Kabanata 21

55 4 0
                                    









    Davina's P.O.V

    'Diko alam kung ilang kamatis ba ang kinain ko ngayong araw, feeling ko  sa bawat outfit na suot niya nag-iinit ang mga pisngi ko. I'm just hiding it alangan naman ipahalata ko. Ang dami kong nabili na mga damit para sa kanya, syempre we both didn't know kung kailan ang kasal, so I should be prepared since ako naman may pakana ng kasal na'yun.

    Kasalukuyan kaming naglalakad pa dito sa mall, its 1:43 PM pero 'di parin ako nakakaramdam ng pagod, nay mga kasama akong tauhan if ever na sugidin man ako or may mangyari.

    Wala sila ngayon nasa iba't ibang bahagi sila ng mall, pinaghiwalay ko kasi mahahalata kapag kasama ko silang lahat.  Basta i know nandito lang sila, minsan nga hindi ko na sinasama ang mga iyun, minsan kasi ang t*t*nga eh, nakakapang-init ng ulo lalo.

    "Tara kain muna tayo" suhestiyon ko, hindi pa kasi kami nagtatanghalian and since nandito na kami sa loob ng mall ay dito na lang kami kakain.

    "Grabe ang dami nitong binili mo sakin, are you sure 'di naubos yung laman ng card mo?" Pag-aalinlangan pa nito, hayyst Ethan Buenaventura.

    "S'yempre hindi, ako pa ba? Hahah don't worry about it, ayoko rin mag-isip about sa pera na nagastos ko for you, it doesn't matter it's a piece of cake!" Sagot ko, at inakbayan ito kahit na mas matangkad siya sakin, agad naman akong nainis dahil hindi man lang nag-adjust na yumukod ito para naman maayos ko siyang maakbayan.

    "Bakit?" Nattaka nitong tanong, habang ang kanang kamay ko ay nakapulupot sa leeg niya, tapos mas matangkad siya sa'kin so nagmumukha akong ewan ngayon.

    "Lean down j*rk,  tingin mo abot kita"

    Napakamot ulo ito at maliit na yumuko, bahala siya magdala ng mga shopping bags, wala akong gana magdala ngayon. Naglakad na kami papasok sa isang sikat na French Restaurant, labas pa lang makikita mo na ang magandang quality ng buong lugar.

    Nang makaupo kami, may mga nakahanda nang menu kaya naman 'di na ako nag-atubiling tignan ang mga iyun.

    Gutom na kasi ako and i know pati ang kasama ko hayyyst medyo complicated ang menu may ibang french words na hindi ko alam if ano bang meaning. Kaya ang mga pinili ko yung naiintindihan ko, madami kasing portions.

    "Davina, ikaw na bahala ng akin ah, wala kasing english at wala akong maintindihan"

    "Noted, maybe itong barbeque steak na lang ang sa iyo, along with a brussel sprouts couscous salad and also I think gano'n nalang rin akin" sambit ko, agad akong tumawag ng waiter para maasikaso na. Medyo hindi naman gaano karami ang mga tao ngayon so mabilis rin akong napansin.

    Sinabi ko sa waiter ang mga order namin, I ordered some dessert too para naman hindi kami maumay at syempre may panghimagas.

    "Thank you davina"

    "Ano kaba, wala iyun it's my gift na rin for you and syempre kailangan yun dahil anytime kapag ikasal tayo"

    Nakita kong ngumiti ito at napayuko, his blushing again absolutely adorable. 

    "Stop blushing, natatawa ako haha"

    "Paanong hindi ko gagawin eh ang lakas ng impact mo sakin"

    "So it's my fault?"

    "Yes, masyado kang mabait"

    Hahaahah what's the matter with that? Is he really impress about me as like this? Mga ilang minuto pa ang lumipas ay wala pa ang order namin kaya naman napag-isipan namin na magkwentuhan na muna. And pag-usapan ang mga bagay na dapat pag-usapan.

Lost In Hatred And Revenge ( HITP Book 2 ) { ON-GOING }Where stories live. Discover now