Kabanata 5

3 0 0
                                    

Kabanata 5

Sisi







Paano mo malalaman kung mahal mo ang isang tao?

Tanong iyon na narinig ko lang kanina sa mga kasambahay. Pinalilibutan nila si Elina, para siyang bulaklak na mamumulaklak palang tapos nakapalibot sa kaniya ang mga bubuyog na titikim ng tamis niya sa tanong ng iba sa kaniya na 'yon.

Pinuputakte.


Ngumiti si Elina. At sa ngiti niyang iyon ay mas lalo siyang nag mukhang anghel.


"Malalaman mo kung mahal mo ang isang tao kapag lumalakas ang kabog ng dibdib mo kapag malapit siya sa'yo."




Bigla akong napakapa sa dibdib ko. Lumalakas ang kabog nito sa tuwing makikita ko si Senyorito Leonard. Ibig sabihin ba nun ay gusto ko siya? Hindi na puwedeng idahilan na kinakabahan ako sa kaniya kasi kahit kalmado ang tingin niya ay parang may galit na pilit itinatagp ang itim niyang mga mata? Na kahit kalmado ang pananalita ay nakalakip ang kalamigan sa kaniyang tinig. At kahit pa blangko ang ekspresyon ng mukha pakiramdam ko ay binabagyo ang loob niya.

"Eh ano namang gagawin mo kung iyong taong gusto mo maraming red flags? Maraming flows na pinaka ayaw mo?" Tanong sa kaniya ulit. Pero ang tanong na ito ay parang alam niya, na parang nangyayari na sa kaniya ngayon base sa mga sagot niya.

Pati ako na kukuryos sa kaniya. May awra siya na hindi kayang gawin ng iba. Hindi ko masabi e, pero nasa kaniya iyong klase ng awra na kahit 'yong madilim na langit na paulan ay magliliwanag kapag siya ang nagsalita. Tapos parang lalamig at mas lalong sasariwa ang hangin kapag nasa malapitan siya. Kagaya na lang ngayon, mukha siyang rosas na bahagyang hinahangin at kumakalat ang halimuyak sa buong paligid.

"Kahit gaano pa ka ayaw mo sa mga lalaki, na mayroon siya ay hindi mo mapipigilan iyon. Kusang bababa ang standards mo kasi mahal mo. May ilan nga riyan na kahit hindi ka gwapuhan ay nagugustuhan nila, dahil kapag tumibok ang puso mo sa isang tao ay pagmamahal iyon na walang kondisyon. At kung mahal mo, mahal mo, tanggap mo ang lahat ng mayroon sa kaniya. At kung willing naman siyang magbago ay gagawin niya para sa'yo." Nagsitanguan sila na tila sumasang-ayon sa kaniya. "Pero minsan ang greenflag hindi mo sila matatawag na totally greenflag na hindi naging redflag. Kasi ang greenflag nag sisimula sa red flag. Kaya lang sila naging greenflag kasi may mga lessons silang natutunan na ayaw nilang iparamdam sa taong mamahalin naman nila ngayon."



Wala akong masabi. Pakiramdam ko tuloy danas na niya. Nagmahal na rin kaya siya?


Mabait na babae si Elina, mukha siyang soft. At mabilis makonsensya at kakawawain dahil sa pagiging palaakuin niya kahit 'di niya naman kasalanan.



"May napulot akong singsing, mukhang mamahalin. Sa'yo na lang, Elina. Ipang donate mo ang maisasangla mo sa bahay ampunan." May kakaibang ngiti sa ni Glenda. Pero hindi naman iyon masyadong pinansin ni Elina dahil lumalambot ang puso niya kapag bata na ang pinag-uusapan.

Mabait naman itong si Elina kaya tinggap niya at panay pa ang pasalamat, pero ang hindi niya alam panganib ang sasalubong sa kaniya mamaya.



"Alam kong dito ko lang inilagay iyon!" Galit na sigaw ni Madam Solicia o Maureen sa loob ng mansyon.


Nasa sofa siya at pilit na sumisilip sa ilalim niyon, mahanap lang ang bagay na nawawala niya.

Halata ang panginginig nito sa galit. Samantala, nilapitan naman siya ng mga kapatid niya para pakalmahin.


"Kumalma ka, Solicia. Mahahanap mo rin ang singsing na ibigay sa ng asawa mo!" Pagpapakalma sa kaniya ni Sir Juanico ang Ama ni Senyorita Jennyrose at Senyorito Jarrel, at kapatid naman ni Madam Solicia.


Pulled me Close (Rush Beast Series#3) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz