Lea's POV
Hindi ko pa rin alam kung paano kami napapayag ni Vice na paunlakan ang pag-guest dito sa kanyang show pero I was assured naman na kapag hindi maganda ang kinalabas nito ay hindi ipapalabas. Napag-usapan na rin namin ni Aga kung anong mga bagay ang aking ididisclose dito and besides, I trust Vice. Pero pag-console ko lang iyon sa sarili dahil for the first time in a long time, ngayon lang ulit ako kinakabahan ng ganito. Maraming lumalabas na fake news tungkol sa pamily namin lately and as much as possible ay ignore na lang lahat iyon pero that's not me. Kung walang katotohanan ang isang bagay ay sinasagot ko agad kasi nakakairita. Kaya iyon pa siguro ang isang dahilan para pumayag na rin ako rito.
"Sobrang napakatahimik ng Muhlach Bunch lately, pati mga official social media accounts niyo ay walang masyadong interesting updates." Pahayag ni Vice sa kanyang show. This would be my third appearance sa GGV if it will be aired.
"Well...let's start with the twin's birth. Gusto kong maging hands-on mother to my youngest children since I wasn't able to do just that when I had Kenneth and Kyra and part of our agreement is to minimize posting about our activities in social media and besides there is nothing interesting happening lately."
"Ows?" makahulugang sabi ni Vice. "Ang dami ngang lumalabas na rumors e."
Those rumors aren't entirely false and not entirely true. Napangiti na lang ako dahil two months ago ay nagkaroon na rin kami ng closure nsa isang chapter ng buhay naming mag-anak. Everything is back to normal and I'm very grateful that we were able to find that pacing wherein my children would be comfortable with.
"Balita ko bumalik na daw ang panganay niyo?" Wika pa ni Vice nang hindi ako umimik.
"Ha?" Patay-malisya kong tanong.
"Ay wait di ko pala sure kung sino nauna sa kanila. Sino na nga ulit, si Rohan ba or si Roan?" tanong ni Vice. Napakunot-noo naman ako kasi alam ni Vice kung ano ang tunay na nangyayari sa pamilya namin because apparently, he's been in contact with Kendra. At iyong tanong niya ay tungkol talaga kay Kendra. Magaling lang magdivert ito ng topic e.
"Ang panganay namin ay si Kendra." pag-amin sa unang pagkakataon. Of course, nagulat ang mga nasa studio, nagkaroon ng bulong-bulongan until may isang audience na hindi nakatiis at napasigaw.
"Ha? Sino ho iyon?" Maang-maangang tanong ni Vice.
"Kendra Villaverde is my eldest child." Tuwid at matatag kong wika. I no longer care kung ano ang magiging acceptance ng mga tao or how would they even perceive this basta ang importante sa akin ngayon ay lumabas ang katotohanan at maitama ang mga mali.
"O saglit lang!" Awat ni Vice sa mga tao sa studio. "Tahimik! Paano niyo malalaman ang buong detalye kung hindi niyo papakinggan si Ms. Lea?" Pagalit na sigaw ni Vice. At effective naman dahil nagsiupuan ang mga audience at naghintay sa susunod na mangyayari.
"So, Ms. Lea...ano po ba ang ibig mong sabihin kanina? Biological daughter mo po ba si Kendra Villaverde? Or tinuturing lang na anak?" tanong ni Vice na nakaunot-noo pa, animo'y walang kamuwang muwang sa totoong ganap. Ang galing ng acting ng baklang toh!
"Okay, after this episode ng GGV I'm pretty sure bubulagin kami ng intriga. But we have in numerous rumors these past months and I think that ends now. I want to be honest with everyone kasi as much as we want to keep this to ourselves ay masyado nang overdue ito. So the truth is, Kendra Villaverde is really our long lost daughter. And I mean biological daughter. It's a very long story and we would appreciate it if everyone would just accept it without too much prying. Kendra is not here in Philippines, thank God for thar. And we aren't sure if this would be okay with her."

YOU ARE READING
Parent Trap
FanfictionAga and Lea are married for fifteen years now, been together for ten years and spent five years apart, no communication and no news regarding each other until their children decided to take action because they can't take it anymore. Second arc: The...