Chapter J

5.4K 187 44
                                    

"Ma!" Bulalas ko sa harap nang mama ko.

Nakalimutan ko na buwan-buwan nga pala niya ako pinapadalhan ng grocery dito sa unit ko. Noong nakaraang buwan ay sumama kasi ako sa kanila sa grocery kaya ako ang nagdala na sa unit ko. Hindi ko pa pinapakilala si Kayleigh at malilintikan ako nito kapag nakita niya si Kayleigh sa loob.

Akma na sana siyang hahakbang papasok sa unit ko nang iharang ko ang katawan ko. Kita kong naguluhan si mama sa ginawa ko. Humakbang pa ako palabas ng pinto kaya napa-atras pa siya.

"Ano'ng ginagawa mo?" Takang tanong ni mama.

"Ano, ahmmm..." Sinubukan ko namang kunin ang bitbit niyang mga groceries habang iniisip ang idadahilan ko. "Ako na po ang magpapasok n'yan, 'ma. Madumi kasi iyong unit ko. Hindi pa po ako nakapaglinis."

Hinawi naman ni mama ang kamay ko at muling humakbang palapit sa pinto. "Akin na, ako na ang maglilinis."

Mabilis kong hinarang ang sarili ko sa harap niya sabay ngiti sa kanya. "Matanda ka na, 'ma. Ayokong napapagod ang mama ko so ako na lang ang maglilinis. Akin na 'yang groceries, 'ma. Baka kailangan ka na ni opapa sa bahay."

Sinubukan ko ulit kunin ang groceries pero hinigpitan lang ni mama ang paghawak niya sa handle ng groceries. Sinamaan pa ako nang tingin ni mama. "Ano'ng kalokohan ang ginagawa mo Dosdado Jace? Nag-aadik ka na ba?"

"Ma!" Sita ko sa kanya dahil baka may makarinig. "Mukha ba akong nag-aadik? Hindi nga lubog ang pisngi ko at hindi nga luwa ang mga mata ko. Baka adik sa trabaho."

Tinitigan lang niya ako nang masama at bigla na lang niya akong pinaghahampas sa balikat at ulo ko. Sinubukan kong iligan pero ang bilis ni mama. Kahit na mas matangkad ako sa kanya ay naabot pa rin niya ang ulo ko. Para pa rin kaming bata kung pagalitan niya.

"Isusumbong na kita sa opapa mo, ha!" Patuloy niyang paghampas sa akin.

"Ma---aray!" Patuloy lang din ako sa pag-ilag sa hampas niya. "Wala nga po akong ginagawang masama!"

Kita ko namang napahawak siya sa door knob at pipihitin na sana niya ito nang sumigaw ako. "Ma!"

Napahinto siya sabay tingin sa akin. "Pinagtataasan mo na ba ako ng boses? Ganyan ba kita pinalaki? Ganyan ba ang natutunan mo sa school mo?"

Napailing naman ako agad. "Hindi po. Nadala lang ng emosyon, ma." Napabuntong-hininga naman ako sabay kamot sa noo ko. "Ma, kasi ano..."

Sinamaan lang ako ng tingin ni mama sabay bukas sa pinto. Wala na akong magawa kung hindi hayaan siyang pumasok sa unit ko. Kita ko namang napahinto si mama dahil alam kong nakita niya na si Kayleigh.

Naglakad naman ako palapit sa likod ni mama at kita ko ngang gising na Kayleigh at nakatayo sa may tapat ng banyo kasama si Chopper. Napatingin naman ako sa ibaba ni Kayleigh at napangiti ako dahil suot niya ang boxer shorts ko. Buti na lang dahil ayoko naman siyang iharap kay mama na walang suot na pang-ibaba.

"G-good morning po..." Bati ni Kayleigh kay mama.

Nilingon naman ako ni mama na may matalim na tingin. "Dosdado Jace, ano 'tong kalokohan na ito?"

Napalunok laway naman ako. "Ma, magpapaliwanag po ako---aray!"

Muli naman akong pinaghahampas ni mama ng kamay niya. "Sinabihan ka na namin ng opapa mo na itigil mo na ang pagbayad sa mga babae para sa isang gabing libog mo! Punyeta ka! Maghanap ka na ng girlfriend! Ang tanda mo na puro ganyan pa rin ang hanap mo!"

"Aray! Teka lang po kasi---aray!" Napaatras na ulit ako palabas ng unit ko. Hinimas ko naman ang braso, balikat at ulo kong pinaghahampas ni mama. Ang sakit pa rin ng hampas kahit matanda na.

Never Dies Just ChangesWhere stories live. Discover now