Kabanata 4

2 0 0
                                    

Kabanata 4

Deserve





Hindi gusto ni Senyorito Leonard ang gustong mangyari ng magulang niya sa kaniya. Nabuhay siya para sumailalim sa kagustuhan ng mga magulang niya at isakripisyo ang mga kasiyahan niya. Ayon agad ang sumagi sa isip ko habang nakatingin sa galit na ekspresyon ni Senyorito Leonard kanina sa hapag.



"Ano kaba Georgina nahihibang ka lang! Gustong gusto kaya ni Senyorito ang mag aral nakikita mo naman siguro kung gaano siya ka determinado sa pag aaral para makamit ang pangarap niya?" sagot ni Nida.


Bumuntong hininga ako. "Pangarap ng magulang niya, Nida," madiin kong sinabi.



Hindi naman sa tutol ako sa gusto ng magulang niya para sa kaniya pero na aaawa kasi ako kay Senyorito.



Tumigil sa pagsasampay si Nida at nilingon ako at kita ko ang pagdududa sa mga mata nito.


"At kailan kapa nagkaroon ng pakialam sa buhay ng iba, Georgina? " tumigil ito sa pagsasalita at tila may napagtanto, nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa akin. At hindi ko gusto ang gano'ng klase ng tingin niya sa akin.


"Huwag mong sabihing gusto mo na si Senyorito Leonard?! " nangunot ang noo ko at tinampal ang braso ni Nida dahil baka may makarinig sa maling paratang niya.


Umiling ako at tiningnan siya ng masama. "Hindi iyon yun, Nida! Gusto ko lang naman ilabas ang sinasabi ng utak ko," kalmado kong sinabi at nag iwas ng tingin sa mga mata niyang nangdududa pa rin.



Tinaasan ako nito ng kilay. "Hindi ang puso? " ako naman ngayon ang napataas ng kilay dahil sa tanong niya.





Marahan akong umiling at tumalikod. "Hindi ko gusto ang Senyorito, Nida. Concern lang ako sa kanya... " mahinahon kong sabi ngunit






Malisyosa akong tiningnan ni Nida at inirapan. "Oo na. Sinabi mo eh," pagsuko niya.




Matapos ang engkwentro naming iyon ni Nida ay lagi ko ng napapansin na lagi kong tinitingnan si Senyorito Leonard mula sa malayo.





Naiisip ko pa rin iyong galit sa mukha niya at pag ka di gusto.





Pakiramdam ko hindi siya masaya at parang may mga bagay pa siyang gustong gawin na hindi niya magawa.





Kawawa naman siya....






"Quit staring." Napakurap ako nang maulinigan ang inis sa tono niyang sita sa akin.





Bigla akong nakaramdam ng hiya at kagat labing nag-iwas ng tingin sa kaniya.




Napanguso ako at ramdam ko sng pagtitig niya sa labi ko kaya kumabog na naman ang dibdib ko.




"Pasensiya napo..."




Pailalim akong tumingin sa kaniya at nakita ko ang nakataas na kilay niya sa akin at kagat-kagat ang pang-ibabang labi.





"Why are you here and staring at me?" Napa ha ako sa kaniya dahil sa tanong niya.





Englishero pala siya!





Paktay! Hindi kasi ako nakakaintindi ng ingles! Grade 2 lang ang natapos ko.





Nahihiya akong napaiwas ng tingin kay Senyorito na biglang tumikhim.





Pulled me Close (Rush Beast Series#3) Where stories live. Discover now