Chapter 1

44 4 0
                                    




Natatanaw ko na ang sasakyan na susundo sa akin mula dito sa airport. Binuksan ko na ang phone ko at nakita ang mga messages ni Keegan, isang oras na ang nakalipas.



Napasinghap ako dahil ngayon na lang ulit ako nakabalik.



Sa Pilipinas.



Kahit kontrolado ako ng mga magulang ko, naging masaya pa rin ako sa Beijing. Ngunit ibang iba talaga ang pakiramdam ko sa tuwing babalik ako ng Pilipinas.



All of the unforgettable memories ko ay nandito.



Sumakay na ako sa van na inihanda ni Keegan para sa akin. Tinanong ako ng driver kung tutuloy na ba ako sa condo na tutuluyan ko but I insist na pumunta muna sa isang lugar.



May kailangan pa akong makausap.



It took almost two hours nang tumigil sa isang eskinita ang van. Bumaba na ako at tumungo na ako para magtanong sa mga tao na makikita ko.  May isang matanda ang nagwawalis sa bakuran sa tapat lang rin ng bahay niya.



"Excuse me po, pwede po magtanong?"



Tumigil sa pagwawalis ang matanda at nilapitan ako.



"Ano iyon, ija?"



Nilabas ko ang picture ng kapatid ko. It was taken three years ago. "Kilala niyo po ba siya?"



Tiningnan niya ang picture at sinuri, bago siya muling tumingin sa akin.



"Si Amara, kakilala mo ba siya?"



Nabuhayan ako ng loob dahil nakilala niya ang si Ate Amarantha.



"Dito po ba siya nakatira?" 



"Nasa dulo ang apartment niya. Lumiko ka doon banda sa may mga halaman, pagkatapos ang pang-apat na bahay ay sa kanya na."



Tumango ako ng matapos na ipaliwanag ng matandang babae ang apartment sa may dulo ng eskinita. Hindi masyadong kalakihan iyon pero napapalibutan ng mga halaman sa labas.

PahimakasTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang