Kabanata 6

5 0 0
                                    

Kabanata 6

Nag-aalala










"Ang tanga mo!" Isang sampal ang dumapo sa pisngi ko sanhi ng pagka tumba ko.



Umiiyak kong sinapo ang pisngi ko, para akong namanhid sa pagkakasampal sa akin ni Tiyo.



Hindi pa roon nagtatapos ang lahat dahil hinawakan ako nito sa damit ko at marahas akong hinila palabas ng bahay. Halos mahubaran na ako sa rahas ng pagkakahawak niya sa damit ko, kulang na lang ay mapunit na.



Umiiyak akong nagmakaawa sa kaniya na tumigil na siya pero tila yelo siya at walang naririnig.




"Tiyo, tama na!"




Pinagtitinginan na rin kami ng mga kapitbahay namin.





Nalaman kasi ni Tiyo ang nangyari kanina. At pakiramdam niya napahiya ko siya sa mga Bilarmino. At kahit si Elina ang umamin ay hindi pa rin niya ako pinaniwalaan pinahiya ko pa rin daw siya.






Malakas niya akong itinulak kaya naman nawalan ako ng balanse, napayakap na lang ako sa sarili ko habang umiiyak. Hindi ko kayang tumayo dahil pakiramdam ko ay kakalas ang buong katawan ko.



Nanggagalaiti niya akong dinuro, galit na galit siya dahil nanginginig na siya sa galit at tila aatakihin na siya sa puso sa sobrang poot sa akin.




"Putangina kang bata ka! Napakalaki mong kahihiyan! Sana hindi kana lang ipinanganak hayop ka! Malas ka!"




Tila tinusok ang puso ko sa mga katagang binitawan ni Tiyo. Masakit tanggapin ang mga salitang binibitawan niya at ang galit sa kaniyang mukha. At sa sarili ko pa talagang kadugo.




Muli niya akong dinuro. "Lumayas kana rito! At huwag na huwag ka ng babalik! Bwisit kayong pareho ng nanay mo! Pwe!" Pagkasabi niya nun ay dumura siya sa gilid niya at mabilis akong tinalikuran.




Mas lalo akong napaiyak sa ginawa niya. Humigpit ang yakap ko sa sarili ko dahil wala akong alam na lugar kung saan ako puwedeng tumira. At nag-aalala ako dahil baka mapaano ang Tiyo kung umalis ako.





Dahan-dahan akong tumayo kahit pa tila mababalian na ako ng buto, narinig ko pa ang bulung-bulungan ng mga kapitbahay namin na nakasaksi sa lahat ng nangyari.



"Ito talagang si Mario walang awa sa pamangkin."


"Oo nga, palibhasa namatayan ng anak. Kung gusto niya ng anak ay di tanggapin niya si Georgina, aba'y napakabait kaya ng batang iyan. Minalas lang talaga sa pamilya. Maaga kasing humarot itong si Melba kaya ayan, nagdusa ang anak!"




Napayuko ako at napakagat sa pang-ibabang labi.




Nadamay pa si Mama dahil sa katangahan ko. Nananahimik na siya sa langit pero ito siya, pinag-uusapan dito at ang kaniyang kamaliang nagawa noon.





May humawak sa braso ko para tulungan akong makatayo dahil nahirapan akong igalaw ang binti ko na nagdudugo dahil tumama kanina sa matulis na bato.


Nang tingnan ko iyon ay nakita ko si Ate Malouy, ang babae na nag tra-trabaho sa club. Mukhang kakagaling lang niya sa trabaho niya dahil sa suot niyang halos lumuwa na ang dibdib.




"Okay ka lang ba dai?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.




Muling tumulo ang luha ko at tumango.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pulled me Close (Rush Beast Series#3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon