Chapter 8

11 3 3
                                    



"Amaris, napag isipan mo na ba kung anong club yung sasalihan mo?" tanong ni Cali.



Nandito kami ngayon sa library. May nakita kasi akong book about astronomy kaya niyaya ko si Cali na samahan akong magbasa, free time din naman namin dahil hindi pumasok ang isa naming professor.




"Required ba? Paano naman kung hindi talaga ako interesado sumali sa kahit anong club?"



"Sports? Kasali kami sa volleyball team ni Benjamin habang si Lia naman babalik daw siya sa cheerleading."



"Hindi naman ako mahilig sa sports. Kahit noong nasa Beijing pa ako, wala akong sinasalihan na mga club." 



"Ehh? Ang boring kaya pag bahay at school lang...mas okay kasi if abala ka rin sa ibang bagay."



"Busy naman ako sa ibang stuffs. Hindi nga lang about sa school." Natatawang sagot ko.



"How about joining the student council? Diba magkakilala naman kayo ni Gavin?"




"Ayaw ko." Mabilis kong pagtanggi.




I don't want to get involved with him, anymore. Hindi dahil sa galit ako sa kanya kundi dahil sa sa mga nangyari, kaya naman ayaw ko muna siyang makita dahil baka ikwento niya lang sa akin kung anong ginagawa ng ate ko. Masama pa rin ang loob ko sa mga ginawa ni ate sa akin.



"Ang hirap mo naman pilian ng club. Anong mga hobbies mo or saan ka interesado?" pangungulit ni Cali.




"Ayos lang ako, Calisto. 'Wag mo ko masyadong alalahanin, yung pagsama ko nga lang sa inyong tatlo, sapat na." Nakangiting sambit ko.




Napatungo naman si Cali sa table habang nakaharap sa akin, parang stress na siya na hindi ko maintindihan.



"Ayaw ko lang naman na you feel left out ka sa group. Lalo pa at madalas na magasaran yung dalawa. At saka kapag nag start na yung training namin, hindi na tayo madalas magkita kita." Paliwanag niya.



Napangiti ako dahil sa sinabi ni Cali. He's so nice to me, actually silang tatlo naman. I'm really grateful to have them in my life. They are so pure and genuine towards me.

PahimakasWhere stories live. Discover now