Kabanata 1

2 1 0
                                    

Kabanata 1

First




"Nakakatakot ang lalaking iyon para niya akong papatayin dahil sa mga titig niya," nakanguso kong sinabi habang nagtatampisaw sa ilog.



Pinaglaruan ni Nida ang tubig nang tingnan ko siya. May munting ngiti din ang sumilip sa mga labi nito.




"Hindi naman nakakatakot si Senyorito Leonard nagambala lang talaga natin kasi ang pag aaral niya," paliwanag niya pero alam ko namang ipinagtatanggol lang niya ang lalaking iyon sa akin. Kasi type niya! Parang nakalimutan niya na may boyfriend siya.




Nangunot ang noo ko. Umawang ang labi ko at gulat na tumingin kay Nida. "Siya si Senyorito Leonard?! " hindi makapaniwala kong tanong kasi parang kanina lang ay pinag uusapan nila ang lalaking iyon.



Kagat labing tumango si Nida. "Oo. Bakit? Ang gwapo niya 'no? " nakangiting sinabi pa nito.



Oo, gwapo. Kaso suplado!




Ngumiwi ako. "Hindi ang sungit kaya niya! " padabog na tumingin sa akin si Nida na ikinagulat ko.




Natawa naman si Nica dahil sa naging reaksiyon ni Nida.




Nagsalubong ang kilay ni Nida. "Hindi siya masungit! Sadyang ayaw lang niya na nagagambala ang pag aaral niya!" dahilan pa nito pero alam ko namang ipinaglalaban niya talaga ang rason ni Senyorito Leonard kung bakit ito masungit kanina at nakakatakot.



"Suplado siya. " wika ko.




"Hindi kaya! " lumabas ang ugat ni Nida sa leeg at nakikita ko sa mukha niya na ayaw niyang iniinsulto si Leonard.



Nagkibit balikat ako at inosenteng bumaling sa tubig. Hindi na muling nag salita si Nida pagkatapos ng pagtatanggol niya kay Senyorito Leonard. Ngunit nararamdaman ko ang pagtitig nito sakin.




"Alam mo ikaw, Georgina.
Sayang ka... " sabi nito bigla.




Nag taas ako ng mukha upang tingnan siya dahil sa bigla nitong pag sabi ng mga katagang iyon.



"Ano? Paano naman ako naging sayang? " tumawa pa ako bahagya.



Seryoso lang akong tinignan ni Nida. "Maganda ka, Georgina. Panigurado ako na maraming lalaki ang maakit sayo kahit tingnan mo pa lang sila sa mga mata mong tila nangungusap ay bibigay na sila. " lumalim ang gitla ng noo ko dahil sa mga sinabi niya.




Sumingit si Nica. "Ano bang pinagsasabi mo diyan kay Georgina, Nida? Don't tell me mangaakit si Georgina para yumaman? Mag hahanap siya ng sugar daddy?!"  Kinaltukan ni Nida si Nica.



"Boba hindi!"



"Eh ano nga?" Inis na sabi ni Nica sa kapatid.



Tumingin ako kay Nida. "Oo nga, bakit napunta doon ang usapan? "





Tinitigan ni Nida ang mukha ko. "Akitin mo sila Georgina—"



"Ano?! Ayaw ko nga! " angil ko.



Inirapan ako ni Nida. "Iniisip mo pa rin ba na may love pa rin sa panahon ngayon bago ang init ng katawan? " may bahid ng sarkastiko sa boses nito.




Tumulis ang nguso ko at biglang sumeryoso. "Meron pa 'yan, Nida. Baka malay mo nasa tabi tabi lang... "




Umiling si Nida dahil sa sinabi ko na tila pangit pakinggan para sa kaniya. "Sa panahon ngayon, Georgina. Init na ang nauuna, isipin mo. Kapag nakadawit ka ng mayaman ay makakapag aral kana ulit! "





Pulled me Close (Rush Beast Series#3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon