Chapter L

5K 170 46
                                    

"Kung ayaw nila, e 'di hayaan na natin. Baka kasi ayaw mo rin?" Asar ko naman sa kanya.

Tinignan naman niya ako nang masama. "Shut up."

Binata na si gago. Tumawa naman ako sabay gulo ng buhok niya kaya nainis lang siya. Lumabas na ako ng kwarto niya para puntahan na si Kayleigh sa kwarto ko. Pagpasok ko ay kita kong nasa veranda siya at tinitignan lang ang dagat dahil kita ito sa kwarto ko.

Lumapit naman ako sa kanya at yinakap siya mula sa likuran niya. "Sorry kung nabigla ka sa mga plano ko kanina. Pressured lang ako sa parents ko. Ayaw talaga nila na wala kaming plano kapag pumasok sa isang relasyon. Ayaw nila na naglalaro lang kami sa isang relasyon. Since lalake kami, responsibilidad namin na ipakita sa parents namin na deserving kami sa babaeng mahal namin---a good provider sa pamilyang bubuuin namin."

Nilingon naman niya ako sabay hawak sa kabilang side ng pisngi ko habang nananatili pa rin siyang nakaharap sa dagat. "Okay lang. Nabibilisan lang siguro ako sa nangyayari pero okay lang. Sino ba naman ako para mag-inarte pa, 'di ba? Inilatag mo na sa akin ang lahat, at ang gagawin ko na lang ay mahalin at alagaan ka, practikal na lang ako sa panahon ngayon. Saka, ako nga ata itong hindi pa deserving sa'yo."

Nginitian ko naman siya sabay hinarap ko siya sa akin. Sinandal ko pa siya sa grills ng veranda. Inayos ko muna ang buhok niyang ginulo ng hangin. "Mas angat man ako sa'yo financially pero maraming bagay na mas angat ka sa akin, Kayleigh. Pinahanga mo pa rin ako sa'yo kung paano mo kinaya matapos mawala ang mga magulang mo at matapos ng mga naranasan mo sa loan shark. Mas matatag ka pa kaysa sa akin. You're such an inspiration, Kayleigh. Kailangan lang nating matutunang tignan kung ano ang mayroon tayo kaysa sa kung ano ang wala tayo."

Ngumiti naman siya at tumango-tango. "Thank you, ha? Kasi binibigyan mo ulit ako ng pamilya, Dos. Hindi na ulit ako mag-iisa. May makakasama na ulit ako sa buhay."

Nginitian ko rin si Kayleigh. Minsan ang weird ng buhay. Pinagtatagpo ang magka-ibang tao. Siya ay wala ng pamilya at naghahangad magkaroon ng isang pamilya. Ako naman ay may pamilya nga pero wala namang planong bumuo ng sarili kong pamilya. Every once in a while, you meet someone who has the power to completely change your life.

Hinawakan ko pa ang kamay ni Kayleigh at pinag-stay ko lang ito sa ere. May kinuha naman ako sa bulsa ko. Linabas ko ang isang tali at itinali ito sa ring finger ni Kayleigh at binuhol na parang ribbon. Pinanood lang niya ako sa ginagawa ko sa kanya na naguguluhan kung bakit ko iyon ginagawa.

Muli kong hinawakan ang kamay niya sabay tingin sa kanya. "Sorry, wala pa akong singsing, Kayleigh. Pero, gusto ko lang sabihin na, itong ribbon na ito ang tanda ng pangako kong mamahalin kita habang-buhay. Papakasalan kita sa tamang panahon, magsasama tayong dalawa, bubuo ng pamilya, salitang aalagaan ang mga anak natin, at susuportahan kita sa mga gagawin mo pa sa buhay. Mag-aral ka, magtapos ka, abutin mo ang mga pangarap mo at nandito lang ako, aalalay sa'yo."

Tumango-tango naman si Kayleigh sabay ngiti. Nagpatuloy pa ako sa linya ko sa kanya. "I love you and will remain in love with you in our next life. I know you're unaware, but we've already met in a previous life and I shall find you in our next lifetime after this one because we don't have enough time in this life today to spend time with each other, Kayleigh. Will you marry me?"

Kita ko namang namasa ang mga mata niya ng luha. Sinubukan niyang ngumiti kahit naluluha siya. Tumango-tango naman siya. "Sabi mo nga ako, ako ang shabu mo kaya ikaw din ang shabu ko, ang nag-iisang lalakeng mamahalin ko shabuhay ko. Hihintayin kita sa susunod nating mga buhay pero ngayon ang mahalaga. Oo, papakasalan ko ang lalaking nagpakilig sa akin sa court room, na ang gwapo-gwapo habang ine-explain ang mga ebidensya sa mga juries at judge."

Natawa naman ako sa kanya sabay hawak sa magkabila niyang pisngi sabay halik sa mga labi niya. Naramdaman ko naman ang mga braso ni Kayleigh na pumulupot sa katawan ko para yakapin ako. Sumagot naman si Kayleigh sa halik ko.

Never Dies Just ChangesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora