Chapter 5

22 3 1
                                    



Gosh! I'm so late for my first subject. Hindi ako mapakali habang nakasakay sa kotse. Nasa harap naman si Finn at nagmamaneho.



"Wala bang mas mabilis na route papuntang university? Late na ako." Reklamo ko.



Naabutan ata kami ng rush hour dahil traffic na. Nakakainis! Sana pala natulog ako ng maaga. Kasalanan ko talaga dahil mas inuna ko pang manood ng drama kaysa matulog.



"Young lady, hindi ko pa alam ang pasikot sikot dito...pasensya na po."



I sighed. "Itigil mo na. Maglalakad na lang ako." ang sabi ko.



"Young lady, delikado po." Pigil niya sakin.



"Finn, I'm okay. Sumunod ka na lang kung gusto mo. Hindi ako pwedeng mahuli sa klase." Ang sabi ko bago bumaba sa kotse.



Nilakad ko na lang ang kahabaan ng kalsada. Medyo malayo pa ang university kung nasaan kami pero mas mabuti na ang maglakad kaysa ma stock sa traffic. Nakarating naman ako but I was ten minutes late.



Nakita ko ang guard at bumati lang ako. Agad akong pumasok, walang mga students ang nakatambay pa sa mga bench at nagpapagala gala.



Ibig sabihin lang nagsimula na talaga ang klase.



Bigla kong naalala yung mga sinabi sa akin ni Cali.



Nararamdaman ko na rin ang pawis ko sa aking noo. I was so nervous and anxious. Double kill ako kapag nakita ako ng Student Council President at the same papagalitan rin ako ng professor namin.



"You're late for your morning classes."



Nanlaki ang mata ko dahil sa boses. Pero hindi ko ipinahalata, nasa likuran ko naman siya. Pwede ko naman siyang takasa-



"If you're trying to escape, another rules ang malalabag mo. More mistakes, the heavier the punishment will be."



Napalunok na lang ako. 'Wag mong subukan, Amaris. Sumuko ka na.




Napakatahinik ng paligid kaya naririnig ko talaga ang bawat paghakbang niya.

PahimakasWhere stories live. Discover now