Kabanata 3

0 0 0
                                    

Kabanata 3

Picture frame






Tumaas nang bahagya ang kilay ko habang nakatingin sa kulay pulang rosas na hawak hawak ko na ibinigay sa akin kanina nung bata, na inutusan lang din.




"Ayan talagang si Petong hindi na natuto! " natatawang komento ni Nida.




Binasted ko kasi si Petong, nakailan na rin iyon ng subok sa panliligaw sa akin pero palaging basted. Pero ito na naman siya, nanliligaw na naman.



Iiling-iling kong binaba sa lamesa ng kusina ang rosas. Nakita ko pa ang pagkunot ng noo ni Nida dahil sa ginawa ko.




Nangamot siya ng batok. "Alam mo ikaw, Georgina. Baliktad din ang utak mo! May kaya si Petong, maasim lang ang pangalan niya. Mapera siya, huwag mo lang tingnan ang mukha! "



Umiling ako kay Nida. "Hindi ko kailangan ng lalaki, Nida, para lang yumaman. At kahit pa man mahirap siya at kung hindi ko naman mahal ay wala rin... "



Napairap si Nida dahil sa mga sinabi ko at para sa kaniya ay napaka corny niyon. "Haynaku, Georgina! Sinabi ko na nga sayo na hindi nabubuhay ng pag ibig ang isang tao! Minsan kailangan mo ring kumapit sa patalim," kulang nalang ay isampal na sa akin ni Nida ang mga iyon.




Umiling ako at kinuha ang panlinis ng kwarto. "Ewan ko sayo, Nida... Maglilinis na nga lang ako, at kung gusto mo si Petong dahil sa mayaman ang pamilya nila, bakit hindi nalang ikaw ang sumagot doon at pakasalan mo at ayain mo na ring makasama sa pagbuo ng pamilya. " nginiwian ako ni Nida dahil sa sinabi ko habang si Nica naman na naghihiwa ng carrots ay natawa.


"Ayaw ko nga! Ayaw kong makakita ng hindi kaaya aya sa umaga ko! At baka maging kamukha pa niya ang mga magiging anak ko! "

"Ayaw mo naman pala tapos pinagtutulakan mo pa sa akin si Petong. " sabi ko at iniwan na sila sa kusina at umakyat na sa staircase at huminto sa tapat ng kwarto ni Senyorito Leonard.



Kumamot ako sa batok ko at humugot nang malalim na buntong hininga bago hinawakan ang doorknob para mabuksan ang kwarto niya.




Wala naman si Senyorito Leonard dahil pumasok daw ito, kaya malaya akong makakapag linis. At isa pa ay ayaw din kasi ni Senyorito Leonard na may pumapasok na tao sa kwarto niya, kaya hindi siya nagpapalinis. Dahil siya na mismo ang naglilinis ng kwarto niya.






Sa pag bukas ko ng pintuan ay sumalubong na kaagad sa akin ang mabangong kwarto ni Senyorito Leonard at malinis.



Ni gusot sa bedsheet ay hindi nakaligtas, maging ang mga alikabok nang pasadahan ko ng daliri ang study table niya.




Napakamot ako sa pisngi ko. Ano namang lilinisin ko rito?


Malaki ang kama ni Senyorito Leonard at kulay itim na hindi naman sobrang itim maging ang pintura ng kwarto niya ay itim din, maayos ang pagkakalagay ng mga libro sa mga bookshelf nito. May computer sa study table at may notebook pa na may lock sa gilid. Nangunot ang noo ko ngunit nawala ang atensiyon ko doon nang marinig ko ang pag tunog ng lock sa pinto, nalock ako!


Huh? Pero paano iyon eh nasa loob ang lock-an at hindi ko alam ang password! Namilog ang mata ko at nakaramdam ng takot na baka mapagalitan ako ni Senyorito Leonard dahil pumasok ako sa kwarto niya at nalock pa nga yata.



"A-ano ng gagawin ko? " nanginginig kong sinabi dahil sa takot.




Malakas din ang tambol ng dibdib ko, napaupo ako sa malambot na kama ni Senyorito Leonard at pinakalma ang sarili para makapag isip ng maayos.




Pulled me Close (Rush Beast Series#3) Where stories live. Discover now