3 ♠ Prinsipe ng Higerra

4K 215 166
                                    

HIGERRIAN EMPIRE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HIGERRIAN EMPIRE

"MAHAL na Prinsipe Dustin!" sigaw ng isang makisig na lalaki. Mukha itong isang dukhang palaging laman ng lansangan. Nakasuot ito ng pares na kupasing kulay putik na pantalon at puting polo na mahaba ang manggas. At tinernuhan pa ng tsaleko na kakulay din ng suot na pantalon. Maging ang makapal nitong kulot na buhok ay halos tumakip na sa mukha ng lalaki.

"Mahal na Prinsipe!" muli nitong tawag sa prinsipe.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Prinsipe Dustin ng kabayo kaya hindi niya ito kaagad na napansin. Nakita niyang tumatakbo ito papalapit sa kanya nang ihinto niya ang kabayo sa tabi ng daan.

"Heto po ang damit niyo." Habol nito ang paghinga nang i-abot sa kanya ang nakatuping tela na hawak.

Bumaba siya sa kabayo pagkuwa'y kinuha iyon.

"Salamat Peter," nakangiti niyang saad.

"Halika, dito ka magbihis," anito. At iginiya si Prinsipe Dustin sa isang maliit na kubo sa tabi ng daan.

Halos yumukod si Prinsipe Dustin sa ginawang pagpasok sa kubo dahil sadyang napakaliit niyon. At sa tangkad niyang anim na talampakan ay hindi na nga nakakapagtaka pang kailangan niyang yumukod. Isa pa, isa lamang iyong tambakan ng mga dayami.

Pagpasok doon ay kaagad niyang sinimulang tanggalin ang suot na maduming damit.

"Siya nga pala, kumusta naman ang pagpunta mo sa imperyo ng Kris, Mahal na Prinsipe?" tanong ni Peter habang pinapanood siyang magbihis.

Isa lamang malalim na buntong-hininga ang naging tugon niya.

Namalagi siya sa imperyo ng Kris sa loob ng dalawang araw upang magmanman at mag-imbestiga ngunit wala naman siyang napala. Tila palaging handa ang imperyo ng Kris at malinis sa lahat ng bagay kaya wala siyang napalang ano mang magandang resulta sa kanyang pagpunta roon.

Tatlong araw din ang iginugol niya sa paglalakbay pauwi at mahigit isang linggo na siyang wala sa kanilang imperyo.

Kahit pa sabihing dumaan nga siya sa lugar kung saan mas mapapadali ang kanyang paglalakbay patungong Kris ay natagalan pa rin siya dahil sa hindi birong layo niyon. Tanging ang kanyang kabayo ang gamit niya sa paglalakbay dahil kung karwahe nama'y baka abutin pa siya ng ilang linggo sa daan.

Tanging siya lamang at ang tagapag-silbing si Peter na itinuturing niyang kaibigan ang nakakaalam ng lihim niyang pag-iimbestiga sa imperyo ng Kris. Hindi maaaring may makaalam ng kanyang ginagawa dahil masisira ang lahat ng plano niya.

Mabilis ang ginawa niyang pagbibihis dahil sa pagkawala niya ng ilang araw ay tiyak na hinahanap na siya sa palasyo. At hindi siya maaaring makita ng mga tao sa palasyo nang nakasuot ng tila basahang damit.

"Papaano na, Mahal na Prinsipe? Hindi ka na maaari pang bumalik-balik sa imperyo ng Kris dahil baka makahalata na ang Mahal na Emperador at higit sa lahat... Ang kapatid mong si Prinsipe Adam!" nag-aalalang saad ni Peter.

Krisian Princess "The Battle of Four Empires"Where stories live. Discover now