Blast from the past..

2.7K 80 27
                                    

Roan's POV


Rohan and and I blinked at each other upon hearing those words.


"Your wife is three weeks pregnant.."



"....pregnant..."




"...pregnant.."

O_O

When the news finally sinked in, impit kaming napatili ni Kambal at sabay na nagtatatalon sa may hallway ng ospital.


Gusto naming sumigaw at tumawa ng malakas pero hindi namin magawa simply because we are inside a hospital.



Napalingon kami kay daddy, at ayun nakatingin din siya sa amin. He's smiling like a fool.


Abot tainga ang ngiti, nagniningning pa ang mga mata at halatang ang saya saya talaga niya.


Sabay kaming tumakbo ni Kambal patungo kay dad at yumakap sa kanya ng mahigpit.


"Finally!!! Magkakaroon ng kami ng kapatid. I can't wait." Naluluhang sabi ko.


Noon ko pa kasi gustong magkaroon ng baby sister. Meron na akong super bait at supportive na brother kaya sister naman ang wish ko this time.


"Sana baby boy.." narinig kong bulong ni kambal.


"No, I want a baby sister..." sabi ko naman.


"Boy!" Diin ni kambal.


"Girl!" Sabi ko din.


"Teka, nag-aaway ba kayo?" Natatawang tanong ni daddy. "Why wish for only a boy or girl when you can pray for both?"


Ha? mas greedy pala si daddy e.. hehe.. isa lang ang hinihingi namin pero gusto niya dalawa.


"O sige, sana.... twins!" I squeal.


Ooppps...Pinagtinginan kami ng mga tao.


"Pasensya na po kayo, masaya lang po ang anak ko." Hinging paumanhin ni daddy dun sa nagreklamong pasyente at pati na rin sa mga nurses.


"Sorry." I mouthed and smiled cheekily at dad.


"Why don't we go to your mom's room and share the good news?" Sabi ni dad.


Mabuti pa nga.


"Di ba dapat si mommy ang nagseshare ng balita imbes na tayo?" Sabi ni Rohan.


"Sa hindi alam ng mommy niyo e."


"Si mommy hindi alam na buntis siya? I don't think so." I said.


"Bakit may alam ka ba, anak?"


"Wala naman, dad. Pero my gosh naman, si mommy po yun. Ang tali-talinong tao, imposibleng hindi niya nakita ang signs and magpapadoctor po yun agad sa unang senyales pa lang." Sabi ko.


"Parang andami mong alam sa mommy mo a."


"Hehe.. di naman, Dad. Hunch lang." I said.


"You said those words with certainty kaya I'm sure na may alam ka. May sinabi ba sayo ang mommy mo?"


"Wala po." Tanggi ko.


But I heard her one time na may kausap sa phone. Hindi ko masyadong naintindihan ang pinag-uusapan pero sigurado akong doctor yun kasi tinawag siya ni mommy na "Doc".


Parent TrapWhere stories live. Discover now