Simula

7 1 0
                                    

There you'll be by Faith Hill

Simula












Wala na akong magulang. Iyon ang laging sinasabi sa akin ng tiyuhin ko no'ng bata pa ako na palagi kong tinatanong sa kaniya.

Mahirap lang kami at baon din sa utang ang tiyuhin ko. Panay siya inom at lagi siyang nag susugal. Ni pag aaral ko ay hindi niya nabibigyan ng atensyon.

Nakapag-aral nga ako pero grade three lang. May kaonti naman akong kaalaman na natutunan pero hirap akong makaintindi ng english ng kaonti, at kahit pa man malaki na ako ay gustong-gusto ko pa ring makapag aral. Pero paano eh wala nga kaming pera? Dahil kung magkakasalapi man ang tiyuhin ay paniguradong isusugal niya lang iyon.

At kapag wala na siyang pera ay magagalit na naman siya sa akin at sisisihin niya na naman ako.



Nananakit ang tiyuhin ko. Pero hindi ako lumalaban, dahil may utang na loob pa rin ako sa kaniya.


Hindi lang dahil doon. Dahil siya na lang ang kadugo kong matatawag kong akin. Dahil tinatakwil si Mama ng mga kamag-anak niya ang mga tiyahin ko at lolo ko noong mga panahong ipinagbubuntis niya pa lang ako. Kwento sa akin ni Lola, pero pumanaw na ito.

Tinitiis ko lang ang pananakit sa akin ni Tiyo dahil ayaw kong palayasin niya ako, at gusto ko siyang maalagaan kahit sinasaktan niya ako. Dahil alam kong darating ang panahon na ititigil na niya ang gawain niyang iyon. Nag-aalala ako sa kalagayan niya kasi may sakit siya sa baga pero nag-iinom pa rin. Baka lumala lalo.

Kaya nag tra-trabaho ako bilang katulong sa mga Bilarmino.

Kilala ang pamilya na ito dahil sa dami ng mga negosyo nila na lagong-lago talaga. Mababait naman ang mga Bilarmino, lalo na si Donya Sonya at ang asawa nitong si Don Remus.

Kaso hindi ko pa masyadong kilala ang mga apo nito, pero ang apo nilang lalaki ay halos kilala ko na. Dahil palagi silang bukambibig ng lahat lalo na sa mga katulong na babae na humahanga sa kanila.

"Ang gwapo talaga ni Senyorito Leonard kaso study first daw ang status! " sabi ni Nida at maharot na humagikhik.

"Aba'y oo! Sayang nga eh. Aral na aral, kung ako sa kaniya titigil na ako dahil nakakastress kaya ang pag aaral at mambabae na lang! " gatong naman ni Nica at nakipag apir pa kay Nida.

"O kaya pag sabayin niya na lang! Ahh! " hirit ni Nica at nakipag-apir pa kay Nida. Magkapatid sila, kaya alam niyo na kung bakit sila ganiyan ka hyper.

"Tumpak! Ang harot natin! " natatawang sabi pa ni Nida.

Napailing nalang ako at itinuon ang atensyon sa paglalaba sa ilog.

Hinahampas ko ng kawayan ang damit na mabula.

Naramdaman ko pa ang pag lingon sa akin noong dalawa.

Pinagkrus ni Nida ang mga braso at napailing-iling. Nilingon ko siya dahil doon. At nakita ko ang mga mata niyang nakatuon sa mga pasa ko sa braso at sa gilid ng aking labi.

"Sinaktan ka na naman ba ng tiyuhin mo? " seryosong tanong niya na ikinatigil ko.

Hindi ako nagsalita kaya pinilit niya ako. "Maria Georgina Santos, sumagot ka," may pagbabanta sa boses nito.

Lumunok ako ng laway. Kapag kasi nagagalit siya ay binabanggit niya ng bou ang pangalan ko.

"Umh.... H-hindi naman n-niya ako s-sinaktan." utal-utal kong paliwanag sabay iwas ng tingin.


Pulled me Close (Rush Beast Series#3) Where stories live. Discover now