Chapter 1

1.4K 50 5
                                    

Chapter 1

Nakapikit akong nakahawak sa railings ng isa sa mga cottages na aking kinaroroonan while my hands are caressing my baby bump gently. Medyo sumasakit na kasi ang puson ko na para bang any moment from now ay manganganak na ako. I also had a spotting yesterday night, konti lang naman at kaninang umaga pagbihis ko wala naman na. Kabuwanan ko na ngayon and if i still bleed continuously ay pupunta na ako sa hospital para iwas panganib sa amin ng baby ko.

"Celine! Kunin mo na yung order sa cottage 3!"

Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang sigaw ng isa sa mga kasamahan ko na waitress. Nilingon ko siya and when she saw me cringing with pain ay bigla ko itong nakitaan ng pag-alala. May hawak hawak itong mga maduduming pinggan, mukhang galing ito sa paglilinis sa isa sa mga cottages.

"Okay ka lang ba?"

I smiled at her saka ko tinapik ang balikat niya sabay kuha ng tray na nasa lamesa. Binalingan ko siya ng tingin.

"I'm okay. Medyo sumakit lang yung puson ko."

"Hala! Baka manganganak ka na? Ano? Dapat ay nagpahinga ka nalang! Naku! Pag may nangyaring masa---"

Umiling ako saka inayos ang tayo.

"Hindi pa naman siguro.. kaya ko panaman."

"Pero--"

"Trust me. Kaya ko 'to, sayang ang sweldo ko. No work no pay pa naman. Pandagdag pa iyon ng gastos sa panganganak ko." Ani ko at magsasalita pa sana siya nang tinapik ko ang kanyang balikat. "Sabihan kita pag manganganak na ko. Don't worry... sige na balik na tayo sa trabaho." Sabi ko saka ko na siya iniwan doon.

Tinatawag pa niya ko pero ko na siya pinansin. Napabuntong-hininga nalang ako saka napatingin sa malalaking alon na humahampas sa buhangin na nasa dalampasigan. May mga sulat pa at guhit sa buhangin but waves made it vanish.

I smiled disappointedly.. how i wish na sana waves can make all the pain and sadness i am feeling right now disappeared katulad ng ginawa nito sa mga nakasulat sa buhangin pero hindi, sands and my past are totally different. Siguro kahit kailan hindi na ito mawawala, it was deeply rooted in me. My bad memories..

I suddenly focused my attention sa cottage na aking paroroonan nang nakarinig ako ng mga malalakas na tawanan at hiyawan. Mukhang may celebration na nagaganap. They were all smiling and laughing as if they have no worries and fears.

Inayos ko naman ang aking sarili nang sobrang malapit nalang ako sa cottage saka ko plinasteran ng ngiti ang aking mga labi. Inipit ko ang aking buhok na hinihip ng hangin sa aking mukha sa gilid ng aking tenga. Tiningnan ko ang grupo na nasa cottage nang mga ilang hakbang nalang and when i saw all their faces ay bigla akong naestatwa sa aking kinatatayuan... most of them are very familiar.

One of them suddenly noticed me, tinuro ako ng isa sa nakakita sa akin and they all stopped from laughing. They all eyed me shockingly and uneasily habang ang isa sa kanila ay nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. May benda ito sa ulo at may galos sa ibang parte ng kanyang katawan na hindi tinatabunan ng tela.

I stepped backward when one of them suddenly approached me.

"I know you.." the chinita girl said. Napangiwi ako.

"Celine.." i heard one of her friends said.

And this time ay napayuko ako dahil bigla akong tinalaban ng hiya. Kilala nila ako and that video.. i bet nakita na din nila iyon. Napapikit ako sabay hawak sa aking tiyan nang nakaramdam ako ng kirot doon.. mas masakit na ngayon kaysa kanina.

"Okay ka lang ba?"

Napamulat ang aking mata saka ko tiningnan ang babaeng nagsabi na kilala daw niya ako. She has a porcelain skin, her lips are free from lipstick at wala ding bahid nang kung anong kolorete. Her hair is wavy and light brown.

Loving You RecklesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon