Chapter 4

24 3 0
                                    



"Amaris, it's been a while..." nakangiting sumalubong sa akin ang isang matandang lalaki.



Pinasadahan ko ang suot niya. He's wearing a Chinese cloth in the Republican era of China.



Ngumiti rin ako sa kanya at binati siya.



"Good morning po, Sir.." I said.



"Don't call me that way. Your grandfather will be upset, uncle na lang."



"Matagal na po ba kayong naghihintay?" I asked.



Almost thirty minutes na akong late sa oras ng usapan namin dahil nag commute lang ako. Day off ni Finn kaya walang maghahatid sa akin.



"I've been waiting for decades, ija..."



Hindi ako sigurado pero parang may iba pa siyang pakahulugan tungkol sa sinabi niya.



Hindi ko na lang iyon pinansin dahil tumuloy na kami sa loob ng museum. Hindi maalis sa akin ang mamangha sa mga bagay na nandito sa loob.



It is full of different Chinese artifacts and clothes from different eras. Mayroon din akong nakitang ancient Chinese weapons and the clothes that are worn by the royal family.



"This place was a gift for you from your grandpa.." nagsalita muli si uncle kaya naman nilingon ko siya.



"Regalo? Para po saan?"



Hindi ako makapaniwala. Walang nabanggit si Lolo about giving me this kind of gift.

PahimakasOù les histoires vivent. Découvrez maintenant