huminga naman siya nang malalim bago muling tignan ang daan. "Mawawalay na si Buknoy sa'yo. For sure, magpapaiwan na siya sa mama niya. Again, thank you sa pagtayo bilang ina ni Buknoy, Nikki. What a good soul you are."

Umiyak naman ako. Hindi ko rin inaasahan na makikilala ko si Buknoy. Ang buti niyang bata. Ang cute ng pagka-inosente niya. Kung mabubuhay akong muli, sana maging anak ko siya. Napamahal na si Buknoy sa akin kahit sa sandaling panahon.

"Bakit po kayo umiiyak?" Sambit naman ni Buknoy mula sa likuran ng kotse.

Nilingon ko siya habang katabi niya si Chopper. Pinunasan ko naman ang mga luha ko at sinubukan ko siyang ngitian. Inabot ko naman ang ulo niya at ginulo ang bunot niyang buhok.

"Wala po," Sagot ko naman sa kanya. "Sobrang saya ko lang."

Kumunot lang ang noo niya na tila naguguluhan. "Masaya po pero may luha? Ang gulo niyo naman po Mama Nikki."

Natawa naman ako sa kanya. Itong pagka-inosente niya ang isa sa mga mami-miss ko sa kanya. "Basta masaya lang ako, Buknoy." Tumango na lang siya kahit hindi pa rin niya naiintindihan.

Medyo mahaba-habang biyahe ang tinahak namin. At sa biyahe ay naikwento ni Dos na humingi siya ng tulong sa Black Society para ma-trace ang magulang ni Buknoy. Matagal na pala niyang ginawa 'yon simula nang mag-trabaho siya sa Crime Investigation and Forensic Science Office kung saan nag-cross ang landas nila ni Buknoy.

Matagal daw ang naging paghahanap nila dahil 19 years na ang nakalilipas simula nang mamatay si Buknoy. Tila ang tahimik lang daw ng isyu sa pagkamatay ni Buknoy. Na para bang walang naghanap sa kanya kaya naghalungkat talaga sila sa mga lumang dokumento. At nakita nga nila ang isang reported na missing child. At hindi na nasundan ang kaso ni Buknoy at tila napabayaan na lang ng panahon.

Ilang saglit pa ay huminto na si Dos sa may tabing dagat. Medyo may pagka-probinsiya na ang lugar dahil sa maraming puno sa paligid at gawa sa kahoy pa rin ang mga bahay.

Hinarap naman ako ni Dos. "Dalhin mo muna sila sa pampang. Doon na lang tayo magkita."

Tumango naman ako at inaya na si Buknoy na tumagos na sa kotse. Bumaba naman si Dos at binuksan ang pinto sa likod ng kotse para bumaba na rin si Chopper. Dahil nakikita kami ni Chopper kaya sumunod siya sa akin habang naglakad naman si Dos palayo sa kotse.

Tirik na ang araw dahil tanghalian na. Kaunti lang din ang tao sa dagat. Halos lahat ng bangka ay naka-daong lang sa pampang. Si Buknoy at Chopper naman ay naglalaro lang sa buhanginan. Hindi naman mapapansin ng mga tao na weird si Chopper na tumatakbo na akala mo ay may hinahabol, well hinahabol niya talaga si Buknoy pero hindi naman nila nakikita si Buknoy.

Never Dies Just ChangesWhere stories live. Discover now